Natakot ako agad ng hindi ako sagutin ni Izzy kung saan sya pupunta at tuloy-tuloy sa labas. Tumayo ako kaagad para habulin sya. Damn it, Lorenzo! What have you done?! Mura ko sa sarili ko. Nataranta ako sa paghabol sa kanya... No, not now Izzy... not ever.
But she refused to stay and she even hit my manhood with her knee. It took me a while to regain myself from the pain. Nakaiwas pa ako nang lagay na 'to... tiwala ako na hindi siya makakaalis dahil nakuha ko ang susi niya... pero hindi ko inaasahan na dala din niya ang susi ng isang kotse nya na naibilin na sa akin ng Papa niya na mahina na ang makina dahil hindi nagagamit. I run to her and tried to tell her ang problema ay ayaw nitong makinig. Napamura na lang ako ng mabilis itong nakaalis.
Sumunod naman ako agad at halos ako ang mamatay sa takot sa bilis niyang magmaneho... nagkaproblema pa ako sa isang street ng pagkalampas nya ay biglang may aksidenteng nangyari dahil sa dulas ng kalsada. Umuulan...
Pinilit kong makalampas sa lugar na iyon at laking pasalamat ko na wala pa masyadong traffic ng mga oras na ito. Binilisan ko na din ang takbo ng sasakyan ko dahil kung hindi ay baka umabot pa kami sa intersection... maswerte na ako at may kahabaan ang isang lane lang na ito pero kung aabot kami sa high way ay baka hindi ko na alam kung saan sya lumiko.
Bumagal ang sasakyan ko ng may mapansin ako na isang puting van na nakatigil. May kadiliman ang lugar kaya hindi ko agad napansin ang isang sasakyan pa na nakatigil. Naagaw lang ang atensyon ko ng akmang hahampasin na ng isang lalaki ng bakal ang salamin ng isa pang sasakyan na nakatigil.
I thought I'd die the moment I realized that it was Izzy's car. Agad akong bumaba at tumakbo. Adrenaline rush na din siguro kaya kahit tinamaan din ako ng ilang suntok ay madali kong napatumba ang apat na lalaki... nilingon ko silang lahat para makasigurado bago ko kinatok ang bintana ng sasakyan. Walang sumasagot kaya lalo akong kinabahan... what if she's hurt? Paano kung may nagawa na ang mga demonyong ito sa kanya bago ako dumating. With that thought ay walang alinlangan kong sinuntok ang salamin...
And then I saw her inside... nakasiksik ito sa passenger's seat at hilam ng luha ang mukha... she was screaming... she's panicking... hindi niya ako makilala...
"Izzy... baby... come on... don't be afraid... it's me... I'm here..." pero hindi pa din sya kumakalma... ung iyak nya... masakit sa akin...
"Hey... hey... calm down..." Pumasok ako sa kotse at inabot ko ang dalawang kamay nya... "Izzy... it's alright... it's me..." bahagya syang kumalma habang hinahalikan ko ang mga palad nya. "I'm here... I'm sorry..." I told her. Nagulat ako ng halos talunin nya ako para yumakap... she landed on my lap straddling me... she buried her face on the crook of my neck and cried again. "Hey... it's alright... don't cry." I rubbed her back and she calmed down.
"Thank you, Basti... Thank you for saving me." She whispered. Basa sya ng ulan...
"Uwi na tayo, hon..." baka magkasakit sya kaya naisip kong buhatin na sya para umuwi na kami. Wala naman siyang imik ay nakasubsob lang sa leeg ko. Naibaba ko sya sa passenger seat ng sasakyan ko. Ako na din ang nagsuot ng seat belt nya dahil mukhang hanggang ngayon ay takot na takot pa din sya. "Hey..." I cupped her face and locked our eyes. "It's okay.. no one's gonna hurt you now." I wiped her tears and she smiled at me. I kissed her forehead bago ko isara ang pinto ng sasakyan sa side nya at umikot papunta sa driver's seat. Pagkapasok ko ay inabot ko ang coat ko sa likod at ibinalot iyon sa kanya, itinaas nya ang mga binti nya sa upuan at ipinasok din iyon sa coat, nilalamig siguro sya... inabot ko ang kamay nya at nginitian lang nya ako.
Tahimik lang sya buong byahe. Habang hawak ko ang isang kamay nya at pinipisil iyon ay nakatingin lang sya sa labas ng bintana. Minabuti ko ng umiba ng daan dahil baka maipit kami sa naging aksidente kanina kaya medyo mahaba ang naging byahe.

BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
FanfictionBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...