Chapter 14

1.2K 22 0
                                    

Ng makarating ako sa tapat ng Palasyo ay agad lumapit sa amin ang mga security at kaagad nilang sinara ang gate.

Agad akong dumaretso sa loob sinalubong ako ng yakap ni Everleaigh at sumunod sila Cris at Hilary. Mas lalo akong naiyak masaya ako dahel nakuha ko ang anak ko pero iniisip ko padin ang kalagayan ni daddy.

"Hindi tayo puwedeng sumugod sa kuta nila baka madamay ang daddy"

5 am na ng umaga ng may malakas na putukan kaming narinig sa labas halos wala pang natutulog sa amin. Maya maya lang ay nakita kong papunta sa gate si Daddy patakbo ako lumapit dito at sinalubong ng yakap may mga sugat si Daddy na dumudugo kaya agad ko siyang pinasok sa loob ng palasyo may guard din na tumulong sa pagaalalay kay daddy. Kaagad siyang ginamot ng aming private nurse.

"Tulungan niyo ung lalaking nakasakay sa kotseng aking pinangalingan at dalahin sa ospital!"

Agad namang sumunod ang mga security

Nakaramdam ako ng ginhawa ng walang malalang nangyari sa anak ko at kay Daddy. Pinatulog ko na lamang sa mga guest room ang mga kaibigan ko at mahimbing akong nakatulog sa tabi ng mga anak ko.

Tanghali na akong nagising nauna pang magising sa akin ang kambal kong anak na kasalukuyang naglalaro. Tila ba namiss ang isa't isa.

"GoodMorning mga babies ko! Masaya ako at walang nangyari sayo Nathalie pati kay Lolo niyo. Next time iyak kayo ng malakas pag may bad people ah. Ililigtas agad kayo ni Mommy!" Tumango lang ang dalawa kaya hinalikan ko sila sa pisngi.

Sabay sabay kaming nagalmusal sa baba bago umalis ang aming mga kaibigan ito na ang huling araw nila Everleaigh at Lucas dito sa US paniguradong mamimiss ko na naman sila pati ang kanilang mga chikitings.

Hindi na ko nagawang magpasalamat sa lalaking nagligtas sa baby ko pati kay Daddy dahil tumakas daw ito sa ospital. Kaya hangang ngayon ay pinapahanap ito ni daddy dahil malaki ang utang na loob niya dito.

Ang sabi ng doctor ay comatose daw ito at maaring magkaroon ng
Temporally graded retrograde amnesia

Retrograde amnesia is usually temporally graded, which means that your most recent memories are affected first and your oldest memories are usually spared. This is known as Ribot’s law.

The extent of retrograde amnesia can vary significantly. Some people may only lose memories from the year or two prior to having the injury or disease. Other people may lose decades of memories. But even when people lose decades, they typically hang on to memories from childhood and adolescence.

Symptoms include:

not remembering things that happened before the onset of amnesia
forgetting names, people, faces, places, facts, and general knowledge from before the onset of amnesia
remembering skills like riding a bike, playing the piano, and driving a carretaining older memories, especially from childhood and adolescence

Someone with this condition may or may not be able to make new memories and learn new skills.

Ngunit nakalipas ang isang taon hindi na namin siya muli pang nakita pero hindi sumusuko si Daddy dahil gusto niya talagang magpasalamat dito. Ang tanging hiling ko lang ay sana ay maka recover siya.

Ang sabi ni Daddy ay mabait ang lalaki. Hindi siya nito pinabayaan at nagkwento din ito sakaniya na biktima lang din ito ng masamang sindikatong iyon. At naniniwala naman si Daddy na nagsasabi ng totoo ang lalaki.

Isang taon na ring naging tahimik ang aming pamumuhay hindi na kami muling binalikan ng sindikato iyon o ang DeathKill Gang Syndicate kung kanilang tawagin. Pero hindi din kami puwedeng magpakampante dahil tuso ang mga sindikatong iyon.

Lumapit ako sa swimming pool dahil kasalukuyang nagsw swimming lesson ang dalawa kong anak. 2 years old pa lang sila ngunit kailangan na nilang matuto dahil marunong na sila maglakad baka aksidente silang mahulog sa pool ang iba nga ay months palang tinuturuan na.

"Go babies!" Cheer ko sa dalawa kong anak. Nakilusong narin ako sa pool dahil ako ang aalalay sa isa.

Si Cassiopea ang aking inaalalayan nakinig ako sa tamang step na tinuturo ng instructor. Salitan kami sa pag alalay sa dalawang baby minsan si Nathan ang aking inaalalayan.

Mabilis natuto ang dalawa floating ang kailangan nilang matutunan ng matapos ang dalawang oras na pagtatraining ay inahon ko na ang dalawa dahil baka mag kasakit pa nauna ng magpaalam ang instructor at pinaliguan ko naman ang dalawa.

Dinala ko sila sa kanilang Playroom at nagsimula ng maglaro ang magkambal at ng mapagod ay dumede lang sa akin at akin na silang pinatulog ng tanghali. Sabay ko hinimas ang kanilang mga buhok at hinalikan ang kanilang ulo.

"Masaya akong dumating kayo sa buhay ko Calvienson Nathan at Cassiopea Nathalie at wala na akong mahihiling pa"

Kinabukasan ay sinama ko ang dalawa kong anak sa mall upang mapasyal nadin sila binilhan ko sila ng bagong damit dahil lumalaki nadin sila binilhan ko nadin sila ng mga laruan. Bumili din ako ng para sa akin at kay Daddy.

Nasa isang exclusive mall kami kaya kampante akong walang lalapit sa amin may mga sikat na artista pa nga kaming nakakasalubong habang kami ay naglalakad lakad. May mga napapatingin ngunit hindi ko na lamang pinapansin.

Habang naghahanap ako ng store na mabibilihan nahagip ng mata ko ang isang jewerly shop kaya pumasok ako dito. Binati ako ng staff nito at nagpa customize ng dalawang bracelets at pinalagay ang tig isang pangalan ni Nathan at Nathalie nagandahan kasi ako sa inoffer nila sa labas ng store na bracelete for babies 2 tao lang daw ang magkakaroon nito at iyong ang dalawa kong baby.

Ng magawa na ay agad ko itong isinuot sa dalawa ang maganda pa sa bracelets na ito ay hindi kayang tangalin ng baby kahit anong likot nito.

Bago ako makaalis ay nakita kong tinangal nila ang limited 2 pairs ng bracelets na aking kinuha at pinalitan nila ito ng iba. Ayun ang nagustuhan ko sa shop na ito.

Nagdesisyon na akong umuwi kaya sinakay ko na ang dalawa kong anak sa dalawang baby seat at nilagay ang aming mga pinamili.

Ng nasa gitna na kami ng biyahe nahagip ng mata ko sa side mirror ang kanina pang kotseng nasunod sa amin. Kanina ko pa sa mall ito nakikita. Kaya mas binilisan ko ang pagpapatakbo at iniba ko ang aming way. Sobrang kinakabahan na ako hindi para sa sarili ko kundi para sa dalawa kong anak.

To be Continued...

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Add me on Facebook: Lexandra Togepi

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/

Twitter
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepi

Tiktok
Username: LexAndrA_Togepi

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon