"Tulungan mo rin kami ng kaibigan ko, please."
"Akala ko tutulungan mo din ako..."
Ang mga mata nitong nangungusap...
ang mga palad nitong nagbibigay init na parang humahaplos sa puso niya.
"I'm sorry... I promise, I will find you... sue me then...."
Alam nyang kahit hindi nila gusto ang mga nangyayari, alam niyang mali, pero may isang parte ng pagkatao nya ang nagsasabing nagkakaunawaan sila.
Then there was a gun shot...
"Runnnn!! You promised me you'll be safe, now... run!!"
Again, those deep eyes...
"Sumama ka na sa akin..."
"No, umalis ka na... tumakbo ka na... ililigaw ko sila."
"Tumakbo ka na..."
And then he heard another shot...
one...
two...
three...
And again, nagising sya mula sa alaala ng madilim niyang nakaraan.
Bumangon siya at naghilamos.
Ang mga matang kahit kailan ay hindi nawala sa isip niya.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang hinahanap ang babaeng pinagkakautangan nya ng lahat...
Ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi ng lahat ng private investigator na kinuha nya... lahat ng mga ito ay nagsasabing namatay ang babaeng iyon.
Alam nya at kilala nya ang sinasabi ng mga itong namatay... yon ay ang kaibigan ng babaeng hinahanap niya...
Alam niyang may alam ang pinsan nya, nakita nya kung paano itong nagwala at halos masira ang buhay dahil sa pagluluksa sa kasintahan nito.
Alam niyang maaaring may humahadlang sa paghahanap niya, posible iyon dahil kahit isa sa mga imbestigador nya ay walang nakatuklas na naroon din sya ng gabing iyon, yon ay dahil nilinis ng kanyang ama ang bakas nya... kaya't para sa kanya ay buhay ang babaeng hinahanap niya, wala siyang balak takbuhan ang nagawa niyang kasalanan, pero kailangan muna nyang mahanap ang dalaga, nangako siya rito... at sinabi niya rito na ang pasya nito ang masusunod, handa syang harapin kung anuman iyon... basta kailangan muna nilang magkita... kailangan muna niyang masabi dito na kung may pinagsisisihan man sya sa nangyari ay yun ay ang maling pagkakataon na nagkatagpo sila sa isang sitwasyon na hindi nila matatakasan, maliban doon... wala siyang pagsisising nararamdaman dahil alam niya ng mga oras na iyon ay binigay nito ng buong buo ang sarili nito sa kanya gaya ng pagbibigay nya ng buong pagkatao nya dito.
"I'm still holding on to my promise... hinahanap pa rin kita... hintayin mo lang ako, magkikita rin muli tayo." sabi nya sa harap ng salamin.
"Shaquille... nasaan na ang hinihingi ko sayo?" tanong nya sa nasa kabilang linya.
Ito ang inutusan nyang alamin ang lahat tungkol sa nababalita...
Kasalukuyan siyang nasa balkonahe ng kanyang silid kaharap ang kanyang computer laptop at nagkakape. Hindi na siya bumalik sa pagtulog mula ng magising sya kanina.
"Lorenzo, relax... sinesend ko na, pare." Sabi ng kaibigan niya.
"Sige pare, salamat." sagot niya... at pinatay ang tawag.
Tatapiktapik ang mga daliri niya sa ibabaw ng marble na lamesa habang nakikipagtititgan sya sa monitor.
Kaya para syang tanga ng makitang nnareceive na nya ang e-mail ni Shaquille.
Binuksan niya iyon at matamang inaral lahat ng detalye.
"Uncle, maybe we could acquire the empire..." it was Joaquin.
Nakakapanibago ang itsura ng pinsan niya. Kasalaukuyan silang nasa study room sa mansion ng kanyang magulang, pinatawag sila ng kanyang Papa dahil may importante daw silang dapat pag-usapan.
Tahimik lang siyang nakikinig sa kanila, napapaisip siya kung talaga bang nagbago ang pinsan nya o sadyang hindi lang niya ito kilala? Simula ng namatay ang kasintahan nito, nakita nya lahat ng kamalian ng pinsan...
"What do you think, hijo?" Nagulat siya ng balingan siya ng kanyang ama.
"We can't, Dad." maikling sagot niya.
Napag-aralan na nyang mabuti ang sitwasyon... maaaring lumalago na ang kanilang mga negosyo pero hindi pa rin nila kakayanin at hindi sapat ang kanilang resources.
"I know you know what I mean... Dad, you sure know how much money we need to take over that Empire... bumababa ang value ng stocks nila pero hindi ibig sabihin ay wala na silang pera... it would take at least a decade before they could be declared bankrupt and by then tsaka lang tayo magkaroon ng pagkakataon... the only thing we could look at was to propose a merge with them but we know that—"
"If that's the case, we could propose a merge by marriage." Putol sa kanya ng kanyang ama.
"I could present myself for that deal, Uncle. We can't force Lorenzo in doing that." Nakangising saad ni Joaquin.
Nagtataka sya... simula ng mawala si Althea, ngayon lang niya nakitaan ng interes ang pinsan niya na makipagrelasyon.
"After all, I've been wanting a reunion with Belle... I heard she's back."
Belle...
Belle...
It does ring a bell...
and he remembered...
how Joaquin harrased someone na kaibigan din ni Althea...
Tumingin sya sa pinsan... "The one you are so obsessed with to the point na nanghaharas ka ng ibang babae?"
"Gette is not a woman, pinsan..." nanunuya ang tono nito. "...and besides hindi ko sya hinaharas, tinatanong ko lang sya kung nasaan si Belle..."
Tumikwas ang isang sulok ng labi niya. "Choking a woman almost to death is not harassment to you, huh? I see."
Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang ni Joaquin but his father interrupted them.
"Enough."
"Joaquin, sigurado ka ba hijo? Alam kong kahit noon pa man ay hindi na kayo magkasundo ng anak na dalaga ni Eduardo..." komento ng ama.
"I'm sure about this, Uncle... I really want to have Belle anyway."
Hindi maganda ang pakiramdam niya, parang may mali....
—
meet Lorenzo everybody... hahaha .

BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
Hayran KurguBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...