Capitulo 29

267 9 0
                                        

Matapos ang insidenteng pag sunod sa'min ni Trinity makaraan ng tatlong araw ay wala na kaming nakita pang kakaiba o kaduda duda hanggang sa nakalabas kami ng ospital dala ang bangkay ng dad ni Jonah. Tanging kami lang ni Aunt Betty ang umiiyak hanggang ngayon samantalang ang mag kapatid na Clemente ay madalas mag usap. Hindi ko nga lang alam ang pinag uusapan nila dahil palagi akong nasa tabi ni Aunt Betty.

"Aunt Betty, here's your tea."
"Thank you Amber. That's really kind of you."

Inabot ko ang ginawa kong tea para kay Aunt Betty at uminom naman siya. Last day na ng burol ng dad nila Jonah at kontrolado lang ang pwedeng pumasok dito sa bahay ng mga Clemente sa Manchester. Napaka higpit ng security ngayon dito lalo na't wala ng restraining order si Trinity.

Habang pinapanood ko ang mga bisita ay bigla nalamang pumasok ang head ng security team ni Gloryvale at lumapit kay Jonah na kasalukuyang nakikipag usap sa kaibigan ng dad nila. Nakita kong may binulong ito kay Jonah at tanging tango lang ang sagot niya saka lumapit sa'min.

"Aunt Betty, the Mayor's here."

Agad namang tumayo si Aunt Betty at nag excuse sa'min. Nilapitan naman ako ni Jonah at tumabi sa'kin.

"Hey."
"Hello."
"Do you want to rest? You can go upstairs. Kanina ka pa abala sa mga bisita. Baka masama sa'yo at kay baby."
"I'm okay Jonah. This is the least I can do for your family."

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Ngumiti naman ako sakaniya para assurance na okay lang ako at para na rin mapagaan ang kalooban niya kahit papano.

"Namimiss kita babe kahit andito ka lang naman sa tabi ko."
"Clingy ka naman masyado babe."
"I know right. We seldom talk tapos pag nasa kwarto na tayo palagi kitang naaabutan tulog but I understand."

Aww. Matapos kong marinig ang confession niya ay parang namiss ko na rin siya tuloy. We were interrupted by Aunty Betty when they called us to introduce us to the Mayor.

"Mayor Springer, this is Jonathan's eldest, Jonah and this beautiful lady here is his girlfriend, Amber."

Nakipag kamay naman kami kay Mayor Springer at nag abot din siya ng pakikiramay sa pamilya.

"I've heard a lot about you Jonah. I heard from your father that you now own a company?"
"Yes, that's true. I acquired a pharmaceutical company in the Philippines."
"That's impressive. Your father must be very proud of you."

Ngumiti sa'min si Mayor Springer at saka may pumasok na babae't lalaking may kasamang 2 years old ata na bata.

"Hello Jonah, our deepest sympathy to the family."
"Thank you Ellie."
"By the way this is Tony, my husband and this little angel here is our son, Noah."

Nakipag kamay naman si Jonah sa asawa ni Ellie at ginulo niya ang buhok ni Noah. Nilipat naman ni Ellie ang mga mata niya sa'kin at ngumiti.

"And you must be the wife of this runaway groom?"
"Runaway groom?"

Nalost ako dun sa sinabi niya. Diba Runaway Bride dapat 'yun? Yung pelikula. Kaya naman ng mahalata ni Ellie ang pagtataka sa mukha ko ay inexplain niya kung bakit tinawag niyang runaway groom si Jonah. Si Ellie pala ay anak ni Mayor Springer at ang gusto sanang ipakasal kay Jonah ng dad niya. Hindi niya naman daw type si Jonah kaya good thing nalang ay hindi sila natuloy at naging mag kaibigan nalamang sila.

"You might want to stop calling me that Ellie. I'm about to marry Amber this year but with all the bad stuff happening right now, we decided to move the wedding next year instead. Besides, it would be nicer if our bud here will witness the wedding of his or her parents."

Jonah's Luvoratory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon