Nagising sya sa sobrang ingay... nagtataka nga sya kasi ang alam nya, soundproof ang kwarto nya... and then she realized na bukas pala ang glass door papunta sa balcony.
Bumangon na sya at sumilip sa baba... ay nako, kaya naman pala... ang aga naman mang bulahaw ng kaibigan nya. Napangiti naman sya na kahit parang babaeng bakla ang kaibigan nya ay mahal din nito ang Dad nya na parang tunay na ama.
Georgette might seem so happy-go-lucky at parang walang direksyon sa buhay pero madami na din kasing pinagdaanan ang kaibigan nya. Maybe that's the main reason kung bakit kahit sobrang tiwala nya dito ay hindi niya magawang sabihin ang kalagayan nya.
Gette has her own battles and she doesn't wanna be a burden to her.
Bumalik na sya sa kwarto nya at nagpasyang magshower para makababa na din sya. She suddenly missed her Dad. Nasa iisang bahay na nga sila pero halos hindi na din sila magkita dahil sa sobrang dami nilang inaasikaso.
But since today is a Saturday, it means, walang opisina. Sa wakas, makakahinga sya kahit paano.
After more or less an hour of reflecting under the cold water that runs down to her body from the shower... she went out and put on her casual spaghetti-strap tank top and a boyfriend jeans. Natawa pa sya sa sarili niya... sa dami ng signature shoes nya sa walk-in closet, wala pala syang flip flops man lang... so, she had to settle with her black pambahay na tsinelas na hindi nya alam kung anong tawag.
Nagkibit na lang sya ng balikat, ayos lang siguro since hindi naman sya aalis ng bahay.
Bumaba na sya para makisali sa masayang kwentuhan ni Gette at ng Dad nya... hindi naman na bago sa kanya na nandito ang kaibigan. This is also Gette's home. Madalas dito na umuuwi dahil she feels lonely daw... if I know, walang booking kaya ganon. Napaingos sya sa mag-isa at tuloy tuloy ang paglakad papunta sa garden.
Naririnig pa rin niya ang malakas na boses ni Gette... napahikab siya, minsan talaga nakakatawa sya... mabilis siyang magising na kaunting ingay lang pero mabilis din syang antukin dahil maingay.
"Gette... ang ingay ingay moooo...." irap nya dito ng makalapit sya. Dumeretso sya sa Dad nya at hinalikan ito sa pisngi at saka niyakap. "Morning Papa... namiss kita." she said.
"Goodmorning hija." Tinapiktapik nito ang braso niya habang natatawa. "Breakfast?" He asked.
Bumitaw na sya sa yakap niya dito at tumalikod habang nakasimangot... "Mamaya na Pa... Nay... wala ba tayong ibang pagkain?" Tanong nya sa matandang kasambahay nila. Habang nag-iinat siya.
She bended her body in all directions... she did some stretching... matagal tagal na din nung huli syang nakapag exercise kaya na carried away sya... she bended and stretched her body in every possible way at wala syang pakialam kung lumitaw man ang tiyan niya kapag umaangat ang tank top nya o kung may makakita man sa kilikili niya dahil tiwala naman syang pantay ang kutis niya.
"Ay, Bella may dala si pogi na daing na dilis... paborito mo ito, hindi ba?" Pagkarinig pa lang sa dilis ay parang naglaway na sya at hindi na napansin ang iba pang detalye sa sinabi ng matanda kaya pagharap niya ay gulat na gulat sya at nawala sa isip kung ano nga bang irerequest nya.
"Hmmmm masarap ho siguro kung may mainit na kanin... ano bang gusto mong sawsawan, Izzy? Kamatis, hon?" Natameme sya.
Anong ginagawa ng lalaking ito sa pamamahay niya ng ganitong kaaga... no, scratch that... anong ginagawa nito sa bahay nila, period.
"Suka na may bawang ang paborito ng anak ko hijo." natatawang sagot ng Dad nya.
Gusto nyang lumubog sa kinatatayuan nya. Kung pwede lang sanang bumuka ang lupa at kainin na sya... did I just—
"Oo Belle..." that was Gette. Lumapit ito sa kanya... "Wala ka na ngang bra, tumuwad tuwad ka pa sa harap niya." And to her horror, Gette just confirmed her thoughts.
Para syang naestatwa talaga sa hiya... alam nyang umakyat na lahat ng dugo sa mukha nya dahil mainit ang pakiramdam niya doon. Dahan dahan niyang inabot ang newspaper na nasa ibabaw ng lamesa sa tabi ng Dad nya at pasimple iyong itinakip sa dibdib niya.
"A-anong ginagawa mo dito, B-Basti?" She stammered.
Kung nakakalusaw siguro ang ngiti ay baka wala na sya sa mundo dahil nginitian lang naman sya nito ng pagkatamis-tamis tsaka tumayo.
"Ipagluluto kita... mahal kong asawa." sabi nito at kumindat pa at sumaludo sa Papa nya bago tuluyang tumalikod. "Manang, ako na po ang magluluto at sabay na din po kaming kakain."
Nung mawala sa paningin niya si Basti ay tsaka nya naramdaman ang panginginig ng tuhod nya... dahan dahan syang naupo sa upuang kalapit ng sa Daddy nya na ngayon ay pinagtatawanan sya kasama si Gette.
"Bakit di nyo man lang sinabi sakin na may tao pala?" Naiinis na baling nya sa kaibigan.
"Bakit nagtanong ka ba? Agad agad ka jan nagpasikat akala mo FHM model ka." Sarkastikong balik sa kanya ni Gette at humigop ng kape nito.
"So..." bumaling sya sa Papa nya ng magsalita ito... Nagtatanong ang mga mata nito kahit na may ngiti sa mga labi. "Hindi ko alam na kasal ka na pala?" Pabiro nitong tanong na ipinagtataka nya, hindi ba ito galit? Kasi yun talaga ang nakapagpanginig sa kanya kanina sa takot ng tawagin syang asawa ni Basti... or hindi ba nito alam na si Basti ay si Lorenzo Sebastian.
"Pa..." simula niya... hindi pa rin nya naiisip kung anong isasagot niya.
"Nauna pang malaman nyang newspaper kesa sa aking ama mo." May himig pagtatampong sabi nito sa kanya. Napakunot ang noo nya at napayuko sa dyaryong nakatakip sa dibdib niya.
At totoo ngang headline sya... at si Basti...
The Empire Heiress will soon be taking down the bachelorship of the most sought after heir of Sebastian Group of Companies... see page 6.
Binuklat niya iyon at nakita nya ang larawan nila ni Basti kagabi sa isang restaurant kung saan makalokohan itong lumuhod sa harap niya at sinuootan siya ng singsing bago sya hinatak paalis ng lugar.
She could still remember how she heard the gasps all around them followed by cheering and applause na masuyong pinasalamatan ng kasama nya.
Kung sino mang makakakita sa kanila ay totoong iisipang tunay silang nagmamahalan.
"Hindi mo nabanggit sa akin na magtatatlong taon na pala kayong magkasintahan ng anak ni Sebastian?" Nakangiti pa rin ang kanyang ama... yun nga ang nakasulat sa article tungkol sa kanila, kung kanino nanggaling ang impormasyon ay hindi niya alam pero meron silang nakaligtaan...
And it's all coming back to her now...
"We're married..." nanulas sa bibig nya. Nakita nya kung paanong nabuga ni Gette ang iniinom nito at tumingin sa kanya.
"What?" Her father asked.
"I'm sorry... Sir. But I married her last night." Hindi niya alam kung naligtas sya o lumala ang sitwasyon sa pagsalo sa kanya ni Basti.
Her Dad is always soft pagdating sa kanya... pero parang nakakita siya ng ibang tao ng mga oras na iyon.
"To my office Isabelle Sophia... and you too, young man."
![](https://img.wattpad.com/cover/219914940-288-k348090.jpg)
BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
FanfictionBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...