Chapter 50

869 14 1
                                    

Nathaliana POV

Nagising ako ng tinatamaan na ng sikat ng araw ang mukha ko nanatili parin akong nakapikit ng maramdaman ko ang sakit ng ulo ko.

"F*cking hard drinks!" Pangsisisi ko sa mga inorder at ininom kong mga alak kagabi.

dahan dahan kong inimulat ang aking mata ko at ganon na lang ang gulat ko ng pagmumukha ni Grayson ang bumungad sa akin.

"Good Morning"

Matagal ako napatitig sa kaniyang mukha hangang sa nanlaki ang mata ko at nasampal ko siya. At mabilis akong lumabas sa aking kuwarto

"Wtf Nathalia! Bumalik ka dito!"
Rinig kong sigaw nito.

"Nathalia Why are you running?"
Napatingin ako kay daddy at humawak sa braso nito.

"Dad! Dalahin mo na ako sa Mental Hospital nababaliw na ata ako! Nakita ko si Grayson sa kuwarto ko Dad!"

"Hindi ka nababaliw andito talaga ako"

Dahan dahan akong lumingon kay Grayson na akala mong nasa horror movies ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Andito kasi yung Mahal ko"

Aba ang kapal talaga ng mukha ng lalaki na ito sinama pa ang asawa niya dito.

"Mabuti kung ganon aalis muna ako" sumama ako sa pagbaba kay daddy at una kong nakita ay si Nathalie.

"Nathalie my baby!!" Yumakap ako dito at nakiyakap din sa amin si Nathan.

Ng matapos kaming mag kamustahan ay niyakag na kami ni Mommy na mag almusal. Sa tapat ko naka puwesto si Grayson na asikasong asikaso ni Mommy.

"Mommy hindi na baby iyan hayaan niyo na yan"

"Gusto kong asikasuhin ang bisita natin Nathalia"

Nginisian naman ako ni Grayson at tinaasan ko naman ito ng kilay. Kanina pa ako nagtataka kung bakit wala pa ang asawa nito.

"May hinahanap ka ba Nathalia?" Tanong nito sa akin.

"Wala naman"

"Ang asawa ko ba?" Aba ang tigas talaga ng mukha ng lalaking ito. "Wala pa akong asawa baka magkakaroon pa lang pag pumayag siya"

So hindi pa pala sila kasal naka dalawa na agad itong pesteng lalaking ito.

"May girlfriend ka na ba iho?" Tanong ni Mommy kay Grayson.

"Wala pa po pero pag sinagot niya ako mamaya magkakaroon na po ako"

Ay wow! Hindi pala sila mag jowa naka dalawa na agad! Malupet!

"Maganda kung magpakasal na din kaagad kayo"

"Noted po Tita"

Ako ang unang matapos sa pag aalmusal dahil kaonti lang ang kinain ko dahil wala akong gana. Kumuha ako ng wine sa ref at sa Terrace ko ako uminom. Kailangan ko din mag isip dahil hindi ko maalala kung paano ako nakauwi.

"Paano ako nakauwi mag isa F*ck!"

"Binuhat kita mula bar hangang dito sa kuwarto mo" napatingin ako sa aking likuran at nakangising Grayson ang sumalubong sa akin. "Nakita ko lahat ng kabaliwan na pinag gagawa mo sa bar pati narin ang pagkanta mo ng Beer ang dami kong tawa doon hahaha" namula naman ang pisngi ko ng maalala ko ang sariling version ko ng Beer.

"Kung ganon narinig mo lahat lahat? Putangina!!"

"Hahahaha sabi na eh! Mahal mo ako!"

Hindi ako nakasagot kaya tumalikod nalang ako at sunod sunod na uminom ng wine F*ck nakakahiya!

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon