Zeke's P.O.V
Few years ago..
"Tres ulit galing kaya Palomares."
Napasuntok pa ako sa hangin ng pumasok na naman ang three point shot ko. Mukhang may pag asa kaming manalo. 4th quarter na at 15 points pa ang lamang sa'min ng kalaban. Last 5 minutes nalang para makahabol pa kami at nasa kalagitnaan kami ng laro ng biglang tumawag ng time out ang kabilang team kaya naman agad akong pumunta sa gilid ng court para uminom ng tubig.
"Ang galing mo Zeke."
"Pwedeng mag papicture kami?"
"Gwapo na magaling pa sa basketball."
Tanging ngiti lamang ang tinugon ko sakanila bago uminom ng tubig. Hindi pa rin kayo nagsasawa? Ilang araw na silang palaging papicture ng papicture. Mga papansin. Kung hindi lang ako pinagsabihan ni daddy wala naman talaga akong balak pansinin ang mga babaeng 'to. My father is a politician here that is why as much as possible he'd like us to be kind to people because it might ruin his image and reputation. Naalala ko nga na inuudyok niya rin akong tumakbo noon bilang SK Chairman which I instantly declined. Politics isn't my cup of tea.
I was drinking my 3rd glass of water when I notice this girl. She's not tall but not short, balingkinitan ang katawan, maputi at makinis na balat, naka ponytail, and I think she's smiling at me? I was torn between smiling back or not when he just passed me by and walk towards Aladdin.
Aladdin is my teammate at magaling din siya sa basketball. Pareho kaming 5'10 pero siya ang point guard namin na ikinagulat ko noong una. Bago ako sumali sa liga, I heard na ilang beses na rin siyang napabilang sa mythical 5 at nagawaran na best point guard.
Nilingon ko si Aladdin at ang babae na lumapit sakaniya. Tumatawa ang dalawa at hinampas pa nga nung babae sa pwet si Aladdin na ikinakunot ng noo ko. Well, that's a bold move. Pinunasan niya ng pawis si Aladdin pati na rin sa likod nito bago kami tinawag para ipag patuloy ang laro. Habang papalapit kami sa court ay hindi ko maiwasang tanungin si Aladdin na ikinagulat pa niya. Bihira kasi kami mag usap nito.
"Bakit Palomares? May hindi ka ba nagustuhan sa plano ni coach?"
"Hindi. Who's that girl?"
"Sino?"
"Yung lumapit sa'yo. Girlfriend mo ba 'yun?"
"Haah?"
Natawa si Aladdin sa tanong ko bago pumunta sa posisyon niya. Mamaya nalang ako magtatanong pag tapos na ang laro. Nag patuloy kami sa pag lalaro at as usual sa'kin lagi pinapasa ang bola para makalamang sa kalaban. Bawat shoot ko ay hindi ko maiwasan tingnan yung babae na panay cheer kay Aladdin lalo na kapag si Aladdin ang pumupuntos.
Last 1 minute nalang at 5 points nalamang ang lamang ng kalaban. Ipinasa ulit sa'kin ni Aladdin ang bola pero dahil nga alam na ng kalaban na ako ang scorer kaya naman dalawa ang bantay ko ngayon. Hindi posible ang makapag shoot sa pwesto ko ngayon kaya naman napilitan akong pumasok para makalapit sa ring pero bigla nalamang akong natumba dahil binunggo ako ng isa sa mga nag babantay sa'kin. Intentional 'yun. Ngumisi pa ang lalaki sa'kin kaya naman hindi ako nakapag pigil at tumayo kaagad pero bigla rin lang napaupo. Mukhang nasprain ako dahil mali yung bagsak ko kanina. Nag time out muna ang coach namin at inalalayan ako ng teammates kong makaupo sa isang mono block. Nag substitute na rin sila. Agad na lumapit sa'kin si coach para tingnan ang paa ko.
"Mabuti hindi naman malala. Amber hija, pwede bang alalayan mo muna si Zeke? Asikasuhin ko lang ang laro. Manalo lang tayo rito pasok na tayo sa championship."
"Sige po."
So her name is Amber. Lihim akong napangiti bago siya nakalapit.
"Mang Julio, sa bahay ko nalang po siya i-first aid tutal dun naman po kayo ngayon mag mimiryenda."
Tumango naman si coach habang abala sa pag bibigay instructions sa teammates ko. Inilahad naman ni Amber ang kamay niya sa'kin.
"Kaya mo bang mag lakad? Tawagin ko tuloy si Papa."
"No. No need. I can still walk. Patulong nalang."
"Sige."
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomantiekAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...
