"Tell me if it hurts, okay Alexander..." That's what I heard as soon as I get to my son's room.
I saw Dr. Xancho was trying to bend AJ's left knee... and the pain I saw on my son's face as he cried shattered my heart.
"Mommy..." he called me out kahit hindi pa nya ako nakikita... kaya agad akong lumapit sa kanya. Hilam sa luha ang maliliit na mata ng anak ko.
"It's okay, baby... Mommy's here..." alo ko sa kanya... hinahaplos ko ang ulo nya at kumalma naman sya pero humihikbi pa din.
"Mommy, it hurtt (hurts)..." pilit inaabot ng maliit nyang kamay ang bandang tuhod nya and that was when I noticed na namamaga iyon.
"Honey, tahan na ha... Dr. Xancho will ease the pain." I said habang pinipigilan ko ang sarili kong humikbi, pero ang mga luha ko ay tuloy lang sa pagtulo. I can't bear to see my child this way... para akong pinapatay.
"Mommy... where it (is) my Daddy? Can you tell him I wanna tee (see) him na, pleate (please)..." lalo akong naiyak sa hinihingi ng anak ko... kaya kong ibigay sayo ang lahat ng bagay na mabibili ng pera anak... pero sorry if Mommy can't give you a father... lalo na sa mga panahong ganito.
"Yes, baby... I'll call your dad. Magpahinga ka na muna please... sleep." Sabi ko sa kanya dahil kita ko na din ang antok sa mga mata nya dahil sa kakaiyak.
"Mommy, can you ting (sing) for me? I mitt (miss) your tinging voite (singing voice)..." and I gladly do what he wishes... kinantahan ko sya ng mga paborito naming kanta hanggang makatulog sya. AJ is quite an old soul when it comes to music, he likes hearing Moonriver and People as his lullabies.
Mariin akong napapikit, sobrang sakit na ng nararamdaman ko... baka naman pwedeng isa-isa lang, Lord.
Mas kailangan ako ng anak ko, baka ho pwedeng alisin nyo muna ang sakit na nanggaling kay Lorenzo.
Mayamaya ay bumukas ang pinto, hindi ko na namalayan na umalis kanina si Xancho... at ngayon ay nakabalik na... he was looking at me intently, seryoso ang mukha nito na medyo nakakapanibago... he was always joyful. Kinabahan ako.
"Belle, can we talk?" Tumango ako kahit ayoko... parang hindi ako handa sa maririnig ko... pero simpleng pamamaga lang naman 'to hindi ba?
Marahan kong inalis ang kamay ni AJ na nakakapit sa anak ko at sumunod ako kay Xancho sa kabilang parte ng suite kung saan makakapag-usap kami ng tahimik. Mamay is with AJ naman.
"I hope you don't mind pero habang wala ka ay pinatest na namin si Alexander... and we rushed the results... I already have them." He said. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon na ayos lang sa akin ang ginawa nila. "Belle... anyone in your family that has a history of cancer?" Kumabog ang dibdib ko... tumingin ako sa kanya ng diretso.
"Meron. My mom. Cancer of the blood... she died with it." I said briefly. Xancho sighed deeply. "What is it Xancho? Wala namang cancer ang anak ko di ba..." napapailing ako.
"Belle..." can't he atleast break it to me gently?
Tumawa ako ng pagak. "Tell me your kidding..." I said. But Xancho was just staring at me... tumigil ako ng pagtawa. "Nagbibiro ka lang hindi ba?" Ulit ko.
"No, Belle. Hindi ako magbibiro ng ganitong bagay." He said seriously... and I felt my knees weak. But I still refused to believe him, in my mind I was checking the place and looking for hidden cameras.
"Sige na, Xancho... hindi ako magagalit kahit hindi magandang biro ito. Just tell me you're kidding, please..." nag-uunahan ang mga luha ko, sa dami ng iniiiyak ko sa mga oras na ito, aakalain siguro ng makakakita na apat ang mata ko. Nagmamakaawa ako sa kanya, hindi ko kaya. Sobrang bata pa ng anak ko...
BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
FanfictionBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...