"Miss Belle..." nahihiyang tawag sakin ni Chris. "I hate saying this and I love seeing you like that pero I think kailangan ko na pong ayusin ang buhok mo." he said.
Chris was the one na tinatawagan ko everytime na may event akong pupuntahan para mag-ayos ng buhok ko. I can do my face kahit nakapikit at kahit anong peg pa yan pero hindi ko talaga kaya ang buhok ko. Pakiramdam ko kasi hindi babagay sa damit ko kapag ako lang so I have Chris to come over.
And as for what he said he love seeing might be about this man clinging to me like a snake. Kanina pa yan, hirap na hirap na nga akong kumilos habang nagme-make-up dahil nakayakap sya mula sa likod ko at nakadantay pa ang baba nya sa balikat ko... kumusta naman yung parang pasan ko ang mundo... Nasasanay na din siguro ako na lagi lang syang nakatitig sa akin.
I made an eye contact with him on the mirror in front of us pero parang wala naman siyang naiintindihan dahil ngumiti lang sya sa akin sa salamin. Natawa na lang ako at dinutdot ko ng make-up brush na hawak ko ang ilong nya.
"Is it my turn?" He asked. Well, parte ng sumpong nito ngayon ay ako daw ang mag make-up sa kanya. Hindi naman na kailangan... gusto lang nya. Tuwing may event lang naman na katulad nito sya nagpapalagay ng ganito. Nakakahiya tuloy dun sa make-up artist na contact na ng secretary nito dahil biglang nawalan ng raket pero nai-compensate din naman nya kahit paano. Mamaya gumastos pa yung tao ng taxi, lugi na.
Bumuntong-hininga ako at tamgilid. "Dito ka, lipat ka." malambing na sabi ko at lumipat naman sya habang si Chris ay nakuha na agad ang ginawa ko as he proceeded behind me to fix my hair.
"Miss Belle... anong damit mo ngayon?" tanong ni bakla... actually hindi pa ako nakakapili pero meron akong nakita kanina na gustong-gusto ko. Itinuro ko sa kanya ang isang rack ng mga gowns sa isang sulok habang minomosturize ko ang mukha ni Basti na parang enjoy na enjoy dahil nakapikit pa... sinamantala ko na din na behave sya dahil mabilis lang namang make-up-an ang lalaki, minasahe ko na muna ang sentido nya. He looked so stress din kasi.
"Ay ito... bet?" Lagi ko namang kinokonsulta kay Chris ang damit ko kahit noon pa... kaya nga he was so excited nung tawagan ko sya after five years... kahit daw for free na basta he needs pictures of me... pictures with me... and pictures by me. Meaning, he will post my picture for advertising his skills... we will take a selfie para true... and I will post my picture for promoting him. Wala namang problema sakin, kahit naman bayaran ko sya ay ganun pa din ang gagawin ko because he deserve.
He was holding the gown which was my first pick... that's why I'm smiling. Lagi talaga kaming nagkakasundo sa mga isusuot ko. I nodded and Chris went back to me again.
"Marami-rami na naman ang aawayin ng mga asawa't girlfriend nila ngayong gabi..." natatawang komento ni Chris habang sinusuklay ang mahabang buhok ko. "So, Miss Belle, isa-side ko na lang ha. Sayang naman kung tatakpan natin likod mo ng buhok... baka magwala si Rajo Laurel kapag di nabigyan ng justice ang pa bareback nya sayo." Natawa na din ako pero hindi ang kaharap ko. Nagmulat ito and he squinted his eyes on me...
"What?" I asked habang nagpupunas na ako ng kamay... sisimulan ko na syang make-up-an.
"Backless ang damit mo?" masama ang mukhang tanong nya. Tumango lang ako. "Wala bang iba?" Pati yata si Chris ay napatigil ng si Basti mismo ang tumayo at pumunta sa mga nakasabit na gown. Isa-isa nito iyong sinuri at gusto ko ng humagalpak ng tawa dahil habang tumatagal at dumadami ang nakikita nito sa mga gown na pagpipilian ay pakunot ng pakunot ang noo nito. "Damn!" He cursed as he held out one gown na kulay dark blue... spaghetti strapped iyon na extended criss-crossly sa bukas ding likod. Ang harap naman noon ay bukas ang isang tagiliran ang bandang tiyan... mahaba iyon hanggang paa...
He looked at me accussingly. Natawa ako at nilapitan sya. "Ito na lang ba? Alam mo Chris parang maganda nga ito..." Kinuha ko kay Basti ang damit at maganda naman talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/219914940-288-k348090.jpg)
BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
FanfictionBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...