vii

285 25 11
                                    

Sa wakas nakabalik ka na...


Magkakaroon na rin ako ng pagkakataon na singilin ka...


Kukunin ko sayo lahat...


Lahat ng sana ay meron ako ngayon, ikaw ang magbibigay...


Kasalanan mo kung bakit nawala sa akin ang nag-iisang babaeng minahal ko... ngayon pati ang magiging anak ko namatay ng dahil sayo...



Sisingilin kita... ikaw ang kabayaran ng lahat... ipaparamdam ko sayo lahat ng sakit... ibibigay mo sa akin ang lahat ng meron ka...













"Joaquin, hijo... maaari ba tayong mag-usap." paalis na sana sya sa awards ceremony, susunduin nya si Thea.

Sakto naman din kasi tapos na daw ang concert ng paborito nitong artist, tuwang tuwa ito ng makausap nya kanina sa phone... may ikukwento daw ito sa kanya, pinaakyat daw sila sa stage at nadapa si Gette.

Mahal na mahal niya si Thea... kaya nga kahit gigil na gigil na sya sa bestfriend nito ay hindi niya pinapatulan.


Ngayon lang talaga sya nakaisip ng maaaring iganti sa babaeng matabil ang dila.


"Urgent matter, hijo. Pag-usapan na lang natin sa sasakyan habang pauwi." dagdag ng uncle nya ng makita marahil nito ang pag-aalangan sa kanyang mga mata.


Wala syang choice, kahit na masama ang loob nya ay utang niya sa taong kaharap ang buhay nya...


Nagtext na lang sya kay Thea na hintayin siya nito sa Starbucks malapit sa pinagdausan ng concert.


Sigurado naman niyang hindi na nito makikita ang mangyayari dahil alam niyang hindi ito sasamahan ni Belle lalo na kung sya ang iniintay.

It's okay, love. I'll be waiing for you...

Napangiti siya sa reply ng mahal niya... napakabait talaga nito, kahit kelan ay lagi lang syang inuunawa nito. Nagtataka nga sya kung paanong naging kaibigan nito ang tulad ni Belle.

"I'm so sorry Joaquin hijo... alam kong hindi mo nagustuhan ang naging desisyon ko at hindi ko pinaalam kaagad sayo... pero hinihingi ko pa rin na sana ay suportahan mo ang kompanya, after all... kayo lang naman ni Lorenzo ang magmamana nito..." ang Uncle nya habang nasa sasakyan sila.


Hindi siya umimik...


"Sasabihin ko sayo ang totoo hijo, ikaw ang naitrain ko dahil alam kong ikaw ang may interes sa negosyo ng pamilya... pero Joaquin, hindi ko alam kung bakit ayaw sayo ng board..." hindi na sya nagulat sa sinabi ng matanda, aware naman sya doon.

Kaya nga nakabuo kaagad sya ng plano para sa huli ay sya pa rin ang piliin ng mga ito.

Natapos ang pag-uusap nila na hindi niya alam kung matatawag talagang pag-uusap since hindi naman sya nag-usap.

Umalis din kaagad sya dahil hinihintay sya ni Thea...

Nasa byahe sya ng tawagan niya ang tauhan niya.

"Boss..." bungad ng nasa kabilang linya.

"Kumusta?" Tanong nya.

"Ayos na. Nakuha na namin yung bata... pati ung babae. Boss, hindi mo naman sinabing ganito kabango 'to... nakakagigil." Napapalatak pa ito.


Perilous KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon