Chapter 57

870 13 2
                                    

Nathaliana Pov.

Araw araw akong gumigising ng may takot na nararamdaman gusto kong magsalita sa tuwing nakikita ko si Mommy at Grayson pero hindi ko ma kaya. Halos ayoko na ngang matulog dahil napapanaginipan ko lahat ng masasakit na pangyayari sa aking buhay nung panahong akala namin patay na si Mommy nung nawala sa akin ang anak kong si Cassiopea at ang ginawa sa akin ni Dahlia na nag patigil sa aking pag iisip na gigising ako sa umaga na natatakot ako sa lahat ng bagay.

Inimulat ko ang mata ko at ang pusa naming si Woem Boom ang umupo sa aking hita hinimas ko ang balahibo nito ng maalala ko ang nakita ko kagabi.

"Dito ka muna Boom" Ipinatong ko sa kama si Woem Boom at lumabas ako sa pinto

Parang naninibago ako sa bawat parte ng bahay matagal tagal nadin nung ako'y lumabas sa aking kuwarto dumaretso ako sa kuwarto ni Nathan at Nathalie na natatandaan ko pa naman. Lumapit ako sa dalawang anak ko at humalik sa noo ng mga ito napapatitig ako sa table malapit sa kanilang kama at kinuha ang isang pamilyar na bracelet.

"Nathalie..." basa ko sa nakaukit na pangalan sa bracelet pumatak ang luha sa mga mata ko ng mapatunayan na ito nga ang bracelet ng anak ko.
Patuloy padin ako sa pag iyak ng bumukas ang pinto.

"Nathalia anong ginagawa mo dito at bakit ka naiyak" Lumapit sa akin si Grayson at binuhat ako pabalik sa aking kuwarto "Hindi ako sigurado kung galing ka na malalaman natin mamaya pag dating ng doctor mo sa ngayon dito ka muna sa kuwarto mo"

"Grayson.. itong bracelet na ito sigurado akong kay Cassiopea ito sa anak ko akala ko patay na siya akala ko nahulog siya sa bangin nung araw na iyon ikaw pala ang nakakuha sakaniya all this time nasa tabi at kasama ko lang pala ang anak ko hindi ko man lang siya nakilala" Niyakap ako ni Grayson habang patuloy padin ako sa pag iyak.

"Huwag ka ng umiyak baka makasama pa saiyo mag pahinga ka muna para macheck up ka ng ayos ng doctor"

Hawak ko padin ang bracelet hangang sa dumating ang aking doctor at tinanong tanong ako hangang sa matapos.

"Congratulations Miss Nathalia naka recover ka na after 5 months. Pero may mga times na may trauma ka padin na mararamdaman pero kailangan mong tatagan okay?"

"Okay doc salamat po"

Ng makaalis ang doctor ay halos lahat kami ay sumaya hindi ko inakala na 5 buwan pala akong nawala sa aking sarili buti hindi ako nabaliw ng. tuluyan.

Umupo ako sa garden area habang hawak ang dalawang bracelet na pag aari ni Nathan at Nathalie pinagdikit ko ito at parang magnet itong nagconnect doon tuluyang bumuhos ang mga luha sa mata ko. Ang bracelet na pinagawa ko noon ay magcoconnect pag pinagtabi mo at limited nga lang ito isang pares lang ang ginawa para dito.

Napatingin ako kay Grayson ng hawakan ako nito sa balikat.

"Maaring anak mo nga si Nathalie dahil sa isang kotse na mahuhulog sa bangin ko siya nakuha hindi ko naman inaakala na nandon ka din dahil hindi kita nakita kung alam ko lang sana ay niligtas din kita at si Nathan ng dahil sa akin kaya akala mo ay nawala si Nathalie sana mapatawad mo ako"

"Hindi kita sinisisi Grayson nagpapasalamat din ako sayo na nakuha mo si Nathalie dahil sa tingin ko ay baka kung binalikan kami ng mga sindikatong iyon sila pa ang unang makakita kay Nathalie nahulog kasi kami sa kotse ni Nathan noon nasa lapag daw kami natagpuan sabi ng pulis. At siguro tinadhana iyon mangyari upang makasama mo ang anak natin at ma tagpuan natin ang isa't isa"

Tumabi ito sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Wala sa plano ko ang magkaroon ng anak noon sobrang saya ko ng matagpuan ko si Nathalie noon na tunay ko palang anak at bonus pa na kasama si Nathan at isang sexy hot Mommy nilang si Miss Nathaliana Scott" sabay kindat nito sa akin.

"Binobola mo ba ako?"

"Hindi ah!" Siniringan ko lang ito.

"Anak!" Napalingon ako sa aking likuran at napangiti ako at tumakbo papalapit kay Daddy at niyakap ito pati si Mommy. "Ibinalita sa akin ng Mommy na nagsasalita ka kagabi kaya pagkatapos kong mapirmahan ang mga papeles sa trabaho ko ay pumunta kaagad ako dito. Okay na ba ang iyong lagay?"

"Opo Daddy minsan makakaramdam daw po ako ng takot pero tatagan ko ang loob ko at basta kasama ko kayong mga mahal ko po sa buhay ay hindi ako makakaramdam ng takot"

Inimbitahan ko ang lahat patungo sa sala.

"All this time kasama lang pala natin si Cassiopea nakakagulat pero masaya ako Mommy Daddy Nanay Cons itong bracelet po na ito ay binili ko noon sa aking kambal na anak at nung nawala si Cassiopea ay nawala din ang bracelet na ito Ang bracelet na ito ay pag aari ni Nathalie" tumingin ako kay Nathalie at ngitian ito "Nathalie is my lost baby My Baby Cassiopea Nathalie" niyakap ko si Nathalie at Nathan ang Twin Babies ko.

Halos lahat kami ay umiiyak sa sobrang saya.

"Totoo ang sinasabi mo Nathalia" Napatingin ako sa pintuan ng magsalita si Clyead. "Nitong mga nakaraang araw napapansin ko na magkamukha talaga si Nathan at Nathalie kaya pina DNA ko kayong tatlo kahapon lang lumabas ang result pasensya na kung nakialam ako pero it's Positive Nathalie is your lost baby" ibinigay nito sa akin ang envelope at mas naluha ako ng Positive ang aking nabasa.

Ng gabing iyon ay nagkaroon ng kaonting salo salo lahat kami ay puro kasiyahan lamang ang nararamdaman.

Sobrang namiss ko ang pagaalaga sa mga anak ko lalo na napatunay na anak ko ngang totoo si Nathalie na kahit noon pa man totoong anak na ang turing ko kaya ako ang nagpatulog sakanila.

Pumunta ako sa terrace dahil may date daw kami doon ni Grayson.

"Have a seat" Hinigit nito ang upuan at pinaupo ako wow gentlemang aso

"Thanks!"

"Bakit ang tahimik mo hindi mo ba ako namiss?"

"Ayy dapat ba maingay? Bakit naman kita mamimiss ang panget mo"

"Nako! Naapektuhan ata ng pagka trauma ang paningin mo! Mag pa EO tayo bukas hindi mo na nakikita ang kagwapuhang tinataglay ko na nagpapa hulog ng panty ng maraming babae"

"Your so feelingero maluwag lang ang garter ng panty nila kaya nahuhulog"

"Gusto mong patunayan ko ngayon?" Ngumisi ito sa akin pero nanatili akong blangko. "Hayst! Ang sungit mo na nga noon mas sumungit ka pa lalo!"

Tumayo ako sa upuan at dumaretso sa aking kuwarto at nilock ito

"Nathalia Babe! Saglit naman mag usap pa tayo"

Bahala ka diyan Grayson...

To be Continued...

(C) Spring day by BTS💙💙💙

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Subscribe in my Channel on youtube: LexAndrA_Togepi

Add me on Facebook: Lexandra Togepi

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/

Twitter
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepi

Tiktok
Username: LexAndrA_Togepi

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon