xliii

209 29 5
                                    

Nagmamadali akong buksan ang pinto para salubungin si Basti. He just got home from an out of town business conference. One week din yun... agad agad pagkauwi nya that same day na may natanggap syang tawag at nagmamadaling umalis.

I really missed him. He rarely call... tumawag man, para lang mag goodnight... halata sa boses nya ang pagod tuwing magkakausap kami kaya kahit gusto kong mag risk na pag-usapan namin si Alexander sa phone... hindi ko din nagawa.

Balisa ako... dahil hindi na ako papayag na hindi kami magkausap. Pero pagkabukas ko pa lang ng pinto ay bumungad na agad sa akin ang madilim nyang mukha...

Umurong yata ang dila ko... at ang lakas ng loob ko na inipon ko ng matagal na panahon dahil ibang lungkot ang nakikita ko sa mga mata nya.

"Hi." He tried to smile ng batiin nya ako pero hindi iyon umabot sa mga mata nya.

"Hi. How was your flight." I asked... Sinubukan kong kunin ang isang bag nya pero iniwas nya iyon sa akin. Nagtaka ako... pero hinayaan ko na lang.

I tried to touch him pero umiwas sya, ano bang problema?

"Ah, o-okay lang... pagod lang ako. Tataas muna ako, Isabelle." Nice... he's even avoiding me.

Ngumiti ako sa kanya ng tipid at tumango. "Sige, magpahinga ka na muna." Sabi ko, iniisip ko baka naman isa lang 'to sa mga araw na umaatake ang traydor na isip nya... iintindihin ko na lang... I know how it feels, may mga bagay talagang hindi mo maipaliwanag kahit sa sarili mo kaya ang ending, nagrereflect sa ikinikilos mo ang gulo ng isipan mo.

Naiwan ako sa sala... tahimik at nag-iisip. Nalulungkot ako, I missed him... pero isang Hi lang ang nakuha ko... and the fact na mukhang hindi na naman kami makakapag-usap.

May tumigil na sasakyan sa labas ng bahay kaya napakunot ang noo ko. Oh, it's Gette. Kasama si Shaquille.

"Hoy, hindi mo na ako tinawagan!!" Sumbat kaagad ni Gette. Kasunod nito si Shaquille na may mga dalang folders.

"Sorry na, busy eh." Sagot ko. Pilit kong pinasigla ang boses ko dahil hindi ako tatantanan ni Georgette kapag nahalata nitong matamlay ako. "Pasok kayo. Kayo na ba ha?" Inintriga ko si Gette, it was a defense mechanism kasi nararamdaman kong pilit nyang hinuhuli ang mga mata ko, nakaramdam na yata... buti na lang effective ung pang-aalaska ko.

"Excuse me nga." Inirapan ako ni Gette at nilampasan sa may pinto. Napanganga ako sa bigla ng sadya nyang sanggahin ang balikat ko ng dumaan sya. Gaga talaga!

"Aray ko ha!!" Pahabol kong sigaw. Tinawanan naman ako ni Shaquille at iiling-iling na sumunod sa kaibigan ko sa loob.

"Problema mo jan, Belle? Halika na dito... halos one month na lang kasal nyo na, hanggang ngayon di pa napafinalize kahit invitation man lang. Papatayin mo ba ako sa ngarag?" Mahabang litanya agad ni Gette pagkaupo pa lang nito sa couch sa living room.

Oo nga pala, we're getting married... halos one month na lang.

"Ha? E di ba naman may guest list ka na? Alam mo na yun. Lagi namang ikaw ang humahawak ng events namin-" but she cut me off mid-sentence.

"Kasal ko ba 'to? Oo, may listahan ako... pero ilagay ko ba si Shaquille as your maid of honor?" Natawa ako sa sinabi nya, I get it... sino nga naman sa mga nasa listahan ang kasama sa entourage.

"Aysus!! Syempre ikaw ang best man kung ganun." Biro ko at niyakap ko sya pagkaupong-pagkaupo ko sa tabi nya. Hindi ko alam pero bigla akong naluha ng maramdaman ko ang higpit ng yakap na binalik ni Gette. For a while, magkayakap lang kami... tahimik akong umiiyak sa balikat nya at alam kong kahit di sya magtanong ay nararamdaman nya ang bigat na dinadala ko kaya hinayaan nya lang ako and I appreciate that.

Perilous KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon