"What are you doing? Baka matumba ako." Basti was covering my eyes with his hands.
"It's a surprise hon. Just walk, I'll guide you." he whispered on my ear. Kinilabutan ako sa lambing ng boses niya. As we were walking, I heard a violin playing. It was playing a song I knew by heart. Tumigil kami and he slowly pulled down his hands na nakatakip sa mata ko. At first, nasilaw ako but as the blurriness fades away ay nakita ko na ang paligid.
"What is this?" Baling ko kay Basti. Hindi ko kasi alam kung paano ako magrereact sa ginawa niya.
"Uhmmm... a surprise? you know... yung dapat nagulat ka sana? or natuwa maybe?" he said putting his both hands in his pockets. Nagpapacute pa ang loko. "Don't you like it?" nahihiyang tanong niya.
"Anong meron?" okay, napaka insensitive ng bibig mo Isabelle Sophia, can you not?
"It's a date, Izzy. A special date. And it's all for you." Hindi ko na napigilan ang kiligin. Siguro by this time, abot tenga na ang ngiti ko... yung tipong mapupunit na ang bibig ko.
"Nagustuhan mo ba, hon?" Tanong nya ulit. He sounds happy, maybe because he saw how wide my smile is. Tiningnan ko sya sa mata.. at umiling ako. Nawala ang ngiti niya. "Pangit ba? Sige hanap na lang tayo ng ibang resto." Nag panic sya bigla and that made me chuckle.
"I don't like it." Sumimangot siya. "Because I love it, Basti." Lumapit ako sa kanya and gave him a peck on his lips. Sumigla na rin uli siya at hinapit ako sa baywang at pinalalim ang simpleng halik ko lang sana... nahiya ako, hindi lang kami ang tao sa paligid. Tinawanan nya ako ng makita nyang namumula na naman ako. Iginiya nya ako papunta sa table namin.
He was holding my hands while we were walking down the aisle na puno nang rose petals. Naalala ko tuloy ung inihanda nya ring dinner for me before... "Don't worry, hon. Hindi ko na ulit pinakialaman ang halaman sa bahay." He said and we both laugh. May mga kandila rin sa paligid na natatakpan nang lamp-like glass. Maraming bulaklak at balloons na nakasabit. Kami lang ang nandito maliban sa mga magseserve sa amin... isang table lang ang nakalagay sa gitnang bahagi nang rooftop. May isang maliit na stage rin sa gilid kung saan tumutugtog ang violinist. Ipinaghila niya ako nang upuan nang makarating na kami sa table namin. Pagkaupo ko ay iginala ko uli ang paningin ko sa kabuuan nang lugar.
Maganda ang pagka-arranged nang lugar. Nakakapagtaka kung paano niya ito naiplano. "Ah, Basti... can I ask you a question?"
"Yes, I do. I love you." He said and I smiled with his playfulness... dude wala pa yung tunay kong tanong.
"I love you too but that's not my question." He was grinning when he heard that.
"Ok, hon. What is it?"
"Did you plan all of this?" Tinuro ko pa ang buong paligid.
"Uh-huh. why?"
"Paano mo nagawa yun?"
"Anong paano nagawa? Don't you remember? I'm Lorenzo Sebastian. I can do anything I want." my jaw dropped. Mayabang din eh... yabangan ko din kaya? kidding.
"Ang lakas ng hangin dito ah. Nilamig ako bigla." Irap ko at tumawa siya sa sinabi ko.
"Just kidding, hon. I texted Gette to do all this stuff. But it's really my idea. All of this."
"Why?" pabulong kong tanong. Di ko kasi alam kung dapat ba akong magtanong o hindi na.
"Bakit nga ba?" Tumingin sya sa akin but I avoided his gaze. "It's all for you Izzy." pakiramdam ko ay kasing pula na ng kamatis ang mukha ko. Kinikilig ako... para akong yelong natutunaw sa sinabi niya.
Dumating ang pinahanda niyang pagkain. Lahat yata favorite ko. At dahil halos pareho lang naman kami ng gusto, halos maubos na namin yung lahat na nakahanda. Pagdating sa pagkain, galit galit muna. Patay gutom lang ang peg.
BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
FanfictionBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...