Capitulo 19

325 9 0
                                    

Tatlong araw ng hindi kami nag uusap ni Jonah. Nag try din naman akong tawagan at itext siya pero kung hindi niya sinasagot ang tawag at text ko, palagi siyang nag mamadali. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali para iwasan niya ako o sadyang busy lang siya sa trabaho.

Andito ako ngayon sa kwarto at nag hahanda na para matulog. Mag a-alas nuebe palang ng gabi at Sabado ngayon kaya naman naisipan kong tawagan siya. Kukumustahin ko lang naman pero nagulat nalamang ako ng boses babae ang narinig ko sa kabilang linya.

"Yes?"
"Ah.. Ano.. S-si Jonah?"
"He's in the CR."

Babae at CR. Hindi ko maiwasang mapatakip ng bibig. Unti-unti ko na rin nararamdaman ang pag basa ng mata ko at ang sakit sa dibdib. All this time na nag iisip ako kung anong nagawa ko sakaniyang mali para hindi niya ako kausapin, 'yun pala siya.. How could he do this to me? I surrendered myself to him.

"Hello? Miss are you still there?"

Hindi ko kayang mag salita. Ang tanga ko. Dapat hindi na ako nasasaktan eh. Hindi rin ako pwedeng mag reklamo dahil wala akong karapatan kasi nga hindi na kami. Napaka tanga ko talaga.

"Hey Mik, who's calling?"
"It's Amber. Listen, I'm leaving the room now."
"Shit!"

Narinig ko sa kabilang linya ang mabilis at mabibigat na yabag at hindi nag tagal narinig ko na sa kabilang linya si Jonah.

"Amber it's not what you're thinking. I can explain."
"Go to hell Jonah!"
"Amber.."

Ini-end ko na ang call at sabay patay ng cellphone. Ka-o-off ko palang ng cellphone ko ay tumutunog na ang telepono rito sa kwarto kaya naman tinanggal ko ang chord nito saka ako dumiretso sa kama at dun umiyak. Bukas na bukas din aalis na ako rito. I can't bear to see him again. I almost gave him a chance, buti nalang hindi. He doesn't deserve it. Bahala na kung anong maging buhay ko simula bukas pero kailangan kong makaalis na rito kaagad.

"Damn you Jonah Clemente!"

I continue crying until I fell asleep. Pero lalo pang dumagdag ang pait ng magising ako dahil sa masamang panaginip. If I can recall the nightmare, I was so happy and excited on that day because Jonah's finally home but to my surprise, he came home with a woman. The woman's face is vague but one thing I clearly remember was when Jonah told me to leave the house because he's done with me.

I cried again after I woke up. I checked the clock and it's only 2 in the morning. I still can't go out because of the curfew. Hindi ko na rin nakaligtaan ang pag bigat ng talukap ko, hindi dahil sa antok pero dahil namamaga na ito kakaiyak. Gusto ko sanang tawagan si Tokyo o kaya ang pamilya ko pero natutulog pa sila. Dahil wala akong mapag sabihan ng sakit ng loob kaya naman naisipan kong lumabas sa balcony para mag pahangin nalamang. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko.

Bumangon ako at isinuot ang tsinelas saka nag tungo sa balkonahe. As usual medyo malamig ang simoy ng hangin pero kaya naman ng katawan ko. Marami rin ngayon bituin kaya naman tiningnan ko ang mga ito habang patuloy pa rin sa pag luha ngunit ng mapadako ang mga mata ko sa swimming pool ay may dalawang mata rin ang nakatunghay sa'kin. After three weeks ngayon na naman lang kami nagkita. Mukhang pagod siya't kulang sa tulog dahil halata sa kaniyang eyebags. Matagal kaming nagkatitigan at natigil din ang pag luha ko.

"Amber.."

May sasabihin pa sana siya pero tinalikuran ko na siya't bumalik sa loob ng kwarto. Ayokong makausap siya. Tiningnan ko rin ang pinto ng kwarto at sinigurong naka lock ito para hindi siya makapasok. Ilang ulit niya akong tinawag mula sa baba pero hindi ko siya pinansin hanggang sa nag sawa na siya kakatawag at tumigil. Pero nagulat nalamang ako ng bigla siyang nakarating sa balkonahe at pumasok sa sliding door. Lalapit na sana siya pero agad ko siyang pinigilan.

Jonah's Luvoratory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon