Capitulo 32

241 6 1
                                        

4 Years After...

"Hurry up Amber. Male-late na tayo."
"Ito na nga nagmamadali na eh."

Nang maisuot ko na ang sapatos ko ay agad akong nag tungo sa pintuan kasunod ni Zeke. Matapos naming makalabas ng bahay ay sumakay na kami sa nakaparada niyang kotse sa labas.

"Nasa sayo yung invitation diba?"
"Oo nasa bag na."
"Good."

Family day ngayon sa school ni Austin kaya naman nag mamadali kami ni Zeke. Nauna na si Austin at si Cornellia sa school dahil may final rehearsal pa raw at mag susuot pa ng costume.

"By the way Amber, tumawag kanina si Atty. Dionisio."

Napahinto ako sa pag lalagay ng hikaw at hinarap si Zeke ng marinig ang pangalan ng abogado namin. Seryoso lang siyang nakatingin sa harap habang nag mamaneho.

"Anong sabi niya?"
"We need to go back to the Philippines."
"Kailan daw?"
"The sooner the better as per him."
"Oh. Okay."

Napabuntong hininga nalamang ako sa nalamang balita. Matapos ng pag uusap na 'yun ay wala ni isa saming nag salitang muli hanggang sa nakarating kami ng school ni Austin.

Medyo puno na rito sa function hall kaya naman nag hanap kami agad ni Zeke ng mauupuan. Niready niya na rin ang camera niya para sa first ever performance on stage ni Austin.

"Ate."
"O, Cornellia."

Si Cornellia ay part timer sa'min bilang baby sitter ni Austin. Pinay din siya at kakarating niya lang dito sa Amerika 1 year ago. Dahil inaayos pa ng mama niya ang pag tatransferan niya ng school kaya naman nag tatrabaho muna siya pansamantala.

"Ang gwapo gwapo ng anak mo ate."

Nakangiting sabi sa'kin ni Cornellia kaya napangiti rin ako. Excited na tuloy akong makita si Austin. Hindi nag tagal ay nag salita na ang isa sa mga teachers na mag settle down na at mag sisimula na ang program. Base sa invitation una sila Austin mag peperform.

"Hanap lang akong magandang angle Amber."
"Sige Zeke. Thank you."

Umalis muna si Zeke sa tabi ko at nag hanap ng pwesto para makuhaan ng magandang video at pictures si Austin.

"Ate, may dumaan pala kanina rito sa school. Kaibigan mo raw."
"Huh? Sino raw?"
"Di sinabi sa'kin yung pangalan eh. Pero magkakilala raw kayo."
"Cornellia, wag ka basta basta makikipag usap sa di mo kakilala. Mamaya niyan kidnapper na pala 'yun."
"Kung kidnapper man 'yun te sasama ako. Ang gwapo."

Humagikhik pa si Cornellia sabay takip ng bibig niya. Nagtaka tuloy ako kung sinong kaibigan ko ang tinutukoy ni Cornella. Imposible naman ang mga kaibigan ko rito sa New York eh hindi naman nila alam na Family Day ngayon dito sa school. Imposible rin si Tokyo at busy 'yun sa mag ina niya.

"Si Cody ba?"
"Hindi ko alam ate. Pero nagka sundo sila kaagad ni Austin. Gulat nga ako eh kasi supladong bata si Austin, no offense ate. Tinulungan niya nga rin akong bihisan si Austin kanina."

Suplado nga talaga ang anak kong 'yun. May pinagmanahan eh.

"Anong itsura ba?"

Sasagot na sana si Cornellia ng biglang nag dim ang ilaw at nag salita ang emcee ng program kaya naman sinabi kong mamaya nalang kami mag usap. Mag sisimula na ang program kaya naman kinuha ko rin ang cellphone ko para may copy rin ako ng video ng performance ng anak ko. Parang ako pa ang kinakabahan kesa sakaniya. Hindi nag tagal ay narinig na namin ang music mula sa speaker at lumabas mula sa backstage si Austin kasama ang classmate niyang si Hillary. Tama nga si Cornellia, lalong gumwapo ang anak ko. He looks like a Disney prince.

Jonah's Luvoratory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon