viii

260 26 4
                                    

"Papa... what happened to you?" Simula niya pagkapasok na pagkapasok pa lang nya ng silid ng ama.


"Your father is sick, Belle." Sabi ng doktor... "Marahil ay sa kakaisip kung nasaan ka." dagdag ni Dr. Carlos... "Pati na rin ang negosyo nyo..."


"Pa, I'm sorry... nandito na po ako." Hindi na nya muna pinansin ang pasaring ng Ninong nya. "I'm sorry po sa lahat ng sinabi ko sa inyo noon, I didn't mean any of it. Hindi po totoong napipilitan lang ako sa mga bagay na ginagawa ko. Hindi totoong naramdaman kong pinalaki mo lang ako at inalagaan para may magtuloy ng negosyo mo... Pa, I've never felt na pinepressure mo ako sa kahit anong bagay... Pa, kahit lumaki akong wala si Mommy, hindi ko naramdamang kulang ako dahil nanjan ka..." totoo lahat ng sinasabi niya maging ang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata.


Nakaupo sya sa higaan ng kanyang ama habang nakapikit ito... hawak nya ang mga kamay nito at hinalik-halikan iyon. Lalo siyang naiyak ng makita nyang may tumulo ding luha mula sa mga mata nito.


"Papa, I'm sorry.... all my life, binigay mo sakin lahat ng gusto ko... lahat ng suportang kailangan ko, hindi ko na kailangang hingin dahil kusa mong ibinibigay... Papa, I'm sorry... I promise I won't ever leave you again... Sorry kung nasaktan kita... sorry kung natiis kita ng limang taon... sorry... sorry..."



Naramdaman nya ang pagpisil ng ama sa mga kamay niya.



Iyak lang sya ng iyak dahil sobrang namiss nya ang Dad nya pero naiinis siya na pinapanindigan pa din nito ang drama at hindi pa rin sumasagot sa kanya.


"Pa naman eh, ang galing ng drama ha? Well-rehearsed at well-acted, infairness." sabi nya habang tinatanggal ang fake na tube na nakakabit sa ilong nito. "Pa, pansinin mo na ko please... miss na miss kita eh." Ngumuso siya.


Oo, alam nya na binalak lang ng Daddy nya to dahil nadulas si Gette kanina sa sasakyan habang papunta sila sa ospital.


Sinabihan din sya ni Gette na makisakay sa "drama" ng magulang nya at nagisip pa ng script. Pero totoo ang pagiyak nya at paghingi nya ng tawad dahil yun talaga ang nararamdaman nya. At alam nya sa sarili nya na malaki ang kasalanan nya sa magulang nya.


Narinig niya ang pagtawa ng Ninong nya... nilingon nya ito. "Ikaw ninong ha, irereport kita... bawal tong ginagawa nyo... pano na lang kung ako ung may sakit sa puso tapos hindi nadulas si Gette sa plano nyo, malamang ako na ung agaw buhay ngayon."


Dr. Carlos is her Dad's closest friend kaya close din sya sa Ninong nya. Mas madalas pa nga sya nitong pagsabihan sa kamalditahan nya dahil hindi naman sya pinapagalitan ng Daddy nya. She's spoiled but she refused to claim that she is a brat... tinawanan lang sya ng Ninong nya at nilapitan ang mga aparato sa paligid na hindi naman totoong nakakabit sa Dad nya...


"Effort ha." Panunuya nya at niyugyog ang Dad nya dahil hindi pa rin ito nagmumulat ng mata. Tulog ba?


"Belle, we get it... and you should know that we knew better... matalino ka kaya handang-handa kami." Sabi ng ninong nya habang pinapatay ung machine na hindi nya alam exactly kung para saan.


"Georgette." Her Dad sternly called her friend. Gusto nyang magtampo... hala, sila ung hindi nagkita ng five years di ba.


"Uncle, wala po akong alam... wala po akong sinabi sa kanya.. pssst uy Belle hindi ko naman sinabi sayo, ang sabi ko lan—" natatarantang paliwanag ng kaibigan nya na pinutol naman nya.


"Oh, shataaap!" she hissed and then hugged her Dad na nakabangon na... naiyak sya ulit nung maramdaman niya ang mahigpit na yakap ng Daddy nya sa kanya.


Perilous KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon