"Hello, Shaquille? Napatawag ka?" Tanong ko agad pagkasagot ko ng cellphone ko. Nasa opisina ako, napatingin ako sa wall clock ng mapansin kong lunch break na pala. "O sige pare, bababa na ako." Sabi kasi ni Shaq ay nasa baba daw ito at mananghalian na.
Wala akong baon ngayon eh. Hindi nagluto si Izzy, hindi ako pinabaunan ngayon. Ano kaya kung umuwi na lang ako para makapag-usap na din kami? Tatlong araw na nya akong iniiwasan, pang-apat na ngayon. Hindi ko na yata kayang tiisin.
Hindi niya ako hinahayaang kausapin siya. Kapag dumadating ako sa bahay, it's either nasa kwarto na siya at nagkukulong o pag naman inaabutan ko ito sa sala ay hindi mo makakausap dahil may pinapanood at kahit anong pagpapapansin ko ay wala lang. Kung tutuusin ay para syang batang nagtatampo pero alam kong galit sya.
Kahapon ay inabutan ko itong nagluluto ng hapunan, matamlay sya... sinadya kong umuwi ng maaga para makausap ko sya. Usap ako ng usap, naibuhos ko na lahat ng sentiments ko sa buhay, yun naman pala ay hindi ako naririnig... nalaman ko na lang na may nakapasak sa tenga nya ng bigla syang kumanta. Nagulat pa sya na nasa likuran pala nya ako.
"Kumain ka na..." yun lang ang sinabi niya ng makabawi sa pagkabigla.
"Ikaw? Hindi ka ba kakain?" Tanong ko. Umiling lang sya.
"Mamaya na ako, busog pa." Sabi nito at iniwan akong mag-isa sa kusina.
"Oh, pare... asan na ang luto ni Miss Belle?" tanong agad ni Shaquille. Paano kasi kaya ako hinahanap ng gunggong na ito ay dahil sya ang umuubos ng luto ni Izzy.
"Hindi nagluto ngayon eh." Matamlay kong sagot. Wala ako sa mood na makipagbiruan ngayon.
"Ha? Si Belle, hindi nagluto ng agahan?" Nagulat ako ng makita ko si Gette. Bakit nandito 'to? "May business kami ni Shaq." dugtong pa nito ng mapansin siguro na napakunot ang noo ko. Tumango na lang ako.
"Hindi ako pinabaunan eh." Parang batang sumbong ko ng makaupo na kami sa cafeteria. Wala din naman akong ganang kumain... hahanapin lang ng panlasa ko ang masarap na luto ng asawa ko...
'Asawa ko', napakalaki kong tanga kasi... bakit hindi ko napansin na she was trying to make things work between us...
"Magkaaway ba kayo?" Tanong ni Gette. Tumingin lang ako sa kanya ng malungkot. Hindi ko na kailangang sagutin iyon. "Bakit?"
"Nagalit kasi ako sa kanya nung tinawagan nyo akong binalikan nyo sya sa cemetery tapos wala." sabi ko ng nakatungo. Alam ko kasing napaka childish ng ginawa ko... hindi ko din masabi ang tungkol sa mas ikinagalit ko na hickey sa leeg ni Izzy...
"You what?", "Ano?!" sabay pang tanong ni Shaq at Gette. Tinaas ko ang dalawang kamay ko sa ere tanda ng pagsuko. Napabuntong hininga ang mga ito habang napapahilamos naman ako ng kamay ko sa mukha. I'm so frustrated, I missed her... so much.
"Nag-alala lang naman ako sa kanya." Sabi ko trying to save myself.
"Hindi mo ba nabasa ang reply ko sayo ng sinabi mong nakauwi na sya?" It was Shaq. I remember texting him dahil hinahanap nito at ni Gette si Izzy dahil sila nga ang magkakasama. Umiling ako. "Damn man!!" Napamura ito.
"Shaq told you sa text na dumating si Joaquin at dinalaw si Thea. Sinabi mismo iyon ng guard ng mausoleum." Gette was trying to calm herself while telling me that. Napahinto naman ako. "Nagalit ka sa kanya, baka mamaya ay kung ano ng ginawa sa kanya ni Joaquin doon tapos inuna mo yang galit mo?" Panraratrat pa sa kanya ni Gette. "Kaloka ka ha." Umirap pa ito. May sasabihin pa sana si Gette dahil sa gigil sa kanya pero tumayo na ako at iniwan ang mga ito. Naririnig ko pa si Shaq na tinatanong kung saan ako pupunta pero hindi na ko lumingon kakamadali. I need to get home.
BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
FanfictionBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...