"Pa..." malambing na bungad nya agad pagkapasok na pagkapasok pa lang nya sa study room na ginawa ng opisina ng Dad nya.
Nakaharap ito sa bintana at nakatalikod sa kanya. Ngayon lang nya nakitang ganoon ang Dad nya kaya nagdadalawang isip siya kung lalapitan ito, sa huli ay nagpasya na lang syang mag-usap muna sila total naman ay nandoon din si Basti.
"What is this all about?" Her father calmly asks as he faces them. Nag-aalala sya dahil alam nyang nasasaktan ang Dad nya. His eyes are red.
"Pa... sasabihin ko naman po sa inyo." Sabi niya. Pero alam niyang hindi totoo ang sinabi niya dahil sa una pa lang ay gusto na niyang itago kung anuman ang kasunduan nila ni Basti.
"Pero hindi mo sinabi, Isabelle. Nakapagpasya ka na." Takot na talaga sya kapag buong pangalan na nya ang binabanggit ng Dad nya at sa ganitong tono pa. "And you, young man... how dare you marry my daughter without even asking me?" Galit ang Dad nya.
"I'm sorry, Sir." Si Basti na yumuko ng bahagya upang humingi ng paumanhin. "Pero gusto ko lang pong makatiyak na hindi na ako muling iiwan ni Izzy." Nabigla sya sa ginawang kwento ng binata.
"What do you mean?" Her father asked.
"We've been together for years, Sir... and five years ago, she left me. Hindi ko po alam kung anong gagawin ko kung iiwan nya ulit ako." Galing din namang umarte ng lalaking ito.
"That's why you married her without my consent?" Medyo lumambot naman ang Dad nya.
"Sir, I was planning to ask you today. I'm sorry if I acted selfishly. I just really wanted to secure my place in her life. I promise I will give her what she really deserves: a proper and grand wedding." Basti was so polite. Hindi niya aakalain na ito yung mapang-asar na nilalang.
Siya naman ang hinarap ng ama. "Is he the same bullshit guy who broke your heart?!"
Shit! Ngayon lang nya naalala na five years ago ay iyon ang idinahilan nya sa lahat kung kaya umalis siya... that she was deeply wounded by a man... which is all true maliban na lang sa istoryang ginawa niya noon... and now, Basti 'coincidentally' told her Dad that she left him the same time.
She had no choice but to nod dahil baka maging problema pa nila kung magkakaroon ng hole ang time frame ng kwentong binubuo nila ni Basti ng wala man lang pag-uusap.
She was so caught up with her own thoughts na hindi nya agad napansin ang mga nangyayari. Maliban na lang ng marinig niya ang sigaw ng Dad niya at ang pagbagsak ni Basti sa sahig.
Her father punched Basti in the face so hard which made him fall on the floor. They both didn't expect this to happen, and they were shocked with what Izzy's Dad had done.
"Walanghiya ka!! Sinira mo ang buhay ng anak ko!!" It was her Dad.
Nakatayo na si Basti pero hindi ito nagpakita ng kahit anong takot o maging paglaban. All Basti has is respect for the man in front of him na gusto nyang isiping totoong mahal sya nito at pinaninindigan siya nito sa Dad nya... but this is all for a show.
Muling sinuntok ng Dad nya si Basti but this time it was on his stomach at napaigik ito sa sakit kaya agad niya itong nilapitan upang pigilan na din ang kanyang ama.
"Pa..." she looked at her Dad ng may pagsusumamo sa kanyang mga mata.
Her father calmed down as he saw how she looked at Basti. He was reminded by how Belle's mother would look at him.
He saw how Belle carefully placed her arms behind Sebastian's son to support him and how she examined his bruised face.
He could accept it... his daughter is really a grown woman and she's in love... but he needed to make sure that she won't be hurt again...
"Binabalaan kita, wag na wag kong makikitang umiiyak ang anak ko ng dahil sayo... Kaya kong maging kriminal, Sebastian." He said.
And with that, Belle cried and went to hug him...
He could never get mad with his daughter... She is his life.
And who is he to hinder her happiness kung ito nga mismo ay handang tumaya ulit sa lalaking minsan nang nanakit dito?
Belle... napakatapang na bata.
"Aray!! Izzy, dahan dahan naman." Angil nya. Ito naman ding kasama nya kasi ay parang gigil na gigil sa sugat nya sa labi. Pumutok na naman kasi iyon ng sapakin sya ni Don Aguirre.
"Masakit?" Sarkastikong tanong ng dalaga sa kanya. "Magdusa ka. Kahapon ka pa ah. Basag-ulero." Umirap pa ito. Ang tinutukoy siguro nito ay ung sugat naman nya sa labi dahil naunahan siyang sapakin ni Joaquin.
Sinulyapan niya ito saglit. Madilim ang mukha nito habang nilalagyan ng gamot ang bulak na ipinapahid sa labi niya. Nagmamaneho kasi siya, may pupuntahan sila.
"Dahan dahan, please." Malumanay na pakiusap niya at hinuli pa ang kamay nito at hinalikan ang palad. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa utak niya.
Inirapan lang sya nito at lalong diniinan ang bulak sa sugat niya. Napangiwi siya... nakonsensya naman siguro kaya dinahan-dahan na nito ang pag-gamot sa kanya at bahagya pang hinihipan. Naamoy nya tuloy ang mabangong hininga nito.
"Ang bango..." hindi na nya napigilang sabihin kaya nakatikim din agad sya ng mahinang tampal sa mukha niya.
"Ikaw, umayos ka nga!!" Sabi nito. "Nakakapikon ka na! Kung ano ano pang sinabi mo sa Papa ko." Inis na wika nito which reminded him about what he discovered.
"So you left because you were hurt by a man? Sino naman?" Hindi na nya talaga kaya ang curiousity niya.
"Wala ka nang pakialam don." Nag-iba ang ekpresyon ng mukha nito. Kung kanina ay inis ang nakikita nya, ngayon ay iba na...
There was something in her eyes na pamilyar sa kanya... araw araw din niyang nakikita ang ganoong kahungkagan sa mga mata nya.
"Bakit ba kasi natin kailangang magpanggap na we have a real love story, Basti?" She asked. Alam naman nyang alam nito ang dahilan.
"Izzy, I know hindi ko na kailangan pang sabihin sayo ang dahilan dahil alam mo na." Sagot nya na nginisihan ito. "Or would you rather have the whole country call you with all the names they could come up just to bring your morale down?"
Napapalatak ito. She's cute... "Ang perfect mo din kasi, ano po?" Natawa na lang sya. Totoo naman, once everything behind their marriage was revealed publicly, people will try to ruin us. Mabuti na yung magpanggap kaming nagmamahalan, makakatulong pa iyon sa kompanya. "Saan ba kasi tayo pupunta? Alam mo akala ko makakapahinga ako ngayon eh." Sabi nito, sakto din naman itinigil niya ang kotse sa isang burol...
at naroon din ang...
"Welcome to our home, Izzy. My wife, this will be your new home - OUR new home, rather."

BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
FanfictionBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...