xix

278 25 2
                                    

Buong durasyon kong pinagmamasdan lang ang perpektong ganda ni Izzy habang ginagamot niya ang sugat ko sa labi. You could really see in her face na hindi niya gusto ang lalaking nakikipag-away.

"Aray..." diniinan nya na naman ung bulak na may gamot sa sugat ko.

"Ay, sorry... sorry..." hinipan nya pa ang labi ko pero she doesn't look sorry at all.. mukha nga syang nag-eenjoy na nasasaktan ako.

"Di mo naman yata ako ginagamot... mamamaga yan." Angal ko... hindi naman talaga masakit, parang kagat lang ng langgam gusto ko lang talagang makita ang paiba-ibang ekspresyon ng mukha nito.

"OA mo. Titig na titig ka kasi. Staring is rude you know." She said at sinamaan ako ng tingin bago umiwas para idispose ang bulak na ginamit nya at kumuha ng band-aid. "What?!" Madiin at inis na inis na tanong nito ng bumalik ang tingin sa akin at makitang nakatitig pa din ako sa kanya at may matamis na ngiti.

"It's not rude to admire the flawless beauty of my wife." I said, I saw how she blushed and when she did, she bite her lip... which made me want to grab the back of her neck and kiss her... gusto kong ako ang kumagat ng mga labi nya. "And don't you think, it's more rude kung ipagdadamot mo sa akin ang titigan ka?" Tumaas pa ang kilay ko habang tinatanong iyon. Well, I felt confident seeing I can affect her like this.

Parang bata naman nya akong sinamaan na naman ng tingin habang ginugupit ang bang-aid. "Sa papel lang tayo mag-asawa, Basti..." she said at muli na namang kinagat ang labi nya habang maingat na tinatanggal ang papel ng band-aid at idinikit iyon sa sugat ko. "Stay still..." she sternly said... hindi ko kasi mapigilan ang pagngiti ko ng makita ko ang hugis ng ginupit nyang band-aid.

"Do you usually put heart-shaped band-aids to everyone na ginagamot mo ang sugat?" Tanong ko... and there she goes again... blushing like a teenager na nahuli ng crush nya nakatingin.

"Ano... hindi... tsaka ikaw pa lang naman ang ginamot ko ang sugat. Wag ka na ngang ano jan, gusto ko lang heart para cute." Defensive naman na sabi nya.

"Talaga? Ang swerte ko naman pala. Eh yung boyfriend mo?" Kahit ako ay natigilan sa naging tanong ko. I was intending to tease her pero kahit sinong makarinig sa tono ko ay sasabihing para akong gagong seloso na humahanap ng ikasasakit ng loob ko... and I was right, it was her turn to smirk at me at alam kong nag-iinit ang pisngi ko.

"Wag ka ng magselos, hubby... hindi ko ginagamot ang boyfriend ko kasi hindi naman ho siya basag-ulo." She said with a wide smile. Damn it, Lorenzo!! Why did you have to give her an opportunity like that na you can't even counter. "Oh, natahimik ka na? Wag ka nang magalit..." she continued teasing me at sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Aren't you going to break up with him?" I asked... trying to messed up her mindset about our situation pero pinagkanulo na naman ako ng sarili ko, I really sounded like a narrow-minded jealous wife. Lalo tuloy lumawak ang ngisi ni Izzy at tinusok pa ako sa tagiliran.

"Why should I?" she asked playfully... it's cute but naiirita ako sa katotohanang may boyfriend nga ang babaeng ito.

"Why should you? You are married, Izzy." Gigil na sagot ko sa kanya at hinuli ko ang kamay niya na kanina pa tusok ng tusok sa tagiliran ko.

"Sa papel lang iyon, Basti..." she answered habang binabawi ang kamay niya na hawak ko... akala ko ay nakastrike na ako ng mawala ang ngiti niya... pero mayamaya lang ay bumalik na naman ang malawak at mas nakakalokong ngiti nito. "Pero kung... kung... aaminin mong nagseselos ka baka pag-isipan ko..." Sabi niyang inilapit pa ang mukha sa mukha ko. Sobrang lapit na kung magkakamali kami ng galaw ay magdadampi ang mga labi namin. "Kasi... gwapo ka naman... mayaman... macho..." she paused and again bite her lip. "...pero minsan talaga mabaho ka." sabi nito at lumayo na sa akin, tumayo sya at ibinalik sa cabinet ang first aid kit.

Perilous KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon