I woke up as early as 6 am. Nasanay na ako noon dahil may inaasikaso ako tuwing umaga... ugh, I missed him. Siguro dadalawin ko na lang sya ngayon... Gusto ko din ang magluto, it's my hobby kaya kinarir ko na din ang pagiging asawa at bukod sa breakfast ay naghahanda na din ako ng ibinabaon ni Basti for lunch. Almost two months na kaming nagsasama... he is so sweet and attentive. Lahat ng makakapagpangiti sa akin ang ginagawa nya.
I smiled as I remember teaching him how to cook and do the laundry na nauwi lang sa pikunan dahil sabi niya bakit daw ako may malibag na bra eh hindi naman daw ako nagsusuot non. Nahiya ako kaya nagkapikunan kami but we were able to patch things up before going to bed.
Every night we would cuddle in bed... but he will always get up kapag akala nyang tulog na ako. Lilipat sya sa kabilang kwarto and I don't know why. Nahihiya naman akong pigilan sya dahil baka isipin nya na easy-to-get ako... we're still getting to know each other. Mahal namin ang isa't-isa but there are things we still would like to discover.
Bumangon ako at pumasok sa walk-in closet... napailing ako ng mapailing ako. Ngayon ko narerealize na siguro napakaboring ng buhay ko five years ago. Bukod sa mga pantulog ko na loose shirts and boxers... mga tank tops ko at ilang jeans na hindi na halos lumusot sa balakang ko ay puro formal wears na ang makikita ko... suits and gowns... ano yun ba ang gagawin kong pambahay at pang-alis-alis kung kailangan kong lumabas for groceries? Tsaka hindi na nga magkasya sakin, tumaba na yata ako, grabe ang bilog ng mga hita ko at balakang ko... aminado naman ako na pati ang dibdib ko ay nag-iba since then...
Napangiwi ako ng makita kong wala na akong ibang choice na pamalit sa pajama ko kundi isang maong short. It was short shorts but it's fine, mahaba naman ang damit ko.
Pagkapalit ko ay sumilip ako sa kwarto nya at nakita ko naman na tulog na tulog pa ang asawa ko. He looks so innocent when he's sleeping. Ang puge niya. Lumabas na ako ng kwarto at baka kung ano pang magawa ko sa tulog na mokong na yun. Bumaba ako sa kitchen pagkatapos kong mag-ayos ng sarili.
Nagsimula na akong maghanda ng lulutuin. I prepared a cream pasta for him. He said last night that it was his favorite. Nagsalang na ako ng tubig para sa paglulutuan ng pasta at inihanda ko na rin ang sauce. Nagprepare din ako ng garlic bread para sa pasta.
Nang matapos akong magluto ay gumawa na din ako ng fresh orange juice for him and a fresh milk for me. Nakahanda na ang mesa na sakto naman sa pagbaba niya para mag agahan. Nakabihis na siya nang pang-opisina na kagabi ko pa naihanda. He's really handsome in suit and tie... I greeted him good morning and he greeted me back and gave me a small peck on my lips.
We started eating. Pinagmamasdan ko lang ang reaction ng mukha niya sa unang subo niya sa pagkain.
"Mukhang tataba na talaga ako nito ah. Ang sarap mo talagang magluto asawa ko." Proud niyang saad na parang may ibang kausap. "Pero mas masarap ka sana." baling nya sa akin.
Napaubo ako sa sinabi niya. Alalang lumapit naman siya sa akin pero tatawa-tawa din. "Okay ka lang ba?" Pinaningkitan ko siya ng mata. "What?"
"Tumigil ka sa kamanyakan mo, Sebastian ha." banta ko sa kanya. Ngumiti lang sya at kumindat sa akin.
"Nga pala, hon. Aalis ako mamaya ha..."
"Where are you going?" seryosong saad niya.
"I need to shop. Wala na kasi akong damit. Hindi na sila magkasya sa akin."
"Do you need money?" Pero sya rin mismo ang nakarealize how ridiculous his question is. "Okay, okay. Ipapasundo kita later. Meet me sa office para sabay na tayong pumunta sa mall."
"What?"
"Anong what?"
"Sasama ka sakin?"
"What's wrong with that, Izzy?"
![](https://img.wattpad.com/cover/219914940-288-k348090.jpg)
BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
FanficBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...