xxxviii

248 24 4
                                        

"Roxette..." She looked so shocked seeing me... as do I.

Bagkus kong iwasan sya ay parang tadhana na ang nagdala sa amin sa isa't-isa... who would've thought na sa kagustuhan kong alamin kung anong nangyayari sa asawa ko ay iba ang makikita ko.

Roxette turned her back after a minute or two na nagtititigan kami. I held her arm... and that made her turn to look at me and to my hand na pumipigil sa kanya sa pag-alis.

"Can we talk, please?" I asked. Lahat ng paninindigan ko na si Izzy ang kausapin ay parang nawala dahil nasa harap ko na si Roxette. Kanina lang ay nalaman ko na nasa bansa sya, ngayon ay nasa harapan ko na sya. Hindi malabong magkrus din ang landas nila ni Izzy kaya dapat siguro ay maayos ko na. Bago mahuli ang lahat.

She sighed and then nodded. Pagkatapos ay lumakad sya pabalik sa entrance ng hospital. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang marating namin ang coffee shop na kanina'y kinaroroonan si Izzy... mabuti na lang at wala na si Gette at si Shaquille.

Lumamig na ang mga inorder naming kape ay wala pa ring nagsasalita sa amin. Nakatingin lang sya sa labas. Dito kami pumwesto sa malapit sa glass wall ng cafe sa pinakadulo. For some privacy.

I cleared my throat and she looked at me. She gave me a timid smile and said, "Akala ko mag-uusap tayo, Lorenzo?"

Kilala nya ako. Kailan pa? Bakit hindi sya gumawa ng aksyon kung kilala nya pala ako? Kung sana noon pa... baka hindi ako nahihirapan ng ganito?

Lorenzo, sakit lang yan... kung noon pa ipinakulong ka na nya, ni hindi mo siguro naranasan ang mahalin at alagaan ni Belle.

"Kailan mo pa ako kilala?" Diretsong tanong ko sa kanya.

"Five years ago. Right away, sir." She said.

"Bakit hindi mo ako sinabihan? Bakit hindi mo ako nilapitan?" Hindi ko man sinasadya pero kusang lumalabas ang panunumbat sa tono ng pananalita ko.

"Wait up, Mr. Sebastian... baka nakakalimutan mo, you promised me one thing. Hindi ako ang nangako sayo!" Her tone is full of anger. "Anong gusto mo? Lumapit ako sayo at magdemand na panagutan mo ang ginawa mo sa akin? You were drugged that night, anong kasiguraduhan ko na seryoso ka sa sinabi mo?" She said, I saw a tear fell from her eye.

"I'm sorry." Yun lang ang nasabi ko.

"Sorry? Anong magagawa nyan?" She harshly wiped her tears away. "I waited for you to fulfill your promise... and I'm still waiting." Napayuko ako. Anong dapat kong gawin?

"I am married..." I didn't lie... totoong kasal ako.

"Be both know na sa papel lang yang kasal mo, Lorenzo." Napatingin ako sa kanya ng may pagtatanong. "I know your wife very well... I am Althea Maryse's friend too... and in a way, we are more than acquaintances but less than friends. Hindi tulad nya ang magpapakasal because she's madly in love... she's not capable of that." Roxette said those words as if Belle did her wrong.

"She loves me... and I love her more than my own life." That was so corny but that's the truth... no wonder she smirked at me.

"How about your promises to me?" She asked. I don't know why but I couldn't feel any connection with her to the point na parang hindi ako naniniwalang sya ang babaeng nagawan ko ng kasalanan. Not until she mentioned something to me. "Look, from that night up to this day, I still think you're a nice guy..." those were her exact words except she didn't ask me to stop me now. "...don't do this to her..." before it was, 'don't do this to me'... "...Belle deserves the best."

Kasabay ng sinabi nya ay ang realization sa akin na tama sya, hindi ko dapat ikulong si Belle sa mundo ko. I'm being unfair to her... and to Roxette. Pinag-iisipan ko pang hindi sya ang kasama ko noon but look now, she just reminded me of how I took everything from her despite how she pleaded me to stop.

Perilous KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon