Lunes ngayon pero nag decide si Jonah na mag stay muna siya sa bahay nayong araw kaya naman heto ako abala sa pag luluto ng pananghalian namin. Nahirapan pa ako kumbinsihin ang mga tao rito na ako ang mag luluto dahil nga hindi ko naman daw kailangan mag luto, kaya na nila.
"Ang bango Ate."
"Salamat Maya. Tikman mo nga kung okay na."
Kumuha ako ng kutsara at pinatikim kay Maya ang niluto kong sinigang na baboy.
"Ang sarap ate. Parang mapaparami ang kanin ko mamaya."
"Eh di kailangan ko pala mag saing ulit kung mapaparami ka."
"Ako nalang ate."
Nakakatuwa talaga 'to si Maya. Kakamiss tuloy ang pamilya ko sa probinsya. Madalas naman kami mag kausap nila Mama, Papa, pati na rin ng mga kapatid ko at sa awa naman ng Diyos, okay lang sila. Wala raw silang problema sa pagkain dahil nga sa pinadala ni Jonah noon. Siguro pwede na kaming mag usap sa mga bagay bagay na kailangan kong malaman lalo na sa nabanggit ni Gloryvale tungkol sa ex-wife niya. Hindi na ako nakapag tanong pa noon kay Gloryvale dahil kaagad bumalik si Jonah dala ang dokumentong kailangan ni Gloryvale.
"Okay na po Ma'am Amber yung fruit salad. Nailagay ko na sa ref."
"Salamat Aling Mylene. Tawagin niyo na po sila Mang Errol para sabay sabay na tayong kumain."
"Nakakahiya naman po Ma'am kung sasabay kami."
"Si Aling Mylene naman, wag na po kayong mahiya. Sabay sabay na po tayo. The more the merrier nga diba."
Ngumiti si Aling Mylene at tinawag na nga sila Mang Errol pati mga security guards dito sa bahay. Habang abala ako sa pag luluto bigla nalamang nay yumakap sa'kin mula likod kaya naman narinig ko ang mahihinang tawa ni Maya.
"Oy Jonah, anong ginagawa mo rito?"
"Masama bang manuod sa'yo habang nag luluto?"
"Hindi. Pero bakit may payakap ka pang nalalaman?"
"Ang sungit mo naman."
Lumayo naman kaagad si Jonah kaya hinarap ko siya. He's pouting and again, he looks cute.
"Baka Sir Jonah may period si Ate Amber."
"Possible."
"Oy wala ako ngayon ah."
Speaking of period, hindi pa ako dinadatnan. May pag babago ba sa cycle kapag nakipag.. Ano.. Basta. Gumamit naman si Jonah ng condom nung una namin..
"Hey Amber, what's wrong?"
Bigla kong nabitawan ang hawak kong pang sandok ng maalala ko yung pangalawa namin. Gumamit ba siya nun?
"A-ano, wala. Dumulas lang sa kamay ko."
"Oh. Okay."
Pinagmasdan niya ako ng maigi kaya naman itinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa pag luluto habang nag uusap naman si Maya at Jonah sa may counter.
"Why are you calling Amber Ate?"
"Sorry po si Sir Jonah. Hindi ko na po tuloy siya tatawaging Ate."
"No. What I mean is bakit ang tawag mo sakaniya Ate samantalang sa'kin Sir pa rin?"
"Po? Okay lang po sa'yo tawagin kong Oppa?"
"No, not that. Kuya. Just call me Kuya instead of Sir. Nakakatanda ang Sir."
"Talaga po? Sige po Kuya Jonah."
"Much better."
"Oh Kuya, tulungan mo na ako rito. Mag sandok ka na ng kanin para makakain na tayo."
"Excuse me Maya ah, tawag na ako ng Ate mong masungit."
"Anong sabi mo Clemente?"
"Wala po Misis."
Agad naman lumapit si Jonah at ngumit saglit bago sinunod ang utos ko. Si Maya naman halos mapunit na ang mga labi sa sobrang lawak ng ngiti.
"Misis ka riyan."
"Well, sooner or later I'm not the only Clemente in this house babe."
Kumindat siya sa'kin bago nag tungo sa dining area dala ang sinandok niyang kanin. Shit! Pati ata labi ko parang mapupunit na rin. Kasalanan 'to ni Jonah. Nagsandok na rin ako ng ulam namin at tinulungan ako ni Maya. Pagkatapos ay sumunod na rin kami sa dining area. Andito na pala ang lahat at kausap naman ni Jonah ang kaniyang mga security guards. Si Aling Mylene naman ay inaayos ang mga kubyertos.
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomanceAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...
