Kakarating lang namin sa hotel na tutuluyan namin nila Zeke at Austin. Sa wakas at nakauwi na rin kami ng Pilipinas after so many years. Dahil sa jet lag ay tulog na tulog si Austin samantalang kami naman ni Zeke ay tinawagan ang kaniya kaniya naming mga pamilya sa probinsya. Huminga ako ng malalim ng sabihin ko kila mama na may importante kaming sasabihin ni Zeke pagkauwi namin sa probinsya.
"Buntis ka na ba anak?"
Muntik ko pang maibuga ang tubig na iniinom ko ng tanungin ako ni Papa. Agad naman akong tumanggi at sinabing hindi na ako muling mag bubuntis at sapat na si Austin. Gusto kasi nilang magkaroon ng babaeng apo naman. Wala pa raw kasing balak mag asawa si Aladdin kaya sa'kin tuloy sila humihirit ng dagdag apo. Napailing nalamang ako.
"Ba't ba kasi hindi nalang kayo dumiretso rito sa probinsya anak at kailangan niyo munang mag stay diyan sa Maynila ng isang linggo?"
"Gusto pong makita ni Jonah ang anak niya."
"Ano?! Ba't ka pumayag?"
"Ma, Pa. Karapatan ni Jonah na makita niya si Austin. Mag pasalamat nalang tayo at hindi niya kinalimutan si Austin. At saka, ako naman ang may gustong ilayo si Austin sakaniya."Hindi na nagsalitang muli ang mga magulang ko. Totoong gusto ni Jonah makasama si Austin pero bukod sa katotohanang iyon, dito na rin namin imemeet at kakausapin si Atty. Dionisio tungkol sa annulment namin ni Zeke. Pagkatapos kong makausap sila Mama ay naisipan ko rin munang mag pahinga. Dahil sa pagod ay nakatulog ako agad katabi si Austin.
Mag gagabi na ng maramdaman kong nag vavibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko si Austin kaagad pero tulog mantika pa rin ang anak ko kaya sunod kong tiningnan ang cellphone ko. Tumatawag si Jonah kaya bigla nalamang nagising ang diwa ko't agad sinagot ang tawag niya.
"Hello?"
"Oh, I'm sorry. Did I wake you?"
"No. I'm okay."
"Okay. Can I speak to Austin?"
"Tulog pa siya Jonah."
"I see. Jet lag I guess."
"Oo. First time niya kasing sumakay ng eroplano tapos bumyahe ng matagal."
"Kaya naman pala. Oh well, hindi na ako papasok sa room niyo. I'll just see him tomorrow."
"Teka, nasan ka ba?"
"I'm here. Outside of your room."
"Haah? Teka."Agad akong bumangon at nag tungo sa pinto. Pero bago ko binuksan ito ay sinilip ko muna ang aking sarili sa salamin at inayos ang sarili. Hindi pa man din ako naliligo pa pero hindi naman halata. Nag inhale exhale pa ako bago ko binuksan ang pinto. And there, he's leaning against the wall. One hand on his pocket and the other one on his phone. Kumpara noong huli naming pagkikita, bagong gupit na siya ngayon at nawala na rin ang stubbles niya. Still, he looks great on his suit and tie. Ini-end niya na ang tawag at ngumiti siya sa'kin.
"Hey."
"Hi."
"So.. Can I come in?"
"Ah.. Oo naman. Pasok ka."
"Thank you."Binigyan ko siya ng daan para makapasok at saka ko sinarado ang pinto. Dumiretso naman siya sa tabi ni Austin at hinalikan ito sa noo saka hinaplos ang buhok ng dahan dahan.
"Anong gusto mo? Tatawag ako ng room service."
"It's okay Amber. Hindi naman ako mag tatagal. May dinner date ako. Gusto ko lang makita si Austin."
"Sinong ka dinner date mo?"Shoot! Huli na para bawiin ang tinanong ko. Takte, gusto kong tumakbo papasok ng banyo ngayon sa sobrang hiya. Nakita ko naman ngumisi siya sa tanong ko pero sinagot niya pa rin ito.
"It's Terrence Vismonte. He has an upcoming charity event which needs my assistance. Kilala mo naman siya diba?"
"Ah.. Oo. Kilala ko siya."Sikat na fashion designer si Terrence at siya rin kadalasang gumagawa ng mga gowns ng nilalaban ng Pilipinas sa Miss Universe. Hindi na ako mag tataka kung bakit magkakilala na sila ngayon ni Jonah lalo na't patungkol ito sa charity.
Naputol ang iniisip ko ng marinig kong may nag doorbell sa hotel room namin kaya nag excuse muna ako kay Jonah at pinag buksan ang nag doorbell.
"Zeke."
"Hello. Ba't parang nagulat kang nandito ako?"
"Ano.. Kasi.."
![](https://img.wattpad.com/cover/219587303-288-k81348.jpg)
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...