9 months later..
"We'll miss you Amber."
"Don't forget us. Give us a call sometime."
"I will. Thank you guys for everything."
I bid good bye to my colleagues as I exit the bar I've been part of for almost 5 years. Bukod sa malapit na akong manganak kaya ako nag resign sa trabaho, inaasikaso na rin ni Jonah ang pagbabalik namin ni Austin ng Pilipinas. Dito lang ako manganganak sa Amerika dahil hindi na ako pwedeng bumyahe pa sa eroplano.
Pagkalabas ko ng bar ay nag aantay na si Zeke sa'kin. Nasa isang bubong pa rin naman kami nakatira. Bubukod na sana kami ni Austin ng tirahan dahil nakakahiya na rin sakaniya pero hindi siya pumayag sa kadahilanang buntis ako't walang mag babantay sa'kin. Nanibago rin ako ng sumang ayon si Jonah sa gusto ni Zeke, first time nilang magkasundo.
"Ready for shopping?"
"Tara."
Inalalayan ako ni Zeke makasakay ng kotse niya at nagpunta kami sa Manhattan Mall para mamili ng gamit ni baby Janessa Amity. Habang nag dadrive ay naikwento sa'kin ni Zeke na tumawag si Atty. Dionisio at binigyan siya ng update sa on going case ng annulment namin.
February nag simula ang case namin kaya umuwi ulit ako ng Pilipinas para sa appearance sa korte. Naantala tuloy ang regalo kong Disneyland sana kay Austin pero sinabi ko namang babawi ako sakaniya. Dahil panay ang uwi ko ng mga nakaraang buwan sa Pilipinas ay napilitan akong i-enroll tuloy sa home schooling si Austin para kahit kasama ko siya sa Pilipinas ay nakakapag aral pa rin siya. Nang malapit ng mag 7 months ang tiyan ko ay hindi na ako pinayagang bumyahe ng OB/GYN ko kaya si Zeke na ang pumalit sa'kin sa pag aasikaso ng annulment namin. Mukhang mas pabor nga sakaniyang umuwi ng Pilipinas dahil nagkikita sila ni Gloryjane. I tried asking him kung sila na ni Gloryjane pero ang sabi niya lang sa'kin mag kaibigan lamang daw sila though I doubt that dahil one time na nag fa-facebook ako ay nakita kong naka tag si Zeke sa post ni Gloryjane and they are somewhere in Palawan. Hindi na ako masyadong nag tanong pa dahil baka nag te-take time sila pareho na makilala ang isa't isa which is good.
Pagkarating namin sa mall ay kumain muna kami't saka namili. Nasa kalagitnaan ako ng pag tingin tingin ng damit para sa sanggol ng tumawag si Jonah.
"Hey babe."
"Hello. Kumusta?"
"Heto, nasa hospital."
Nandito sana si Jonah ngayon sa Amerika pero dahil on going ang construction ng hospital nila ni Gloryvale ay siya muna ang bahala sa lahat lahat samantalang si Gloryvale naman ang in-charge sa mga business meetings nila overseas.
"Kumusta na ang progress ng hospital niyo?"
"Mabuti naman kahit papano. The Bureau of Fire are currently checking the wirings and emergency exits of the building. Then later I'll be checking the files of the applicants especially those applicants that we'll send there in New York for training. How about you? How's your last day?"
"Okay naman. Mamimiss ko nga lang mag trabaho pero oras na para maging full time mother naman ako para kila Austin at Janessa. Namimili na nga ako ng damit ni baby Janessa ngayon."
"Hmm.. Parang gusto ko tuloy mag tampo."
"Hala siya. Bakit naman?"
"I appreciate that you want to be a full time mom to our kids but don't you want to be a full time wife to me too? I also need tender loving care."
I know that he's pouting right now kaya hindi ko maiwasang matawa pero ang tawa ko ay unti-unting nawawala at napapalitan ng sakit.
"Aaah.."
"Babe? What's wrong?"
"A-aray.. Aaah.."
Kaagad na lumapit si Zeke sa'kin kaya kumapit ako sakaniya. Nakita rin naming may bumubuhos na sa legs kong likido kaya si Zeke na ang nakipag usap kay Jonah.
"Hello Jonah. It's me Zeke. I'll take now Amber to the hospital. Pumutok na ang panubigan niya. Talk to you later."
Matapos i-end ni Zeke ang tawag ay nag request siya sa department store ng wheel chair para sa'kin. Tumawag din sila ng 911 para maisugod na ako ng ospital. Shit! Ang sakit. Parang gusto ko ng himatayin sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Buti nalang at rumesponde kaagad ang 911 kaya naisugod ako sa ospital sa lalong madaling panahon.
BINABASA MO ANG
Jonah's Luvoratory (COMPLETED)
RomantikAfter being ghosted by her boyfriend Jonah Clemente, Amber Rose De Jesus had issues on giving chances particularly when it comes to her romantic life. In a span of 6 years, although she had suitors, she opted to dedicate herself helping her family b...
