xxii

308 23 3
                                    

"Ayoko." mahinang sagot ko pero sumubsob naman ako sa dibdib nya at yumakap na din sa kanya ng mahigpit. Kung mauubos siguro ang amoy nito ay baka naubos ko na.

"What?! Why?" He asked high pitched. Natawa naman ako sa reaksyon nya.

"Sinaktan mo ako." I said... totoo naman eh. Mahirap para sa akin ang magtiwala dahil sa mga nangyari noon... pero pagdating sa kanya, parang ang gaan-gaan ng loob ko. Kahit hindi ko gusto, kahit pinigilan ko, I became dependent to him.

Naramdaman ko iyon sa nakalipas na mga araw. Kahit masama ang loob ko at nasaktan nya ako, hindi ko matiis na pabayaan sya... at masaya ako sa ginagawa ko.

"I'm sorry..." He said as he planted a soft kiss on my head. "I was just jealous..." he said softly. Napatingala na naman ako sa kanya. "Please... can you also give me the right to feel this way?"

"Bakit? Pag ba di ako pumayag mapipigilan mo yan?" pamimilosopo ko sa kanya.

"Hindi ako papayag na hindi ka papayag kaya please pumayag ka na." Ha? medyo naguluhan yata ako sa dami ng payag na sinabi niya.

"Ano namang gagawin mo kung hindi ako papayag na hindi ka papayag na hindi ako papayag kahit may please pumayag ka na ka pa jan?" O di ba? Bakit ako magpapatalo sa kanya.

"Liligawan kita..." sabi niya na ikinabigla ko. Natuwa ako actually... Dahil sa kasungitan ko noon, ngayon lang ako papayag na may manligaw sa akin kung nagkataon.

"Ang mais mo ha." Sabi ko at tinampal ko ang noo nya. Masakit ang ulo ko pero may naisip ako... bakit ba eh gagamitin ko na, baka pumayag eh. "Papayag ako kung papayag kang ibenta sa akin ang bahay at lupang ito." At lalo ko pa syang niyakap at inamoy. I can also play my cards.

"No need. This is yours." he said but I don't like that. "It's my gift to you." na-touch naman ako pero ayoko pa din.

"No, ayoko ng ganun... I really want this place to be mine... on my name... para pag naghiwalay ta--" I was cut mid-sentence when his lips sealed with mine.

"Hindi tayo maghihiwalay, Izzy. Sagradong katoliko ako, hindi ako naniniwala sa divorce..." natigilan naman ako. Mabigat ang mga binibitawan nyang salita, baka hindi niya kayang panindigan pero hinayaan ko na lang dahil sumasaya ang puso ko sa mga sinasabi niya.

"Wala namang ibang tao dito ah! You shouldn't kiss me! Nasa rules yon!" I was just teasing him...

"Says someone na parang ahas kung makalingkis sa akin ngayon." he countered while chuckling. Wala akong pakealam basta nanatili lang akong nakasubsob sa dibdib nya habang inamoy-amoy ko sya... parang familiar kasi ang amoy nya...

"Teka, body wash ko ang ginagamit mo?" Finally, I figured why he smelled like that. He blushed. Cute.

"Ayaw mo kasi akong kausapin, ayaw mo akong lumalapit sayo... miss na miss na kita... pati nga pabango mo, nagbukas akong isa ha... di ako makapasok dito eh." Natawa na lang ako sa sinabi niya...

"And I missed you too..." habang sumisiksik ako sa kanya. Di ba ang landi kong may sakit? Pumikit ako dahil inaantok na din ako. Masakit pa ang ulo ko pero nabawasan na ang panginginig ko sa lamig na nararamdaman ko kanina.

"Teka muna, hindi mo pa ako sinasagot..." napabukas ang isang mata ko sa tanong nya.

"Akala ko ba manliligaw ka?" tanong ko. "Alam mo ang korni, Basti. Mag-asawa na tayo... pero pag-iisipan ko ha." Pagpapakipot ko pa. "Matutulog na ko..."

"Fine then, my queen..." at hinapit nya ako palapit pa sa kanya. "Rest yourself and tomorrow I will make ligaw to you..." ang conyo...

"Ang ingaaaaay..." kunwari ay angal ko... at kinurot ko sya sa likod kung saan naroon ang kamay ko. Natawa na lang ito at hinayaan na akong makapagpahinga... and again... after a week of this mind torture... I slept free from all the sorrow...









Perilous KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon