Chapter 26

1K 19 1
                                    

"Huwag kang magalala malapit na siyang maniwala sa akin makukuha ko din ang buong loob ng babaeng ito"

"Gray? Sinong kausap mo? At sinong babae ang tinutukoy mo?"

Dahan dahan itong lumingon sa akin halata din ang pagka gulat sa mukha nito.

"Ikaw pala Nathalia ang babaeng itinutukoy ko ay ang balak mag invest sa aking negosyo kaonti pa ang kailangan ko gawin upang mapaniwala ko siya"

"Ah ganon pasensya na kung narinig ko ang usapan niyo"

"Okay lang yun nais ko lamang humalik sa anak ko bago ako matulog mamaya pagkatapos namin sa baba"

Lumapit ito sa anak naming mahimbing na natutulog at humalik sa noo nito.

"Pakisabi nalang sakanila na mauuna na akong matulog"

"Sige Nathaliana Goodnight!" At napapikit ako ng humalik ito sa aking noo at umalis din ito agad.

Humiga ako sa kama sa tabi ni Nathan at Nathalie ay yumakap sa dalawa hangang sa lamunin na ako ng antok.

"Patawad kung kailangan ko kayong iwan gusto kong mahanap at mas makilala pa ang aking sarili gusto ko malaman kung anong klase ba akong tao at kung may humahabol man sa akin noon sigurado akong babalikan nila ako kaya natatakot ako na baka madamay kayong mga Mahal ko. Alam kong kaya mo ng protektahan ang iyong sarili pati narin ang mga bata magiingat kayo hangang sa muli nating pagkikita I Love You Nathaliana Scott."

Gusto kong imulat ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Grayson ngunit antok na talaga ako naramdaman ko ang paghalik niya sa aking labi hangang sa ako ay muli ng nakatulog.

Kinabukasan ay iyak ni Nathalie ang gumising sa akin kaya dali dali akong bumangon.

"Why are you crying Nathalie?"

"I dreamed that Daddy had left me"

"It's just a dream baby don't cry"

"But it's true! I read the letter that daddy left for you"

Gusto ko ngumiti dahil tuwid ng magsalita si Nathalie parang si Nathan ngunit hindi ko magawa ngayon dahil ako ay namomroblema pa

"Where is the letter?"

Inabot naman nito sa akin ang isang piraso ng papel at aking binasa.

"Nathaliana,
Ikaw na sana ang bahalang mag alaga kay Nathalie patawad kung iiwan ko siya sayo patawad kung iiwan kita Mahal ko. Ngunit kailangan kong sumama kay Dahlia Hangang sa muli nating pagkikita paalam.
-Grayson Radcliffe"

Nakaramdam ako ng galit at sakit bakit kailangan iwan mo kami para sa babaeng iyan napaka walang kuwenta mo Grayson.

Lumapit ako kay Nathalie na wala paring tigil sa pagiyak at niyakap ito.

"Huwag kang magalala aalagaan kita at hindi kita iiwan Nathalie" tumango lang ito ay maya maya lang ay tumahan nadin.

"Pakilock ang kuwarto ni Grayson, Gray hindi ko nais na malungkot si Nathalie pag nakita niya ang kuwarto nito at simula ngayon Wala na tayong kilalang Grayson at Kakalimutan na natin siya."

"Mabuti nga iyan Nathalia hindi ko nais na maging mas malungkot pa ang aking alagang si Nathalie" malungkot na ani ni Nanay Cons.

Naiinis ako sa dahil kahit saan ako pumunta naalala ko ang mukha at ang alaala namin ng lalaking iyon. Ikinasusuklaman kita Grayson Minahal kita pero iniwan mo ako. Akala ko ay panaginip lamang ang narinig ko kagabi.

Isang linggo na ang lumipas simula ng iwan kami ni Grayson pilit kong pinupunan ang mga pagkukulang niya kay Nathalie may panahon na naiisip ko siya ngunit pilit kong inililihis ang aking mga iniisip.

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon