Chapter 31

957 15 1
                                    

"Nathalia Maari ba kitang makausap?"

"Tungkol saan Gray?" Habang ako'y umiinom ng kape sa pool area.

"Gusto kong bumalik sa aking penthouse bukas sa QC nais kong tumira ulit doon dahil nagkaproblema ng malaki sa aking Business nanakawan ako kaya kailangan ko itong tutukan mahirap kasi kung magpapabalik pabalik ako pa QC to Laguna dahil sa traffic."

"Sige naiintidihan ko Gray kausapin mo na lamang ang ating anak at ipaintindi dito."

"Sige salamat Nathalia!"

Tumunog ang aking cellphone hudyat na may tawag na paparating kaya ng makita kong si Daddy ito ay aking daling sinagot.

"Hello Daddy papunta na po ako ngayon sa cemetery"

"Sige anak ingat ka"

"Thanks Dad bye!"

Binaba ko ang tawag at dumaretso sa aking kotse.

"Sama ako!" Sabay na ani ni Gray at Grayson.

"Isa lang ang puwede kong isakay sa kotse at walang maiiwan sa dalawang bata kahit andiyan si Nanay Cons ayoko namang mapagod ito."

"Ako na ang sasama maiwan ka Grayson!"

"Mukha mo Gray! Ako ang sasama ikaw ang maiwan dito tutal mukha ka naman katulong!"

"Tumigil nga kayo sa pag-aasaran nagmamadali ako okay kung hindi kayo magtitino aalis na ako!"

"Bato bato pick nalang tayo Gray!"

"Sige!"

Nagbato bato pick ang dalawa at ang nanalo ay si Grayson.

"Oh halika na Grayson!" Sumakay ako sa aking kotse at binusinahan ko si Grayson ng binelatan pa nito si Gray at ng makasakay ito ay hinarurot ko ang kotse.

"F*ck! Dahan dahan lang Nathalia!"

"Nabibwiset kasi ako sayo napaka mang aasar mo!" Tinama ko lang ang bilis ng aking kotse at tumungo sa sementeryo.

Ilang oras lang ang ibinyahe namin at nakarating kami sa sementeryo.

Nagtaka kami ng may mga pulis sa lugar.

"Ano nangyari dito mga pre?" Dating pulis nga pala itong kasama ko

"Oh ikaw pala Grayson Pinagbabaril kagabi ang dalawang guard na nagbabantay dito ng mga lalaking nasa itim na Van at nalaman nila na may nanakaw na isa sa mga nakalibing dito."

"Ah ganon ba sige pre salamat!"

Iaandar ko sana ang aking sasakyan ng harangin ako ng secretary ng may ari ng sementeryo. Binaba ko ang aking bintana upang marinig ang sinasabi nito.

"Hello po Ms. Scott nais po kayong makausap ni Mr. Reyes sa kaniyang opisina"

"Okay Ana magpapark lang ako"

"Thanks maam"

Ipinark ko ang aking sasakyan sa parking at sabay kaming bumaba ni Grayson sa kotse. At tumungo kami sa opisina ni
Mr. Reyes.

"Hi Ms. Scott upo po kayo at ng iyong kasama"

"Salamat Mr. Reyes"

"Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa pinasok ang aking sementeryo ng mga lalaking naka itim na van at pinagbabaril ang aking mga security. Kaya nagtaka ako kung anong kailangan nila kaya tinignan ko ang mga CCTV at naghanap din kami kung anong mga kinuha o ginawa nila dito at nalaman namin na nakuha ang abo ng iyong ina Ms. Scott pasensya na po talaga. Pero gumagawa na po kami ng paraan para mabawi o makuha ito sa mga kumuha."

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon