xxxvi

221 27 4
                                    

I woke up with my phone ringing... masakit ang ulo ko pero dahil akala ko ay si Izzy na ang tumatawag, dali-dali ko iyong sinagot ng hindi na tinitignan kung sino ang caller.

"Mr. Sebastian..." gusto kong ibato ang cellphone ko ng makilala ko ang nasa kabilang linya.

"What do you want?!" sa inis ko ay nasigawan ko ang private investigator na ilang taon ding nagtrabaho para sa akin.

"I just thought, you need to know this--" I cut him off. Ayokong marinig ang sasabihin niya.

"I told you, your work is done... nahanap mo na sya, that's it." mariing sabi ko at akmang papatayin na sana ang tawag, baka mamaya tumatawag si Izzy pero hindi ako matawagan dahil may kausap ako. Lorenzo, 'wag ka ngang tanga, may call waiting ho, magnonotify naman yan kung may tumatawag kahit may kausap ka pa.

"She's back... in the Philippines." I froze. Why? Bakit ngayon pa? Bakit hindi noon? "I just thought you have to know, I've been working for you for years just to find her. Noon, I admire you for your determination to look for her. Then when we found her, nakita ko ang sarili ko sayo, natatakot sa nakaraan ko... na baka masira nito kung anuman ang magandang nasimulan ko na. Roxette Alcantara is back in the country and you need to know that para maprotektahan mo ang dapat ingatan, Mr. Sebastian... and also, I'm sorry..." at kusa nang naputol ang linya.

Tinitigan ko lang ang cellphone ko, tama siya... dapat alam ko ang kilos ni Roxette. Paano kung kilala na din pala nya ako at guluhin-- Lorenzo, hindi sya ang unang nanggulo. You ruined her life, you took everything from her... at nangako ka. "Pero paano si Izzy?" tanong ko sa sarili ko. "No, hindi pwedeng mawala sa akin si Izzy. Hindi ako papayag, hindi ko kaya."

With those thought, he stood up and fixed himself. Ilang araw na ba? Tinutubuan na ako ng balbas... napailing na lang ako sa harap ng salamin. Nilinis ko ang katawan ko, at inayos ang sarili ko... hindi magugustuhan ni Izzy kung makikita nya na ganito ang kalagayan ko habang wala sya.

Three days ago kasi, dahil sa sobrang dami ng iniisip ko, I turned-off my phone... and nung binuksan ko, puro texts from Izzy ang natanggap ko.

Hon, nag-lunch ka na ba? Ako kasi hindi pa... waiting for your call?

Hon, should I call you na lang? I missed you.

Basti...

It's okey, baka busy ka. Text me later ha.

Hon, where are you?

Late ka ba makakauwi?

Hon, bakit di kita matawagan?

Kanina pa kita hinihintay, Basti. Magtext ka naman.

Lorenzo Sebastian... tampo lang walang hiwalayan. Sinuswerte ka. Umuwi ka na, susuyuin naman kita eh.

Naalala ko pa yung ngiti ko nung mabasa ko ung huling text nya. May pahabol pa yon na alam daw nya na kinikilig ako... and the moment I read those, I realized na baka naman pinapalaki ko lang masyado yung problema? O may problema nga ba? Asan na yung sinasabi kong 'If I would trust her, I should trust her fully'? Nagmamadali akong umuwi that same day, napanatag ako ng makita kong bukas ang lahat ng ilaw sa bahay, maliwanag, it means she's home... pero isang note lang ang inabutan ko sa ibabaw ng kitchen counter pagkatapos ko syang hanapin sa buong bahay ng gabing iyon...

I prepared foods for you, good for a week, nasa ref... mamili ka na lang, init mo sa microwave ha, wag kang kakain ng malamig, hon. If you're reading this, then hindi na kita nahintay... Alexander needs me.
- belle

Perilous KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon