⚠️ TRIGGER WARNING!!
If you are currently battling with the demons inside your head, please skip this chapter for it contains subject that might affect you negatively.
I was just pretending na tulog ako. Naramdaman ko ang paglapit nya sa akin... ang paghaplos nya sa buhok ko... sa pisngi ko... at ang paghalik niya sa noo ko dahil akala nya ay natutulog ako. Kinailangan ko ang buong lakas para pigilan ang sarili kong maiyak ng marinig ko ang sinabi niya. He held one of my hand...
"I know you're awake, Isabelle... Kung kailangan ka ni Alexander, go ahead. I won't stop you..." he kissed the back of my palm na hawak nya, kumapit pa ako pero pilit na syang bumitaw sa hawak ko before he stood up and headed to the door... "k-kung... k-ung aalis ka... sana uuwi ka pa din." He said before closing it behind him. Napapikit na lang ako ng madiin.
Tahimik lang akong nakahiga sa kama... pero pagkarinig ko sa sasakyan niyang papaalis ay isa-isa ng nag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak. Siguro kanina napigilan ko dahil hindi ko na alam kung kaya ko pang ipakita ulit sa kanya ang kahinaan ko. Pakiramdam ko kasi wala ng matitira sa akin kung makikita na naman nya akong umiiyak ng dahil sa kanya.
Hindi ko sya maintindihan... ayaw nyang buksan ang sarili niya sa akin samantalang halos lahat sa akin ay kanya na. Handa na akong sabihin sa kanya kung sino si Alexander... pero inunahan nya ako. Ayaw nyang makinig sa sasabihin ko... ayoko namang ipilit dahil unang-una, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nya.
Paano kung hindi nya kayang tanggapin? Doon din kami papunta, maghihiwalay din kami ng landas... pero sa ngayon, hanggat kaya ko pa, hanggat hindi siya ang nagsasabing tapusin na namin ito, mananatili ako sa tabi niya... mananatili ako kung saan at sino ang nagbibigay sa akin ng kapanatagan. Alam ko, tiwala ako na ganun din ang nararamdaman niya... we both know how peaceful we are kapag nasa tabi ng isa't-isa...
Bumangon ako at naupo sa gitna ng kama pagkatapos kong abutin ang cellphone ko sa sidetable. Binasa ko ang mga text messages sa private number ko at naiyak na naman ako sa mga nabasa ko. Alexander...
I stood up and went straight to our walk-in closet papunta sana sa bathroom but nakita ko ang gulong nangyari kagabi. Hindi ko napansin na hanggang sa closet pala ay nagwala sya. Bumaba kasi ako nang hindi nya ako pagbuksan ng pinto. Halos mamatay ako sa sakit sa bawat sigaw ni Basti kanina at alam kong sinasaktan nya ang sarili niya. Hinanap ko sa baba ang susi ng mga kwarto... nagmamadali akong tumakbo pabalik na halos ikadapa ko sa hangdan ng marinig ko ang mga nababasag na gamit.
I sighed... isa-isa kong dinampot ang mga damit nya na nakasabog... gusto kong matawa... actually napapangiti ako ng mapakla mag-isa dahil sa nakikita ko. Was he able to think pa na iwasan ang mga gamit ko sa pagwawala nya? Kasi ung mga gamit lang ni Basti ang magulo... mga bote lang ng pabango nya ang nabasag... pero ung sa akin, may mga natumba lang... at maayos pa din ang mga damit ko.
Inayos ko ang mga iyon at inalis ang mga nadumihan na... bumaba ako saglit para kumuha ng walis at dustpan. Doon na ako sa mismong pinto ng kwartong ginagamit nya nagdaan. Tulad kagabi, pagpasok ko pa lang ay may mga nakakalat ng bubong ng mga nabasag... maingat kong winalis ang mga iyon... sa lahat ng sulok... pinalitan ko na din ng cover ang bed nya pati ang mga unan dahil baka may mga tumalsik doon.
Naupo ako sa gilid ng kama nya at pinagmasdan ang lampshade sa ibabaw ng sidetable nya... nabasag din kasi nya... dadamputin ko na sana ng mahagip ng mata ko ang isang picture frame sa loob ng drawer ng sidetable. Hindi naman siguro masamang tignan ko iyon di ba? Ako naman ang kasama nya sa litrato. Hindi ko lang napapansin na meron pala sya nito. It was taken the night our companies' merge was announced... the same night he proposed marriage for real to me. Happy thoughts... I took a picture of our picture on my phone, gagawin kong wallpaper... nakangiti lang ako, sabi ko sa sarili ko lalaban ako... lalaban kami...
BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
FanficBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...