xl

229 25 3
                                    

Belle saw Mamay's note na they went outside as advised by AJ's doctor.

Nakatulog kasi siguro ako kalapit ni AJ kanina. Sa sobrang pagod ko siguro ay napahimbing ako kaya hindi ko namalayan na umalis sila... pero may tiwala naman ako kay Mamay.

Katatapos ko lang kumain, italian pasta ung dinalang pagkain ni Mamay... ninamnam kong mabuti hindi dahil sa masarap kundi dahil paborito ito ni Basti.

God, I missed him so much.

Hinanap ko ang cellphone ko and dialled his number... I was too excited waiting for him to pick up my call.

But on the third ring, bumukas ang pinto. Nataranta ako kaya pinatay ko kaagad ang tawag at ipinatong kung saan ang cellphone ko. Tumayo ako sa gitna ng suite at nakapamewang na iniintay makapasok ang dalawa.

Mamay smiled at me and I did too... nasa likod nya si AJ kaya hindi nito nakita ang pagngiti ko sa matanda, inalis ko ang ngiti ko kahit ang hirap dahil sobrang cute talaga ng anak ko... gets naman agad ni Mamay ang trip ko.

"Alexander Jonathan... where have you been huh?" I asked sternly.

Grabeng pagpipigil ang kailangan kong gawin para hindi mapabunghalit ng tawa dahil sa naging reaksyon ni AJ. Napatigil kasi sya at parang ewan na nanlaki ang mata at humugot ng malalim na hininga at pinigil iyon. He looks so cute...

"AJ....." ulit ko... he was hiding something behind him. "What's on your hand?" I asked.

He looked at Mamay na hindi naman nakikialam sa pagtitrip ko sa bata. Sorry na, cute cute eh... sanay naman na samin si Mamay... madalas ko talagang asarin si AJ... noon nga may iyakan pa kaming ganap.

"Mommy, you nyow... I taw tomeone..." he started. Ayan na sya, he's making his way to my heart... he really knew me. He walked to me.

"Thit ball it fwom, Lolo... he gave it to me kanina ta labat..." napatingin ako kay Mamay, kinuha nito ang bola kay AJ pagkatapos ipakita sa akin. Nagtatanong ang mga mata ko pero nagkibit balikat lang si Mamay. "He alweady gave me toyt... he alwayt tend me giftt, he taid that I looked like hit kid... and he alto taid that I have my eyet look like tomeone he knowt." Lalo akong nacurious pero wala naman akong nakukuhang sagot sa kanila. At yung sinasabi nyang may kilala daw ung Lolo na katulad ng mata nya, I do know someone too.

Napabalik ako sa kasalukuyan ng maramdaman kong pilit umaakyat si AJ sa akin... napangiti na ako, ginagawa na naman akong puno ng anak ko. Kapag nag gagalit galitan ako, ganito lang ang gagawin nya at bati na kami. Di ko na natiis at niyuko ko na sya at binuhat.

"And then Mommy..." hindi pa ko nakakabawi sa mga kwento nya, may kasunod na. Naupo kami sa couch... I placed him on my lap paharap sa akin... kinuha naman ni AJ ang mga kamay ko ay inilagay sa likod nya, ayun... nagpapaalalay dahil gustong mahiga. "I hit a man with my ball. I thought he't gonna be angwy but he't to kind." Huh? Iba pa ung 'Lolo' at ung 'someone'? Aba aba, Alexander sobrang friendly mo yata anak, nakakatakot.

"AJ.... di ba Mommy told you..." Malumanay na paalala ko sa kanya.

"I nyow Mommy, but I jutt get my ball. He't handtome Mommy... di ba Mamay?" He even tilted his head to look to Mamay para mapa-oo ang matanda and she did.

"Kilala nyo Mamay?" Napayuko ang matanda, akala siguro magagalit ako.

"Mukha namang hindi gagawa ng masama, hija... mukhang edukado." She said.

Yung kasama ko rin ho sa paggawa kay AJ five years ago, hindi rin ho mukhang gagawa ng masama sa ayos... hindi ko lang masabi.

"Towwy Mommy..." AJ said... maybe he sensed na I got a little upset... pero hindi naman dahil dun sa may nakilala sya, naalala ko lang ang ama nito.

Perilous KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon