ix

234 22 3
                                    

"Gette, ano... asan ka na ba?" Umagang-umaga eh naiinis sya sa kaibigan. Nag volunteer kasi ito, hindi naman nya pinilit tapos ngayon bago sumagot sa tawag nya baka nakasampung dial sya.


"E'to na... e'to na... ikaw ba nasan ka?" Napataas ang kilay nya.


"Miss Santillan, nandirito na po ako sa harap ng bahay mo for about 15 minutes na... ano ba? Sino na naman bang lalaki ang inuwi mo? Pag ako pinag-intay mo pa ng isang minuto papasok ako jan at magpapakilalang nanay mo!!" Usapan kasi nila na daraanan nya ito at sabay na silang pupunta sa isang business meeting.


"Ay nahiya naman ako, mas mukha pa kong matanda sa nanay ko." Tawa nito at narinig na nya ang pagbukas ng gate, mayamaya lang ay sumakay na ito sa kotse nya. "Wow naman, sure ka business meeting pupuntahan natin?" Sabi nito habang tinitignan ang ayos nya.



Bakit, masama na bang magdress ngayon ang babae?


"Ganda mo jan dai." Komento pa nito. "Ahhh alam ko na... kasi nga pala dun tayo sa ex mo pupuntaaaaaa... kyaaaa!!" Kinikilig pa ang loka.


"Gette, how many times do I have to tell you, di ko sya ex... ok?" Depensa nya... pero totoong sa mga Sebastian ang punta nya.



Naalala na naman nya ung lalaki the other day, he is the current CEO of their company pero ung invitation for a meeting na nareceive nila ay galing mismo sa patriarch ng mga Sebastian, si Don Lauricio Sebastian.



Her father knew the old man, he said he isn't that cruel pero may kaunting ugali. I mean, hindi naman gutom sa kapangyarihan but would always take the opportunity.


Her Dad also has a hint as why his rival wants a meeting. He was actually teasing her to the young Sebastian, Lorenzo.


Hindi daw kasi malabong iyon ang proposal ng matanda dahil kahit sinong business enthusiast ang tanungin, yun ang pinakamagandang gawin para bumalik ang kompiyansa ng mga tao sa kanila... ang paglapitin ang pangalan ng Aguirre at Sebastian.


Pero kabilinbilinan ng Dad nya na hindi niya kailangang gawin, hindi daw ito papayag kung alam nitong napipilitan lang sya that's why she insisted na sya na lang ang magpunta sa meeting at hindi na ito isinama.


Nakapagpasya na sya, if it's for their convenience, she would do it...


"Eh ano... nag one-night stand kayo? Hindi makamove-on sa lutong bahay mo kaya hinahanap-hanap ka? Belle naman, tayo na lang dalawa, share ka naman o... dali na.. sige… ako, ung inuwi ko si Guiseppe yon, nagbahay bahayan kami tapos kunwari ako si Maria." Napatingin sya dito...


"Nagdadrugs ka ba? Adik ka ba? Adik ka no?" Nang-uuyam na baling nya dito. Umiling lang ito. "Hindi ko nga kasi yon kilala, well now, kilala ko na kasi sabi mo si Lorenzo Sebastian sya pero personally, I don't know him."


"Hmmm... bakit naman kasi akala mo may past kayo at niloko ka nya kung makaarte. Ang yummy pa naman... so... pero kung marriage proposal nga itong pupuntahan natin, si Lorenzo ang bebe mo di ba?" Tanong nito, well... naririnig naman nito ang usapan nila ng Dad nya nung isang gabi.


"Papayag ka ba kung kay Don Lauricio?" Tawa nya... syempre, kilala nya ang kaibigan. Kahit naman baliw ito ay mahal sya nito.


"Ay nako Belle ha, di na tatayuan yon. Di bale naman kung ipapahiram ka nya kay Lorenzo para madiligan ka paminsan minsan." And so she thought Gette loves her. Sinamaan nya ito ng tingin.


"Ano ako, halaman? Gago ka." Irap nya dito na tumawa lang.


"Pero ok na din dun sa matanda sis... kesa naman kay Joaquin... baka nakakalimutan mo, hindi man sya isang Sebastian pero pamilya sya." Napatiim bagang sya. Tama si Gette, there could be a possibility na si Joaquin lalo na't narinig nyang mataas na din ang katungkulan nito sa kompanya.


"Grabe talaga no? Ang sama ng ugali ng gago, akalain mo ba naman... e'to ha, wag ka magwawala, ok na ko... pero nung huli kaming nagkita at hinahanap ka nya sakin, sakalan daw ba ako nung di ko sabihin..." nagulat sya, sakto namang tumigil sila sa harap mismo ng main building ng kompanya.



"Whaaaaat?! Bakit ngayon mo lang sinabi sakin yan?"



"Hay nako, sabi ko kalma ka lang." Nauna na itong bumaba sa kanya. Sumunod sya at inabot ang susi sa valet parking attendant. "Ayos lang naman kasi dumating naman si Enzo mo..."


Magsasalita pa sana sya ng mapansin may mga nakahilerang empleyado sa may entrance ng lobby.


And out of nowhere, lumitaw ang gwapong mukha ng taong pinag-uusapan nila...



Sana nga si Lorenzo pero hindi eh...



Si Joaquin ang sumalubong sa kanila.



"Welcome, Isabelle..." he approached her and gave her a tight hug that made her froze. Sobrang higpit kasi na parang pinipiga nito ang katawan niya.



"Welcome to hell..." bulong nito sa kanya... "Finally, naisip mo na ding bumalik para pagbayaran ang ginawa mo kay Thea." Nabigla sya...


May na trigger ito sa kanya...


All this time, she was fighting with her demons...


And now, someone reminded her that she is the reason why Thea died.


"J-Joaquin—" she stammered.


"Ilang beses ko bang sasabihin sayo, Wax, na walang kasalanan si Belle, okay? Sa tingin mo, matutuwa si Thea na si Belle ang sinisisi mo?" That was Gette who pulled her from Joaquin.


Ngumisi lang ito.


"You don't know anything, Gette... baka kapag nalaman mo, pati ikaw mamuhi jan sa kaibigan mo." She eyed Joaquin with fear in her eyes... naglalamig sya...


May alam ba ito?


Nanginginig sya... lalo na ng hatakin sya ni Joaquin papunta sa elevator. Mahigpit ang hawak nito sa braso nya, I bet it would bruise but she doesn’t feel any pain, namamanhid ang katawan niya.


Mabilis ang mga pangyayari... hindi sya makagalaw... narinig na lang nya na tinatawag sya ni Gette ng sumara ang elevator.


Sila lang dalawa ni Joaquin... lalo syang nakaramdam ng kaba.


Sinubukan nyang umatras at hatakin ang braso nya mula dito pero hindi ito bumitiw at humakbang lang palapit sa kanya.


"Simula na ito ng paniningil ko sayo, Belle... babayaran mo ng pagdurusa lahat ng sakit Belle. Buhay ang inutang mo kaya buhay mo din ang kapalit..." lalong humigpit ang hawak nito at nadagdagan iyon ng ang isang kamay nito ay humapit din sa balikat nya.


"J-Joaquin... let me go. Na-nasasaktan ak-ako..." napaigik sya...


Hindi ito natinag, nanlilisik lang ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.



Hanggang bumukas ang elevator.







"Let go of the lady or I will throw you out this building."

Perilous KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon