"Tell me again nga... saan kita ulit ihahatid?" kulit din naman ni Gette eh. Ano, nagpapahatid kasi siya dito, diba kasi hiniram ni Basti ang kotse nya, ayaw naman nyang magpahatid sa driver sa mansion dahil baka kailanganin ng Papa nya.
"May dinner kami..." ayon naman kasi talaga ang gusto nitong marinig.
"Ni?" She rolled her eyes.
"Basti." Sagot nya.. actually, kakapark lang nito ng sasakyan sa harap ng restaurant. Kunyari pang di alam ampt...
Humarap na ito sa kanya. "Ahhh... si Basti..." tinignan nito ang ayos nya. "Girl, wala kang bra..." habang hinahatak nito ang neckline ng dress nya na alam naman nyang hindi na kailangan dahil malalim na iyon at obvious na yung naibulong pa nito sa kanya na akala mo naman may ibang makakarinig sa kanila.
"Gette, may bago pa ba don?" Tanong nya.
"Sabi ko nga... oh sya, bumaba ka na may booking pa ako." Pagtataboy nito sa kanya.
"Paano ako uuwi?" Sabi niya habang dinadampot ang bag nya at ang isang brown envelope.
"Girl, ayan ang sasakyan mo oh." Turo nito sa harap niya and yun nga naman ang BMW nya, so naghihintay na sa kanya si Basti. "Arte nito, sa totoo lang 'te, anong gagawin nung Porsche Panamera mo? Bubulukin lang?" Ingos nito. If I know, kating-kati lang si Gette gamitin ung baby nya.
"Tinatamad ako mag drive bakit ba..." sagot na lang nya, ayaw nya gamitin ung isa, masyadong pansinin baka mapraning sya.
Lalo na kanina, she locked herself in her bathroom dahil inaatake na naman sya... kaya nga na-late sya,. she cried for almost an hour... tawag lang ng pinakaimportanteng tao sa buhay nya ang nakapagpakalma sa kanya... she missed him so much.
"Maglakad ka, bwisit!" sigaw ni Gette sa kanya pagkababa nya. Natawa na lang sya dito.
Napaisip siya, hindi ba talaga nito nakikita?
Wala ba talaga kahit sino sa kanila ang nakakapuna?
She wasn't herself for over five freaking years and no one noticed.
She smiled faintly... it's better this way, she thought.
Lumakad na sya papunta sa loob and a maiden escorted her when she said that she's with Sebastian. Hindi na din sya nagtataka if he managed to get a reservation sa isang luxury place na usually ay fully booked na for the entire year, mas nagtataka pa nga sya dahil sa madilim na aura nito ng makalapit sya.
Tinitignan lang sya nito ng pailalim na para bang napakalaki ng kasalanan nya.
"What? I am not late... I still have two minutes before 7."
"Sinabi ko bang late ka?" Masama ang timpla nya. Napaaga din sya ng dating kaya hindi naman talaga nito kasalanan.
Naiinis sya dahil ang iilang lalaking nasa restaurant na iyon ay may mga kasamang marahil ay asawa or girlfriend pero gusto nyang dukutin ang mga mata dahil sa pagtitig sa hinihintay nya.
Napakainosente naman ni Izzy habang naglalakad papalapit sa kanya... at mas nakakainis iyon na parang wala itong napapansin sa paligid niya, hinuhubaran na ito ng mga lalaki sa tingin ay wala pa rin itong alam.
Idagdag pang nagpang-abot sila ni Joaquin sa mansion ng pati sya ay ipatawag ng ama. Naunahan siya nito at nasapak sya, hindi na sya nakaganti ng awatin sila ng mga bodyguards ng Daddy nya kaya talaga namang gigil na gigil sya.

BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
FanfictionBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...