xviii

300 27 3
                                    


But I have someone waiting for me... Basti


I have someone...


waiting for me...


someone...


waiting...



Basti...


Nag-eecho pa rin ang mga salitang iyon sa isip niya... ok na sila, nagkasundo na sila na yun na ang bahay na tutuluyan nila bilang mag-asawa... pero tahimik sila ngayong byahe pabalik sa mansion nina Izzy.


He didn't know what got into him para sabihin ang mga bagay na iyon... pero para sa kanya ay totoo lahat ng sinabi niya.

Naging maloko man sya nung kabataan nya pero nagbago lahat ng iyon five years ago... lahat ng pananaw nya sa buhay ay nag-iba.

And now he was reminded...

Tama si Izzy, he built his house thinking that one day he'll start his own family... with someone he's been looking for years.

Nakalimot sya... nasanay sya sa presensya ni Izzy...

Wala pang isang linggo pero nakalimutan nya ang babaeng may hawak ng mundo niya sa loob ng nakalipas na limang taon.

Nakalimot syang nangako sya...

Samantalang ang asawa nya... kahit kasal na sila... ni minsan hindi nalimutang may isang taong naghihintay dito.

Nilingon nya ito ng bahagya... nakatulog na pala ito sa sasakyan. Pinagmasdan niya ito. Hindi niya alam, ayaw niyang malaman kung ano man ang meron dito... pero parang hindi niya magagawang pakawalan ito kung darating ang oras na hingin nito sa kanya ang kalayaan nito.

"Mahal na mahal mo siguro sya..." at marahan niyang hinaplos ang pisngi nito. Malambot iyon...

"Sobra, Basti... sya ang buhay ko." Nagulat sya ng sumagot ito.

Umayos sya ng upo sa pagkapahiya pero mas tumatak sa kanya ang naging sagot nito.

"Gigisingin sana kita. We're here." Formal na turan nya.

"Ah, sige... tara na." Yaya nito. Hindi na sana sya bababa pero binalikan sya nito at kinatok ang sasakyan nya. "Basti, magtataka ang Papa pag hindi kita kasama. Baba na, wag maarte nagpaluto ako kay Nanay ng hapunan." Nakangiting wika nito.

Her smile could melt his strongest defenses kaya kailangan niyang ingatan ang sarili niya.

"Hubby..." may panunukso pa nitong tawag sa kanya. Hindi na nya napigilan at napangiti na din siya...

Kahit ngayon lang Lorenzo... kalimutan mo muna lahat ng agam-agam mo.

"Coming, wifey." At sabay pa silang napahalakhak.

At hinawakan niya ang kamay nito and clasped it with his hand nang abutan nya ito sa may pinto ng mansion.

She blushed... so cute.

"Kailangan ba yan? Wala naman nakakakita... bitaw." Masungit na sabi nito.

"Meron. Yung driver slash bodyguard ng Papa nasa labas eh, nagyoyosi." Sabi nya, tho hindi naman talaga nya nakita.

"Maka Papa ka ah... kapatid kita?" Nasa may sala na sila.

"No way, di ako papayag na kapatid mo... asawa mo ako ah." Sabi nya na lalong kinapula ng pisngi nito. "Pakiss nga..." ngumuso pa sya.

Perilous KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon