"Bakla... ano na?" e'to na naman po kami... hindi na naman sya tigilan ni Gette ng kakakulit. "Matigas ba? Mabango? Ano nga kasi!!"
Natawa sya... parang batang hindi napagbigyan sa pag-bili ng ice cream eh...
"BB no? BB nga siguro." Sinundot pa nito ang tagiliran nya. Napakunot noo sya... nagmamaneho pa naman siya.
"Anong BB?" Takang tanong nya.
"Bad breath, duhhhh... millenials ganern" inikutan pa sya ng mata ni Gette. Nagulat sya, paano nito naisip na bad breath si Basti este si Lorenzo?
"Hindi ah... sige na nga, dahil makulit ka... sasabihin ko sayo... pero sabihin mo muna sakin ung sa inyo nung Shaquille ba ang pangalan non?" It was Gette's turn na tignan sya ng masama.
"Pwede ba... yuck..." natawa sya... aliw eh, ang kulit kasi nila kanina, parang nakatagpo na ng katapat ang kaibigan nya.
"Anong yuck, e nag-apir pa nga kayo kanina... close na nga kayo after nyo magmeryenda, naku baka mamaya pinapasunod mo na yon sa apartment mo utang na loob Gette, konting pakipot naman." komento nya. Tama, nagkasundo ang dalawa nung banggitin ni Lorenzo ang tungkol daw sa proposal nito.
Which also reminded her about their dinner tomorrow night.
Date?
Nah... pure business... she smirked to herself.
"What proposal? Sa pagkakaalam ko, we received an invitation from Lauricio Sebastian and not from some nobody." she knew her words were quite harsh pero naiinis siya eh, hindi siya sanay na may nakikipagtalo sa kanya bukod kay Gette.
"Izzy... I am not nobody. I owned this building and if you don't wanna hear me out then I don't have any choice but to hold you here." Naiinis siya dahil gusto niya ang mga ngiti nito.
She scoffed. "E hindi nga kasi ikaw ang ka-meeting ko—"
"I know. But now, consider it is me and na ah—" inilapat pa nito sa bibig nya ang isang daliri nito para lang pigilan syang magsalita. Well, mabango naman, but given the idea na kakagising lang nito, baka mamaya ay kung saan pa nito inihawak iyon at hindi pa naghuhugas, with that thought ay mabilis nyang tinampal ang kamay nito. "—wag ka munang magsalita, pwede."
Inirapan niya ito pero tumahimik naman siya. Nag de-cuatro nga lang ang mga binti nya habang ang mga braso nya ay nagsalikop sa may dibdib niya, ang kilay niya ay nakataas sa gawi nito saying she don't have all the time in the world to wait for him.
"Shaq, pwede bang magmeryenda na muna kayo ni Gette sa loob." Umpisa nito. Binalingan niya si Gette at tinanguan. Umalis ang dalawa papasok sa kitchen marahil ng lalaki.
Actually, type nya ang ayos ng penthouse nito... minimal lang ang gamit. Halatang lalaki ang nakatira... sigurado syang magugustuhan ito ni—
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Miss Aguirre." Oh, really? Now it is Miss Aguirre? "I am interested with your company." Lalong tumaas ang kilay niya.
"No offense, Basti..." pang-aasar naman nya dito. "But I don't think you can financially afford to acquire MY EMPIRE." Sabi niya as a matter of factly stressing her point.
Sebastian's are well known for their GROUP OF COMPANIES but she and her father have built an EMPIRE.
"At hindi ko naman sinabing bibilhin ko... as you've said, Señorita—"
"Don't call me that." Naningkit ang mga mata nya dito. Sarkastiko eh.
"Fine... Izzy— ah Miss Aguirre, may sapat kaming pera pero hindi kasinglaki ng sa inyo... so what I'm offering is a merge of our companies, that way... we will both gain the trust of people and the value of stocks will skyrocket..." he said, suddenly... he sounds so professional, she's ogling him.
"And by merge... you mean?" It was not stated directly and hindi sya assumera at lalong hindi sya palaka.
"Yes. I mean marriage..." he said looking straight to her.
"Marry you?" She really wanted to be sure.
"Why? Would you rather have my father?" Tumikwas ang kilay nito gaya ng ginawa nya kanina.
Tinanong din nya kay Gette yun eh, gusto nyang isagot dito ang sagot ni Gette but hell no, there's no way she'll say na 'okay lang basta hihiramin kita paminsan-minsan para magpadilig'... ang cheap huh!
"No. I just wanted to be clear." She cleared her throat.
Natahimik sila pareho for quite some time. She's thinking everything up. Napag-aralan na nya ang lahat ng posibleng gawin pero this is the best way.
"Well, I'm not forcing you... ikaw, do you have any other plan? idea?" Tanong nito. "You know, after yours, we are the largest company but still, we cannot offer an investment since it wasn't what you need... we can only offer you what we have and that is a track record that Sebastian's are great businessmen... oh right, kung ayaw mo naman sa akin, meron pa, may option ka pa... si Mr. Shin... I heard, manliligaw mo daw yun ah?" Inaasar talaga sya ng gagong kaharap niya. Tumawa pa ito. "But if you'll choose him, we cannot guarantee the success, baka nga mas bumagsa—"
"Hindi kita adviser... tigilan mo nga ako. Stop outsmarting me, I know all about this..." she hissed. "Fine. But let me think about it." She said.
"Ok. Madali naman akong kausap Izzy, you have five minutes." Ay gago... at sumandal pa sa sofa.
"Seryoso ka Basti?" Naiinis na sya ha. "Bakit di na lang 10 seconds nahiya ka pa?" Angal niya.
"5...4...3...2...1... time is up... meet me tomorrow for our first dinner. Let's talk about our wedding. Izzy." He said and then kissed her forehead before he walked out on her.
"Huy ano na? Girl, totoong nawindang ako sa pabuhat epek ha... sabi nga ni Shaquille first time daw nya nakita si Enzo na may nilapitang babae." Napukaw ang atensyon nya sa sinabi ni Gette.
"Hala, baka nga bakla..." napahalakhak pa siya.
"Huy, hindi ah... ang sarap kaya nya..." sabi pa nito na pumungay pa ang mga mata.
"Well... wala naman kami masyadong napag-usapan, matigas ang muscles nya, mabango... take note Gette, hindi bad breath ha... at may dinner kami tomorrow night and we'll plan our wedding." She said.
She didn't intend to sound excited... gusto lang nyang sakyan ang kaibigan nya pero mukhang nagkamali siya, sa laki ba naman ng ngisi ni Gette.
"Marupok ka masyado... sigurado ka di mo ex yon? Malandi ka Isabelle Sophia..."
![](https://img.wattpad.com/cover/219914940-288-k348090.jpg)
BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
FanfictionBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...