Capitulo 42

256 10 0
                                    

Today is the day.

Nandito kami ngayon ni Zeke at Austin sa bahay ni Tokyo at dito ako inaayusan ng kinuha nilang hair stylist, make up artist, nail artist, at kung ano pang artist ang busy sa'kin ngayong nag aayos. Akala naman nila sasabak ako ng Binibining Pilipinas kung tutuusin charity event naman ang pupuntahan ko.

Nakilala ko na rin sa wakas ang asawa ni Tokyo na si Billie Jean at ang kanilang anak na si Paris na akala ko noon ay babae. My bad.

"Seems like little Jonah is fond of baby Paris."

Pumasok si Tokyo sa guest room nila dala ang isang console. Busy siya ngayon mag laro dahil may ginagawa na naman silang game na irerelease this year. Nakaka proud nga eh, bukod sa number one sila rito sa Pilipinas na game developer, ginagawa na rin tournament yung ibang laro nila.

"Little Jonah ka riyan."
"Sus, in denial pa kasi eh."
"Hindi ah."
"Whatever. Anyway, I can't believe you are attending that charity event."

Invited rin sana si Tokyo sa event ni Terrence pero tumanggi siya dahil sa schedule niya sa trabaho. Isa pa, ngayong araw ay siya ang nakatokang mag alaga kay Paris. 'Yun ang usapan nila ni Billie Jean. Pinagtawanan ko nga siya at inasar na Andres na siya ngayon. Kung todo tanggi pa ang mokong eh halatang halata naman.

"Kahit ako hindi rin makapaniwala. Kaya kami umuwi dahil sa annulment tapos dadalaw din sana sa pamilya namin. And here I am, preparing for an unexpected event."
"Expect the unexpected when you are with Jonah. Maraming ganap 'yun sa buhay."
"Like what?"
"Isa na yung pag lilink sakaniya kay Nicole Zulueta."
"Diba artista siya? Siya yung bida sa pinapanood naming teleserye sa TFC eh."
"Yes, the celebrity. They were caught by the paparazzi last Christmas in a restaurant in Tagaytay."

Kung maalala ko nung Christmas may tumawag kay Jonah na boses babae kaya niya ako binabaan. Naiinis tuloy ako ngayon. Meron na pala siyang dini-date bakit ganun niya ako kung tratuhin? Gumaganti ba siya sa'kin dahil nagpakasal ako kay Zeke? Argh!

"Oh, ba't nakabusangot ang kaibigan mo Tokyo?"

Pumasok si Zeke na may hawak din na console at nagtatakang tiningnan ako.

"She's jealous."
"Kanino?"
"Nicole Zulueta. Nalilink si Jonah dun eh."
"Really? Wow, she's hot. I see now why Amber's jealous."
"FYI sainyong dalawa, hindi ako nag seselos. Bakit ako mag seselos?"
"Yeah right."

Nagkasabay pa ang dalawa kaya sabay din silang nag tawanan. Dagdag pa ang mga 'to eh. Mga kaibigan ko ba talaga 'to? Tsk!

Matapos ang ilang oras ng pag aayos ay ready na ako. Bago ako bumaba ay pinasadahan ko muna ang sarili ko ng isang tingin sa salamin. My hair is in french twist, I'm wearing a white strapless chiffon dress, white ankle strap stilettos, and I also love how my make up was applied, light yet dewy. I took a deep breath before I went out. Nasa baba sila Zeke, Tokyo, Billie Jean, and Austin ng bumaba ako. They aren't saying a word hanggang sa nakababa ako kaya hindi ko tuloy maiwasang mailang.

"Pangit ba?"
"Miss, nasan yung kaibigan ko?"

Unti unti ay nakita kong ngumiti si Tokyo. Dun ako nakahinga ng maayos. Nagustuhan din nila ang ayos ko to the point na nag biro pa si Zeke na ayaw na niya raw ng annulment. Bago ako umalis ay tinawag ako ni Austin.

"Yes baby?"
"You need to return by 12 midnight and please make sure to wear your shoes properly."
"Yes I will baby. Be a good boy okay?"
"Yes Mommy. Take care. Bye bye."

Nginitian ko si Austin saka ako ihinatid ni Tokyo at Zeke sa hotel kung saan gaganapin ang charity event. Pagkarating namin sa hotel ay huminga ulit ako ng malalim.

Jonah's Luvoratory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon