Joaquin was furious... kahapon pa. He's in rage. Lalo na siguro ngayon dahil pinatawag ito ng Dad nya sa mansion at may kutob siyang may kinalaman doon ang nai-fax nyang report dito.
Sa report nya, nandoon lahat ng mga nakita nyang butas kung sakaling si Joaquin ang magpapakasal kay Izzy... well, he really likes calling her that.
Isinama din nya kung paano niyang nakita ang pananakit nito sa dalaga maging nung nakaraang buwan na nahuli din niya itong sinasakal si Gette.
Kung meron man silang pagkakasunduan ng ama, yun ay ang matinding galit sa mga lalaking nakukuhang manakit ng babae. His Dad is a gentleman, he always has a soft heart to women dahil mahal na mahal nito ang kanyang abuela.
Dahil pakiramdam niya ay nakagawa sya ng kabutihan na makakabago sa mundo, nagpasya syang mamasyal naman... yun nga lang, may asungot na bumuntot sa kanya. Si Shaquille.
At hindi niya alam kung bakit dito siya dinala ng, well, technically hindi ng mga paa nya dahil hindi naman siya naglalakad pero natagpuan nya ang sariling pumarada sa main lobby ng Aguirre Empire.
"Wow, pare... hindi ko alam na kaya mo hiningi ang tulong ko for such confidential information ay dahil malakas ang tama mo kay Belle Aguirre." Nakasunod lamang sa kanya si Shaquille. Dapat yata ay ito na ang pinag-park nya ng kotse para hindi siya nito binubuliglig ngayon.
Pumasok sila sa building, it's his first time here kaya namangha sya sa pagkamoderno ng lugar.
Nasa gitna ng malawak na lobby ang reception desk. Doon sya dumerecho at napansin nya na wala na pala sa tabi niya si Shaquille, tsaka lang nya narealize na ito pala ung lalaking nakatalikod sa kanya at hinahalikan na ang kamay ng receptionist.
"Hi Sir. GoodMorning..." bati ng isa pang babae sa station na iyon sa kanya.
"Ah, Miss... nanjan ba si Miss Belle?" He asked... he saw how the two woman stiffened. Takot ba ang mga ito kay Belle? Tigre siguro.
"Yes, Sir. May I know if you have an appointment with her?" Tanong naman nung isa na kanina lang ay kalandian ni Shaq.
"Busy ba sya? Hectic ang schedule? Gusto ko sana syang surpresahin." Sabi niya habang nagpacute pa.
Pero mukhang hindi benta sa mga ito ang charm nya, mukhang mas matindi ang takot sa Boss ng mga ito.
"Look, my friend here..." that was Shaquille... "...is Miss Aguirre's fiance."
Shock was written all over everyone who heard what Shaquille said. Hindi lang siguro lima ang nakastation sa reception desk.
Pero mayamaya lang ay nag ngitian ang mga ito at napailing. "Nako, mga Boss, pasensya na ho ah... pang-walo na ho kasi kayo ngayong araw na nagpakilala ng ganyan." Sabi nung nag-iisang lalaki doon. "Si Miss Belle naman kasi, hindi yata tumanda... mas lalong gumanda eh, kahit nga ako sa barangay namin pinapamalita ko na girlfriend ko sya eh." At nagtawanan sila habang sya ay naiinis na.
Given na pangwalo na sila ngayong araw, pero hindi ba sya kilala ng mga ito? He is not a nobody, he is Lorenzo Sebastian.
"Pare, marami ka naman palang kaagaw..." sulsol pa ni Shaquille. Babatukan na sana nya ito ng may mahagip ang mga mata niyang pamilyar na pigura na lumabas mula sa elevator. Kasama nito si Gette.
He smiled... "Kayo... ayaw nyong maniwala? Watch me." Pagyayabang nya sa mga ito.
Habang sa kalapit nya ay lihim na natutuwa si Shaquille... because after five long years, ngayon lang ulit niya nakita na ganito kakulit si Enzo. He used to be the naughtiest among his friends... nagbago lang ang lahat simula ng gabing iyon. Yes, Shaquille knew everything. Katulong sya ni Enzo sa paghahanap sa babaeng pinagkakautangan nito.

BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
FanficBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...