Mag-aalas dies na ng gabi ng maiparada ko ang sasakyan sa garahe... napakunot ang noo ko ng mapansin kong walang kailaw-ilaw sa loob. Where is she? Humakbang ako papunta sa pinto ng mapansin kong may paparating na sasakyan and it was her. Hinintay ko syang makapasok. God, I missed her... I know I was a jerk... pero may dahilan ako... hindi man katanggap-tanggap ang ikinikilos ko pero nalilito ako sa dapat kong gawin. But for once, I wanted to be selfish. I chose her... I let go of my past...
Bumaba sya sa sasakyan, gusto ko na syang lapitan at yakapin. Pero naestatwa ako sa sayang nakikita ko sa mukha niya. Hindi niya ako napapansin at tuloy-tuloy sya sa paglalakad papunta sa pinto ng bahay. Tumigil lang sya at sinagot ang kausap sa phone.
"Hi, sweetheart. I just got home... yes... yes... of course. Oh God, I missed you na agad baby." She said. You can really hear from her na she's happy. I was offended for the fact na habang naguguluhan pala ako at nag-aalala kung paano ko maisasalba ang relasyon namin ay masaya sya sa iba. Pero Lorenzo, wala syang alam sa tumatakbo sa isip mo. Kastigo sa akin ng isang parte ng isip ko. "Babe, oo naman, I love you... I promise, soon magkasama na tayo ha. For now, behave ka na lang muna. I'll visit you pag may pagkakataon. Wag kang pasaway ha." She chuckled. "Oo na, next time... jan ako matutulog. Of course lapit tayo. Bye sweetheart, love you, love you."
Pinatay na nya ang tawag at hanggang ngayon ay nakangiti pa din siya. Iba ang saya nya... hindi ko pa nakikitang ngumiti sya ng ganito kapag kami ang magkasama. Yumuko sya para hanapin ang susi ng bahay sa bag nya. Hindi pa rin niya ako napapansin hanggang sa lumapit ako at ako na ang nagbukas ng pinto dahil parang hindi niya makita ang susi. Nagulat sya at nakatitig lang sa akin... nawala kaagad ang magandang ngiti niya kanina. Napabuntong hininga na lang ako at pumasok sa bahay. Nakasunod naman sya sa akin, binuksan ko ang ilaw at hinarap ko sya.
"Ginabi ka yata? Di ka man lang nagtext na lalabas ka..." hindi sya nagsalita na lalong ikina-inis ko. "Ang saya mo ah, galing ka sa boyfriend mo?" Wala nang preno ang bibig ko. Nagseselos ako for fuck sake. Who knows kung anong ginawa nila kaya sya inabot ng ganitong oras!
"Basti, I'm tired." Yun lang ang sinabi niya at akmang aalis na nang pigilan ko sya sa braso.
"Tired? Sa atin? Wala ka pa namang ginagawa para sa relasyon na 'to ah?" Sumbat ko sa kanya.
"No." She's trying to compose herself. "I'm just tired. Physically... please, wag mo na muna ako i-drain emotionally. Not now." She was pleading.
"Physically? Bakit ano bang ginawa nyo ng boyfriend mo? Naks naman, Izzy, sana man lang sabihan mo ako kung naglolokohan lang tayo dito."
"Basti... babalik na naman ba tayo jan?" Bumuga sya ng hangin. "Sinabi ko na sayo, wala akong boyfriend."
"Ridiculous!" I yelled at her. "Babe? Baby? Sweetheart? I love you? Anong akala mo sa akin... tanga?" Mukhang ikinagulat nya na narinig ko ang mga sinabi niya sa kausap nya sa telepono.
"That's not my boyfriend!!" gigil na sigaw na din nito ng makabawi sa pagkabigla. "You know what, pauli-ulit lang tayo sa issue na yan. Pinakialaman ba kita ng umalis ka kagabi at umaga ka na umuwi?"
"Wala akong ginagawang masama sa likod mo." Madiing sabi ko sa kanya.
"At ako? Meron? My God, Basti... ang kitid ng utak mo!"
"Then tell me where the hell did you go?" I looked straight into her eyes... we have the same eyes na halos kalimutan ko na lang ang pinagtatalunan namin ngayon para yakapin sya sa sakit ng nakikita ko sa mga mata nya.
"No. You tell me what is happening to you Basti." Nangingilid na ang luha nya, hindi ko pinansin ang tanong nya.
"Tell me who he is!! Hindi mo masabi? Galing ka sa kanya... anong ginawa nyo? Did you continue where we left off yesterday? God! Izzy... hindi ko alam na ganyan ka palang klase ng babae--" isang malakas na sampal ang natanggap ko. Nagtagis ang mga ngipin ko sa ginawa nya.

BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
Hayran KurguBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...