xxxiv

286 26 6
                                    

TRIGGER WARNING!!

If you are currently battling with the demons inside your head, please skip this chapter for it contains subject that might affect you negatively.









Iniwan ko si Izzy sa kwarto na umiiyak habang kausap ang kung sinomang Alexander na tumatawag sa kanya. Ayoko... hindi ko kayang nakikita syang umiiyak, mas nahihirapan ang loob ko lalo na at alam kong ibang lalaki ang dahilan.

Naupo ako sa gilid ng kama ko at napapaisip... hanggang kailan ko kayang magparaya at isantabi ang nararamdaman ko? Nasa tabi ko nga sya pero alam ko... nararamdaman ko na hindi lubos ang sayang nararamdaman niya... it was as if something was stopping her to enjoy being with me.

Don't fool yourself, Lorenzo. Hindi lang si Izzy ang may hang-ups... mapapapaniwala mo sya pero hindi ang sarili mo. Sinabi mo lang na you'd be selfish for once dahil pinili mong makasama ang asawa mo pero wake up... hindi mo pa rin maalis sa isip mo ang guilt sa nakaraan mo.

Alam ko naman yon eh, alam ko rin na nararamdaman ni Izzy ang doubts ko... lame excuses na lagi  akong pagod sa trabaho para hindi ko sya maasikaso... lagi na lang sya ang nag-aalaga sa akin, she also needs my affection but lately, lagi akong nalulunod sa sarili kong isipan, hindi ako makaahon... kumakalma lang ako kapag kasama ko na si Izzy. Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa frustrations na nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin para makakawala ako sa guilt na 'to.

Naramdaman ko ang mga yabag ni Izzy na papalapit sa pinto ng kwarto ko mula sa walk-in closet namin. Mabilis akong nakatayo at saktong pinipihit nya ang door knob ng mailock ko iyon. Hindi nya ako pwedeng makita ng ganito. Mahina... at parang batang natatakot sa dilim... dilim na hindi ko magawang takasan... dilim na pilit akong hinihila sa kung saan... tumakbo man ako palayo doon ay iba ang nangyayari, tumatakbo akong palayo pero ibang landas ang tinatahak ng isipan ko... palayo ako... palayo ng palayo sa katinuan ko.

"Basti... hon..." narinig kong tawag ni Izzy sa akin mula sa kabila ng pinto... but I can clearly hear she's still sobbing. Nalilito ako kung ano ang dapat kong gawin. Si Izzy na lang ang nagpapatino sa akin pero paano ako ngayon kung sya din mismo ang nagbibigay sa akin ng ganitong pakiramdam... pakiramdam na kahit kailan, hindi ako magiging sapat.  "Hon... open the door please..." kumakatok sya sa pinto pero hindi ko binuksan... sumandal lang ako sa doon at pumikit ng mariin. She was still sobbing.

"Bago ikaw, sya ang buhay ko..."

"Bago ikaw, sya ang buhay ko..."

Paulit-ulit na namang nag-eecho ang mga salitang yan sa utak ko... and the way she said it to me before... I can feel how happy she is... unti-unti akong napadausdos sa sahig habang ang kamay ko ay napapatakip sa magkabilang tenga ko na para bang inaasahan kong mawawala ang mga naririnig ko kung tatakpan ko iyon.

"Akala ko tutulungan mo din ako..." I was stunned with the way I heard it. Ang boses na iyon... Did Izzy said those words just now? Or did I hear it from my mind?

"Basti... hon, please... mag-usap tayo..." That's what Izzy was saying... pero bakit parang biglang naging kaboses nya ang mga pamilyar na salitang iyon na narinig ko na noon. "Please... I think you're a nice guy, please don't do this..."

Hindi ko na alam kung alin ang boses ni Izzy at kung alin ang naririnig ko sa utak ko... I stood up at punched the wall. Napasigaw ako sa sakit pero pakiramdam ko kulang pa iyon kaya inulit ko... gusto kong madivert ang sakit na nararamdaman ko emotionally and mentally into physical pain kaya hindi ako tumigil hangga't hindi namamanhid ang kamao ko sa sakit. Hindi ko na matandaan kung kailan ko huling sinaktan ang sarili ko pero sigurado akong simula yon ng makilala ko si Izzy... but now na siya ang nagtitrigger sa sakit ko, mas malala.

Perilous KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon