iii

343 33 6
                                    

"Bakit hindi ka na lang nanatili sa America, bata." sabi ng isang lalaki.

Hindi niya alam kung nasaan siya. "Who are you? What do you need from me?" tanong niya.

Nakapiring ang mga mata niya at may mga kamay na pumipigil sa kanya. Naramdaman niyang pilit siyang naiiupo ng mga ito sa isang matigas na silya. Gustuhin man niyang magpumiglas pero masyadong marami ang mga kamay na pilit siyang itinatali.

"Hindi mo na gugustuhing malaman pa kung sino man kami. Sa akin, wala kang kasalanan... sa kliyente ko meron." sagot sa kanya ng lalaki habang piit piit nito ng mahigpit ang kanyang mga baba.

"I didn't do wrong to anyone, believe me. Kauuwi ko lang sa Pilipinas..." pilipit pa ang dila niya sa tagalog.

"Kaya nga dapat nanahimik ka na lang doon bata."

"What are you doing to me?" Naramdaman kasi siya na may itinuturok sa mga braso niya ang mga ito.

"Wala lang yan bata... maya maya ay magiginhawahan ka rin, wag kang mag-aalala, bibigyan ka naman namin ng papawi sa uhaw mo." At naghalakhakan ang mga ito.

Narinig niyang bumukas ang pinto, marahil ay nasa isang silid sila.

"Boss, nariyan na po yung babae... napakaganda pala non boss, makinis... mukhang mayaman... at may bonus pang isa kasingbango din nung kinuha namin." sabi ng bagong dating.

Hindi niya alam kung bakit nag-iiba ang pakiramdam niya, pakiwari niya ay umiinit ang paligid... parang may gusto siyang gawin... uhaw na uhaw siya.... unti-unti na ring bumubutil ang mga pawis sa kanyang noo.

Maganda...

Mabango...

Makinis...

Maputi...

At dahil sa mga narinig niya ay parang mas lalong nag-apoy ang nararamdaman niya.


"Pero boss, iba ang ganda nung pinakuha ng kliyente natin. Nakakapanggigil. Kanina pa nga galit na galit si junior... baka naman pde rin nating tikman pagkatapos nito..." sabi ng isa na tinapik tapik pa ang pisngi niya.

"Siguraduhin nyo lang na tama ang kinuha nyo... tsaka yung kasama baka sumabit tayo. Pagsawaan nyo hanggang gusto nyo pero patayin nyo kaagad pagkatapos."

Nahihilo na sya sa nararamdaman niya...

Mainit...

Masakit...

Mamamatay siya...

"Bata... maswerte ka, balita ko ikaw ang makakauna. Eh pihikan pala ang babaeng yon. Pasensya ka na ha, alam kong hindi mo gusto ito pero kailangan mong gawin... o mamili ka... papatayin ko sa harapan mo ang buong pamilya mo pati na ang babaeng ito."


Hindi niya alam kung anong pipiliin niya, labag sa morale nya ang pinagagawa nito pero hindi rin niya kayang mapahamak ang pamilya nya... lalong lalo na ang kapatid niya.





















"Anong gagawin nyo sa amin? Maawa na po kayo... pakawalan nyo na kami." Pakiusap ni Thea sa mga mamang kumidnap sa kanila.

Hindi niya alam kung nasaan sila... madilim ang paligid pero parang nasa isang establisyemento sila. Wala siyang marinig na ingay o kung anuman na maaaaring magbigay sa kanya ng idea kung anong lugar ang kinaroroonan nila.


"Belle... natatakot ako..." sabi sa kanya ni Thea. Ganun din naman ang nararamdaman niya...


Pero hindi niya magawang magsalita dahil natatakpan ng tape ang bibig nya.


Perilous KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon