Capitulo 45

243 11 0
                                        

Nakakabingi ang katahimikang namamagitan sa'min dito sa salas.

"Kape po."

Inabot ni Avril ang kape sa'min at saka siya nag tungo muna sa kwarto para bantayan si Austin. Napapagitnaan ako ni Jonah at Zeke samantalang tig isang upuan naman sila mama at papa. Si Aladdin nakasandal malapit sa may pinto.

"Naguguluhan kami sa nangyayari Amber. May dapat ba kaming malaman anak?"

Umpisa ni papa. Malumanay naman siyang nag tanong pero kinakabahan pa rin ako. Si Zeke na ang naunang nag salita.

"Tito, kaya po kami umuwi ni Amber dahil bukod sa gusto naming makasama kayo, nakipagkita rin po kami sa abogado namin."
"Bakit kayo nakipagkita sa abogado?"
"Ma, Pa.. Napag desisyonan na namin po ni Zeke na mag hiwalay."

Nakita kong napapikit si papa matapos kong umamin kaya naman agad na hinawakan ni mama ang kamay ni papa. Tatayo sana ako para kumuha ng tubig pero inunahan na ako ni Aladdin. Matapos makainom ng tubig ay saka muling nagpatuloy si papa sa pagsasalita.

"Dahil ba kay Jonah kaya kayo maghihiwalay ni Zeke?"

Mag sasalita na sana ako pero pinigilan ako ni Zeke kaya tiningnan ko nalamang si Jonah. He mouthed the words "its okay" then he grab my hand and squeeze it.

"No Tito."
"Kung ganun bakit kayo mag hihiwalay? Hanggat hindi niyo ako binibigyan ng katanggap tanggap na kasagutan hindi ako papayag sa desisyon ninyo. At ikaw din Jonah, hindi ko tinatanggal ang karapatan mo sa apo ko pero huwag mo namang guluhin ang buhay mag asawa nila Amber at Zeke. Tama na, nasaktan ng masyado ang anak ko."
"Pa, tama na po."

Hindi ko na naiwasang maiyak. Gusto ko lang naman itama na ang buhay ko, namin nila Zeke at Jonah. Gusto ko lang naman wag ng masangkot at masaktan pa si Zeke at makahanap na siya ng para sakaniya. Gusto ko lang naman makasama na si Jonah at buohin ang pamilya namin kasama si Austin. Nakakapagod na ang ganitong sitwasyon.

"Ako po ang may kasalanan kung bakit humantong sa ganitong sitwasyon. Nag magandang loob lamang si Zeke na tulungan ako at si Jonah naman, niligtas niya po ako sa panganib. Pareho po silang tanging hangad lamang ay mabigyan ako ng magandang buhay pero ako naman itong si tanga, nagpadalos dalos sa desisyon kaya heto, pareho ko tuloy silang nasasaktan. Huwag niyo po silang sisihin."

Nang medyo huminahon ako ay si Zeke na ang nag patuloy sa pagpapaliwanag kung bakit kami mag hihiwalay. Nakinig naman sila mama at papa. Maging si Aladdin, kahit na nakatanaw siya sa labas alam kong nakikinig din siya.

"Mahal ko po ang anak niyo kaya ko 'to ginagawa. Her happiness is important to me that's why I am setting her free."

Tiningnan ako ni Zeke at ngumiti saka ulit nag patuloy.

"Kaya kung pwede po Tito at Tita, bigyan niyo po ng pagkakataon si Jonah. Bigyan niyo po sila ni Amber ng pagkakataong ituwid ang kanilang pag sasama lalo na't may anak na sila. Napamahal na rin sa'kin si Austin kaya regalo ko na sakaniyang nalalapit na birthday ang mag kabalikan ang kaniyang mga magulang."

Tumango si Papa at si Mama naman ay umiiyak na rin.

"Naiintindihan ko Zeke. Maraming salamat sa lahat lahat. Napakabuti mong tao."
"Walang ano man po Tito."
"Ikaw Jonah, may kailangan ba kaming malaman kung bakit umuwi ng mag isa sa Pilipinas si Amber noon?"
"Opo Sir."

Si Jonah naman ngayon ang nag paliwanag kung bakit nawala siya ng apat na taon. Mabuti nalang at binigyan na rin nila ng pagkakataon si Jonah mag paliwanag ng side niya. Tahimik din nakinig sila Mama, Papa, Aladdin, at Zeke at kung minsan ay may tanong sila.

"Hindi namin akalaing grabe pala ang pinagdaanan mo hijo." Aniya ni mama.
"Pasensya ka na hijo kung hindi ka namin binigyan ng pagkakataon noon."
"Okay lang po Sir and Ma'am. Naiintindihan ko, magulang na rin naman po ako kaya alam ko po ang nararamdaman ninyo. Kung siguro masaktan din si Austin baka hindi po ako maging kasing bait ninyo."

Jonah's Luvoratory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon