The house is huge and fully-furnished... sa labas, the garage is way too big, pde silang magtabi ng tig-tatlong sasakyan.. tho, she only has two, at dalawa pa lang din ang nakikita nyang ginagamit ni Basti, ung jaguar at ngayon ay hammer... sa backyard ay may pool at garden.
The 'house' is a two-storey modern type building. It has three living rooms, an entertainment room na may malaking flat screen LED tv, a music room which she fell in love with right away, a fully equipped kitchen at sabi ni Basti ay may dirty kitchen pa sa may side ng bahay... a mini bar full of expensive wines, and an eight bedroom with it's own bathroom built in each. Hindi pa kasama don ang master's bedroom na mas malaki siguro ng dalawang beses sa kwarto nya sa mansion nila. To think na may nakahiwalay pang walk-in closet. Sobrang laki ng space at hindi niya alam pero namamangha talaga sya.
And one more thing, she always wanted a house built on a hill... tho hindi naman ito nakatayo mismo doon pero sabi ni Basti ay sakop ng lupain ang burol na nakita nya kanina.
"Man, this is amazing..." totoo naman. "I wanna buy this... this is the only time na gusto kong ipagyabang na mayaman ako, name the price, I'll buy this." Kasi naiisip din nyang magugustuhan ito ng isang espesyal na tao. She could already imagine him all around the house with her.
"Sure ka ngayon mo lang ipagyayabang sakin na mayaman ka?" Nakataas ang kilay ni Basti ng lingunin niya ito. Bumababa sila ng hagdan... may basement pa pala, nandoon ang mga machines for exercise katulad ng thread mill na nakapagpangiwi sa kanya ng makita nya... she hates running. "May I remind you na you have already slapped me with the fact na hindi namin afford ang kompanya nyo kaya nga tayo magkasama ngayon." Ngumingisi pa din ito.
Umikot ang mga mata nya. Tanda nya iyon pero hindi siya nagyayabang ng mga oras na iyon, she was just stating a fact. "Whatever. Ang mahalaga sa akin ngayon ay mabili ang bahay na ito. Napakahusay, sinong architect nito?" Tanong niya at muling inilibot ang tingin. May nakita syang limang malalaking kahon sa isang bahagi ng basement. Lumapit sya doon at nakasunod lang sa kanya si Basti. "What are these?" She asked.
"Chandeliers..." Basti answered him. I see... sabi ko na eh, parang may kulang sa loob ng bahay... chandeliers, she loves them. But suddenly, napalingon siya kay Basti, alam niyang nagtanong sya pero walang label ang mga kahon, paano nito nalaman? "And yes Ma'am, thank you for your compliments. I am flattered to hear such praise from the mighty heiress herself. I'm the architect of my own house and no, this is not for sale for any amount of money."
"B-Bahay mo 'to?" now she realized... kasi nga naman, kung nag-scout lang sila ng bahay na bibilhin nila tulad ng usapan nila... dapat may kasama silang ahente o may-ari...
"Bahay po natin." He said laughing.
"But I clearly told you na hati tayo." Asik nya... sayang, she really loves the house... yun na sana ang pag-uuwian nya kay...
"At sinabi mo din na bibili ka kung hindi ako bibili... so it means pwede rin akong bumili but this house was already built... this is mine... hindi pera ng magulang ko ito, Izzy. I saved up from being an architect sa states bago ako umuwi dito and also may sweldo rin naman ako sa kompanya. Ngayon, dahil kasal na tayo, kung anong akin ay sayo... that's how it works..." he said sincerely.
"But..." he cut her off, ayos lang din naman dahil hindi niya alam ang sasabihin niya.
"No buts... this is my gift to you on our wedding." Kumabog ang dibdib nya...
"Basti... paano kung makahanap ka ng magiging asawa mo talaga... yung magiging katuwang mo sa buhay, this house is built with your own ideals na baka dumating ang oras na bubuo ka ng sarili mong pamilya." I don't know why I said that but it's true...

BINABASA MO ANG
Perilous Kismet
Fiksi PenggemarBehind those perfect smiles were unending battles inside her brain. Battles which started after her encounter with an unknown man; an event she tried so hard to keep since that fateful day.... Until she fell in love unexpectedly. She asked herself...