EPILOGUE

33 0 0
                                    

                                A SINGLE CHANCE
                                  mintgreenmagic

Last Chapter:

Siguro nga mayroon talaga na 'It's the right love in the wrong time'. But you know what is important?

Ang importante ay yung maipakita mo at maiparamdam sa tao yung pagmamahal mo para sa kanya. Yung maiparamdam mo sa tao na they are loved by you. Na they exist for a reason. In that way you can give them the inspiration to live a life full of happiness.

Mayroon din na wrong love at the right time na sigurado akong mas maraming ganito sa panahon ngayon. People tend to fall in love easily these days kaya nararanasan nila yung ganitong setup.

But for Bryan and Amber? Of ciurse it's the first one.

The right love at the wrong time.

Their love was more than right pero siguro hindi pa nila panahon yun. Just like what Bryan said, 'sa susunod na habang buhay'. Maybe fate will let them meet again in the next life and maybe, just maybe, right time na yun para sa kanilang dalawa.

"Bryan? Mom and Dad are asking kung handa ka na ba?" tanong ni Brix sa lalaking nasa harap ng salamin at nagbubuntong hininga 

"I don't know Brix. Gusto ko dito lang siya eh. Kailangan ba talagang gawin yun?" tanong ni Bryan kay Brix at umiling ang kakambal nito

"Bryan, kailangan yun gawin. Kapag hindi natin yun ginawa, we'll be locking her up in here and she'll never have the peace you wanted her to have"

"I want her to rest in peace pero hindi ba pwedeng dito siya magrest in peace sa atin?"

"Bryan, naiintindihan ko ang gusto mong mangyari but she needs to go. You need to let her go." Brix bluntly said and Bryan sighed in defeat

"Fine." he said and fixed his black tuxedo

Tiningnan niya ulit ang sariling mukha sa salamin at ngumiti ng malungkot.

"I think this is really the end, huh?" tanong nito sa sarili

Lumabas na si Bryan sa kwarto niya at sumabay siya sa pamilya niya papunta sa burial ni Amber.

Bumaba ng malungkot si Bryan at naghintay. Everybody looked so sad dahil sa nangyari.

Who wouldn't be sad? Amber was the sunshine everybody needed everyday. Napakagandang bata at napakabait pa. She's like the greatest loss for Bryan. Amber was Bryan's world to begin with. But I guess, everybody needs to bid goodbye to their worlds sometimes.

Nagsimula na ang pagbibigay ng speech ng mga tao na naroon. Bryan sat in sadness at nakatulala na lang siya.

"Bryan? Ayaw mo ba magsalita sa harap?" tanong ni Tita Angeline kay Bryan

He shook his head and sighed before looking at the person asking him.

"Hindi na po." Bryan answered at tumulala ulit

"Here. Amber told me to give rhis to you kapag wala na daw siya. This will pass Bryan. My daughter doesn't want you to be sad. Kaya magmove on ka agad ha? Baka sisihin ako ni Bettina kapag palagi kang walang buhay." Tita Angeline stated and gave Bryan a box

He stared at Amber's grave.

'Ikaw lang namang makakaintindi sa akin. And I know alam mo na lahat ng gusto kong sabihin'  

Natapos ang libing ni Amber at umuwi na lahat ngunit nagpaiwan doon si Bryan. Brix decided to stay and look after Bryan pero sa kotse na siya naghintay.

"Alam mo, ang unfair mo. You promised to fight pero naiintindihan kita. Kasi hindi naman sa lahat ng laban ay mananalo tayo. Pero, you made me hope na makakasama pa ktia ng matagal. You should have informed me na susuko ka na. Dapat hindi mo na ako binigyan ng false hope. Kasi ang sakit eh. Kung kailan nakilala ko na yung taong gusto kong makasama habang buhay saka naman ako pinagkaitan. Promise last na araw na itong iiyak ako. Kasi you don't want me to be sad diba? Then I won't be. By the way, I pursued my dream. Isa na rin akong photographer ngayon, babe. Marami nang gustong magpakuha ng litrato sa akin, ang ganda ko daw kumuha eh. Gusto ko sanang sabihin sa kanila na 'syempre maganda din kasi yung paborito kong kuhaan ng litrato' at ikaw yun. Babe, rest well ha? Be in peace na kasi wala ka nang iniinda na sakit."

Pinunasan ni Bryan ang kanyang luha at binuksan ang box na binigay ni Amber. Laman nun ang isang camera, isang letter at isang album.

Kinuha ko ang camera at may nakakabit doon na note.

Babe! Kahit wala na ako support pa rin kita sa dreams mo. Huwag mong kakalimutan yun ha? I love you!

Bumuhos ang luha ni Bryan at kinuha ang letter at binasa na mas lalong nagpaiyak sa kanya.

The letter was about Amber's thoughts and she also said her goodbyes there.

Lastly, Bryan got a hold of the album before flipping the first page. Every picture has a note at the back. He read every one of it.

Marami yung pictures na nandoon. Some were solo pictures of Amber na si Bryan ang kumuha. Some were photos of then together. Nandoon yung pictures nila nung pumunta sila sa Thailand. Nandoon din yung mga pictures nung 19th birthday ni Amber. Linagyan na din ni Amber ng mga baby pictures niya at ni Bryan ang album.

What caught Bryan's attention was a photo of Amber's fingers with the ring he gave her. The note at the back said,

'Babe, pagnamatay ako huwag mong aalisin to sa kamay ko ha? Kasi gusto kong suot ko to kapag nakahiga na ako sa coffin ko. Thank you for considering me the one that you'll love for the rest of your life kahit alam mong hindi ko kayang manatili hanggang dulo. But I'll keep my promise to you. Na ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. If we cross paths in ny next life, I'll still choose you, babe. I love you hanggang sa susunod na habang buhay.'

Bryan stared at it with blurry eyesight because of his tears and held onto the picture for a long time. Bryan stayed at the cementery and cried his heart out before spitting some words.

"I love you to the moon and back Amber Bubbles Aguilar, hanggang sa susunod na habang buhay"

Just A Single ChanceWhere stories live. Discover now