xxiv

292 28 3
                                    

"Gette... ayos lang ba talaga ang gagawin ko?" Kinakabahang tanong ko. It was her idea and I loved it the moment I heard it from her. Pero habang nakikita ko si Don Eduardo ngayon sa stage kasama ang Papa ko ay parang umurong ang dila ko. Izzy's father radiates power.

"Lorenzo, ano ka ba... akala ko ba gusto mong maging masaya si Belle?" Tanong ni Gette.

"I want her to be the happiest." I sincerely said...

"Then calm down and do it... I know her very much, iisa na ang bituka namin ni Belle... this will surely make her heart flatter." She assured me.

Bumuga ako ng hangin... this is it. Kasalukuyan ng nakaere sa national television ang event na ito. Well, hindi naman kailangan pero gusto kong makita ng lahat ang mangyayari... Nagpalakpakan na ang lahat ng matapos ang speech ng dalawang matanda... tapos na ang pag-aannounce ng merge ng companies... pero they leave it to both Izzy and I to tell the world about the rest of the story.

"Pababa na daw sila sabi ni Chris." bulong sa akin ni Gette. Lalo yata akong kinabahan. Pero hindi dapat ako matakot... "Galingan mo ha, magaling kumanta yang mag-amang yan, lalo na si Belle... baka ikahiya ka nyan lagot ka." Hindi ko din alam minsan tong si Gette eh... kanina suportado ako... ngayon naman dinagdagan pa ang kaba ko. Alam ko naman na magaling kumanta si Izzy dahil naririnig ko na din minsan... kaya nga todo practice ako ng kanta at nagpaturo pa ako sa kanya which she gladly taught me. Hindi niya alam na sa kanya ko gagamitin, sabi ko kasi nagandahan lang ako sa kanta. "Ready?" Gette asked at kasabay ng pagtango ko ang pagpatay ng mga ilaw...

May ilang mga singhap akong narinig... may ilang nag panic pero my people can handle them na... kaunti lang naman ang  mga tao sa event... baka nga mas marami pa ang media.

And then a spotlight lit up on the grand staircase... gulat at pagkabigla ang makikita mo sa mga mata ni Izzy ng tumutok sa kanya ang ilaw. Nakita ko si Shaquille na inalalayan itong bumaba habang ako naman ay nagsimula na ding lumapit sa presidential table kung saan naroroon ang aming mga ama.

Tumigil si Izzy sa kalagitnaan ng marinig niya ang tugtog at may isa pang spotlight na nakasentro naman sa amin ni Don Eduardo... Now she's teary eyed as I winked at her... of course she knew the song... the song I practiced with the help of her expertise.

Izzy didn't know about this... it was a surprise... I want her to feel how sincere I am to make it work between us... I will court her everyday if that's what it takes and I will start by asking her father.

Humarap na ako kay Don Eduardo at sa aking ama, tinanguan ako at nginitian ng Daddy ko bilang suporta. I've told this to him at pati na rin ang ginawa ni Joaquin kay Izzy... but Joaquin is nowhere to be found since that day I punched him at the lobby. Maganda na siguro yon, kusa na syang lumayo.

Sir, I'm a bit nervous
'bout being here today
still not real sure what I'm going to say
so bare with me please
if I take up too much of your time

Tamang tama lang talaga ang kantang ito sa nararamdaman ko at lahat ng gusto kong iparating. Nakita ko ang encouragement sa mga mata ng Papa ng babaeng nais kong makasama habang buhay... nabuhayan ako ng loob. May dinukot ako sa inner pocket ng coat ko...

See... in this box is a ring for your princess

I heard gasps and whispers everywhere...

She's my everything and all that I know is
It would be such a relief if I knew that we were on the same side
very soon I'm hoping that I...

Perilous KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon