Chapter 20

1.1K 18 0
                                    

Ala una na ng madaling araw ngunit wala paring nadating na Grayson mukhang nagenjoy na sa pa prize ng impakta niyang girlfriend. Hindi ko din namalayan na naparami ang inom ko ng wine naka dalawang bote na pala ako kakahintay sakaniya kaya nakakaramdam na ako ng hilo at pagakalasing. Kaya inubos ko na lamang ang natitira sa aking baso sayang naman kasi. Nakakapagod maghintay sa taong hindi mo naman alam kung dadating pa.

Nakapagdesisyon na lamang ako na matulog na kaya pagkaubos ko ng wine na aking iniinom naglakad na paakyat sa hagdan parang umaalon ang bawat baitang ng hagdan sa aking paningin. Ng nasa bandang gitna na ako ay nasala ang aking apak sobrang hilong hilo na kasi talaga ako.

"Shit!" Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinanda ang sarili na masaktan tutal sanay naman na akong masaktan.

May naramdaman akong sumalo sa akin bago pa sumubsob ang aking mukha sa hagdan at binuhat ako nito.

Napatitig ako sa mga mata ni Grayson na parang kay tagal ko ng nakita.

"Akala ko di ka na uuwi.. Ang tagal mo namang dumating hinintay kaya kita alam mo ba yun? Ano sobrang nagenjoy ka ba sa prize ng Impakta mong Girlfriend?" Lasing na pagkakasabi ko.

"Hindi ko alam na hinihintay mo ako nakita ko kasi ang mga kasamahan kong pulis na nagbabantay malapit dito at napasarap ang aming mga kwentuhan. Kung alam ko lang na hinihintay mo uuwi agad ako para sayo."

Hindi ko na siya inimik dahil nakaramdam akong ng komportable at antok sa kaniyang mga bisig.

"Bakit mo naman ako hinihintay Babe?

"Gusto kita..." hangang sa nandilim na ang aking paningin.

Nagising ako ng tumama na ang init ng araw sa aking mukha yumakap agad ako sa aking katabi nanatili parin akong nakapikit nagtataka man kasi biglang ang laki na ni Nathan.

"Good Morning Baby! Araw araw palaki ka ng palaki ang baby Nathan ko ah!"

Nakangiti akong inimulat ang aking mga mata at ganon na lamang ang gulat ko ng nakakaasar na mukha ni Grayson ang sumalubong sa akin.

"Good Moaning din Babe! May payakap ka na ngayon ah?"

"Fuck!" Mabilis ko siyang tinadyakan kaya nahulog siya sa kama "bakit ako nasa kuwarto mo! Rapist!" Sabay takip ng kumot sa aking katawan.

"Wala akong ginawa sayo kagabi ikaw nga yun panay yakap ka sa akin tsaka pilit ka ng pilit na huwag kita iwan diyan kagabi kaya dinala nalang kita dito sa kuwarto ko Promise wala pa akong ginagawa sayo!"

"Wala pa? Aba at may balak ka! Bwiset ka talaga! Wala akong maalalang ganon! Rapist!"

"Sabi mo pa nga sakin GUSTO KITA! Ikaw ah may gusto ka pala sa akin Hahahaa".

"Kapal ng mukha mo! OO! GUSTO KITA! GUSTO KITANG SAPAKIN!"

Bumaba ako sa kama at dumaretso sa may pinto at binuksan ito sumalubong sa akin ang mukha ng dalawang cute na cute na bata.

"Good Mowning po Mommy! Bat nasa room ka po ni Daddy Grayson?" Tanong ni Nathan.

"Nakatulog kasi si Mommy halika na kayo sa baba mag breakfast na tayo" humalik sa aking ang dalawa.

"Good Mowning po Tita Nathalia!"

"Good Morning din Baby Nathalie!"
Ang cute din talaga nito ni Nathalie

Kakatapos ko lang maligo kaya bumaba agad ako.

"Nanay Cons! Asan po ang mga bata?"

"Nasa kapitbahay kala Lucas kalaro ulit ang anak ng dalawa."

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon