Pasulyap sulyap lang sya sa mamang kasama nya ngayon sa loob ng opisina niya.
Paano ba naman, habang masinsinang nag-uusap pala sila kanina sa restaurant ay umalis ang magaling nyang kaibigan kasama si Shaquille at dala ang sasakyan ng lalaking parang ewan sa likot ngayon.
Bumaba ulit ang tingin nya sa papeles na binabasa hanggang sa pangatlong pagkakataon ay narinig nya ang maliit na tawa nito. Napaangat sya ng tingin.
Nakatayo ito sa harap ng isang wall na may wooden racks... doon nalalagay lahat lahat ng mga awards na natanggap niya at mga pictures na din.
"Ano namang nakakatawa jan ha, Basti?" pagtataray nya. Nagdesisyon na kasi itong tawagin syang Izzy kaya bilang ganti, Basti na din ang itinatawag nya dito.
"Ang cute mo pala nung bata, parang hindi gagawa ng masama." Sabi nito ng hindi siya nililingon. Napasandal naman sya sa upuan niya... tuloy lang ito sa pag-usyoso sa mga pictures doon.
"For your information, hindi na ako bata jan sa mga pictures na yan no... tsaka ano namang ginawa kong masama aber?" Napabalukipkip pa sya, imbyerna talaga.
"Hnnm? Di ba teenager ka lang dito?" Nilingon sya nito at itinuro ang isang picture. Kung ibang tao siguro baka nagdiwang pa sya na mukha syang bata pero naiinsulto sya pag si Basti ang nag-uusap eh.
"I was 23 in that picture!!" she said with a gritted teeth.
"Oh? You have a baby face then... para kang 16 don eh." Tumawa ito. Ayaw man nya pero parang may mainit na kamay na humaplos sa puso nya pero para rin syang binuhusan ng malamig na tubig ng mag-usap ulit ito. "As for your other question, kung wala kang ginagawang masama, bakit takot na takot sayo ang mga empleyado mo?"
Nagulat sya sa tanong nito... well, napansin din niya iyon. Ganun ba sya kamaldita dati na ngayong bumalik sya ay parang may mga trauma ang mga ito sa kanya.
Lalo na si Mica, ang secretary nya na nagpalipat pala sa HR ng umalis sya, gulat at takot ang nakita niya sa mukha nito noong ipinatawag nya, syempre she wants Mica to be her secretary again dahil alam na nito ang working habbits nya.
Nalungkot naman sya... she was a 'child' then... lahat gusto nya perfect, nagsisisi sya sa lahat ng tinanggal nya sa trabaho without thinking what these people would do para mabuhay ang mga pamilya nito.
"That was then... wala pa akong alam sa mundo, lahat ng alam ko noon ay puro business terms at hindi ko pa natututunan ang makipagkapwa tao." Mataman lang syang tinignan ng binata. She felt awkward with his sudden silence.
"Well, anyway... seryoso ka bang palalabasin natin na may romantic relationship na talaga tayo for years?" Tanong nya para mawala ang tension.
Yon kasi ang napag-usapan nila. Dahil kasi sa ginawa nitong pagpapakilala sa mga empleyado niya bilang fiance nya at ang harutang ginawa din nila kanina na nakita ng halos lahat, marami na silang naririnig na tsismis lalo na ng bumalik sya sa opisina na bitbit ang lalaki dahil wala naman syang choice, nakabuntot sa kanya eh.
Gusto nyang mainis dahil nagpapacute ito kanina sa mga nararaanan nilang office girls... pero kinimkim na lang nya iyon.
"Izzy..." simula nito. She adjusted her reading glasses. "You're turning 32 right? Wala ka pa bang balak mag-asawa?" Seryosong tanong nito.
Tumaas ang kilay niya. "We agreed right? Magpapakasal na tayo. That means magkakaasawa na ako." Naguguluhan talaga sya dito eh.
"No, I mean... kung wala tayong deal, wala ka bang ibang gustong makasama sa buhay?" Now she get it...
"Meron." And by that thought, nalungkot na naman sya... miss na miss na nya. Kelan ba ulit nya ito mayayakap, sana maintindihan siya nito, seloso pa naman yon.

BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
أدب الهواةBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...