listen to huwag mo kong iwan
while reading para mas dama
ung happy ending.ű
"Chemotherapy isn't working well with AJ, Belle..."
"See, instead na lumiit yung bukol, lumalaki pa lalo. Good thing is hindi na sya nag spread sa ibang part ng body ng anak mo. Only the nodules sa lungs and yang sa tuhod nya ang meron. I suggest that we undergo surgery."
"Amputation..."
Marahas kong pinahid ang luha kong naglandas sa pisngi ko. Itinabi ko ang sasakyan sa harap ng isang coffee shop kung saan ako may kikitaing tao.
Kinalma ko ang sarili ko bago ako bumaba ng kotse. Inayos ko din ang itsura ko, if I will be seen in public, I have to be seen decent.
Bumaba ako at taas noong naglakad papunta sa loob... tumigil ako sa pinakadulong lugar kung saan wala masyadong tao. "Good day, Miss Aguirre..." he greeted me. Tumango lang ako pagkatapos kong maupo sa katapat nyang upuan. In-adjust ko ang wide-brimmed sunglasses ko na tumatakip sa namamaga kong mga mata.
"Go straight to the point, Rosario. Limitado lang ang oras ko." I said formally at tumango ito.
"Here. The pictures you sent to me via email. The woman is named Roxette Alcantara. She has a son, nearly five years old... she migrated in the US. But she came back here two months ago." Napayuko ako.
Two months ago? I smirked to myself. She came... kaya pala iba ang ikinikilos ni Basti.
"The father of her child?" I asked directly.
"L-Lorenzo Sebastian." Natatakot na pahayag ng kausap ko.
"I see. Thank you for your service. Expect your incentive on your account." I said before walking out on him.
As soon as I get inside my car, my tears flowed down uncontrollably... sobrang sakit.
Why I didn't see this coming?
Bakit hindi ako agad nagtanong nung makita ko pa lang sa drawer nya yung envelope... kasama nung antidepressants nya...
May nagbago kaya kung inalam ko sa kanya?
Roxette Alcantara..
Napasubsob ako sa manubela... di ko yata kaya, saan pa ako huhugot ng lakas?
My son's leg is about to be taken away from him... dun pa lang para na akong pinapatay...
Pero kailangan ko din ng kaliwanagan...
I need peace of mind... hindi ko alam kung makukuha ko iyon sa gagawin ko...
Ang alam ko lang, hindi deserve ng kahit sinong bata ang watak watak na pamilya.
I dialled someone on my phone... I just need to clear things up... at babalik na ako sa dati kong buhay.
"Xancho... please proceed with the procedure..."
Kausap ko si Dr. Xancho ng biglang tumunog ang cellphone nito, he excused himself para sagutin ang tawag pero hindi naman umalis sa harapan ko. Lumingon ako kay Carl na nasa loob ng clinic ng doctor... kasalukuyan itong kinakausap ng isa pang doctor.
"I understand. Yes... in two or three days we can do the surgery. Ok, yeah. Bye." I heard Xancho said on his phone.
Bakas sa mukha nito ang relief pero nakikita ko rin sa mata nito ang bahagyang lungkot pagkababa ng tawag. "Ah, Shirley..." tawag nito sa Nurse na dumaan sa harap namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/219914940-288-k348090.jpg)
BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
FanfictionBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...