Chapter 21

1.1K 19 0
                                    

Pinili kong hindi muna umuwi nagmaneho lang ako hangang sa kung saan saan na ako nakarating pero alam ko parin naman ito. Nasasaktan ako sa nakita ko kanina nasasaktan ako na hindi ko siya pag-aari. Yes! I'm inlove with that Bwiset Man! Matagal ko ng pinipigilan ito pero wala eh kahit anong pigil mo kahit anong bwiset mo sakaniya pag nainlove ka wala ka ng magagawa.

Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo dahil kinabahan ako dahil sa isang madilim na parte na sa Manila ako napunta na trauma narin kasi ako sa madidilim na Lugar lalo na sa bangin.
Simula ng mangyaring ang aksidente sa amin ng mga anak ko.

Mas nakaramdam pa ako ng takot ng biglang may humarang na itim na van sa harapan ng aking kotse kaya inatras ko ito ng mabilis ngunit meron ding itim na van sa likod nagsibabaan ang mga sakay nito na puro malalaki ang katawan at nakakatakot din ang kanilang mga dala.

Kaya ko namang lumaban pero kung ganito sila karami siguradong mabubogbog ako kaya mas pinili kong manatili sa aking sasakyan.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Grayson ngunit naka tatlong tawag na ako kahit isa wala siyang sinagot.

"Wtf Grayson! Bakit hindi mo sinasagot!"

Sinubukan kong bumisina ng bumisina upang makapansin ng ibang tao pero mukhang malabo dahil wala ng mga kabahayan dito. At mukhang mas nagalit pa ang mga lalaki at kumuha ng isang bat ang isa sa kanila at handa ng ihampas sa aking kotse kaya napapikit nalang ako.

"Oh diyos ko tulungan mo po ako"

Ngunit ilang minuto na ang lumilipas hindi naman nabasag ang aking wind shield kaya inimulat ko ang aking mata. Isang lalaki ang nakikipag buno sa benteng kalalakihan na nangharang sa akin. Kaya bumaba ako sa aking kotse at tinulungan ito sa tingin ko naman ay kaya ko ang kalahati.

Sinipa ko ang lalaking malaki ang katawan at tinadyakan sa panga kaya nakatulog ito. Sinabunutan ko naman ang isa sabay sipa sa panga din nito suntok sa mukha ang sa iba para akong nasa action movie na kaming dalawa ng lalaki ang bida hangang sa naubos namin ang mga bad guys!

"Maraming salamat sayo!"

"Walang anuman Miss" Nanlaki ang mata nito sa gulat kaya nacurious ako dahil baka may dumi ako sa mukha.

"Bakit parang nagulat ka?"

"Nathalia?"

"Yes! Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"It's me Gray! Yung lalaking kasayaw mo sa bar! Yung naka one night stand mo!"

"Grabe naman ang bulgar ng bunganga mo Alis na tayo dito at baka may backup pa itong mga ito mag usap tayo sa isang coffee shop!"

Sumakay siya sa aking kotse at mabilis kong pinaandar ito tumawag nadin ako ng mga pulis. Upang mahuli ang masasamang loob na iyon.

Pumasok kami sa isang kilala at sikat na coffee shop.

"Naalala mo na ba ako Nathalia?

Tinitigan ko ang lalaking nasa harap ko Oo guwapo siya at nagtataglay din ng mga asul na mata hindi ako makapaniwala na nasa harap ko ang tatay ng mga anak ko. Ngunit hindi ko maramdaman sa aking sarili na siya nga iyong lalaking nakilala ko 4 years ago. Hindi siya pamilyar. Ngunit siguro ay ngayon lang kami muling nagkita at hindi ko naman talaga matandaan ang mukha niya.

"Ahm yes! Ikaw ba talaga yan!? Hahaha Anong ginagawa mo dito di ba nasa USA ka?"

"Nagbakasyon lang talaga ako don at iyon nakilala kita."

"Ahm may ipagtatapat sana ako sayo."

"Ano yun?"

"Nabuntis mo ako! At nagkaroon tayo ng kambal na anak kaso ay namatay ang isa dahil sa aksidente. Pero hindi kita pilit pananagutin sa akin! Kung maari lang gusto ko sanang magpakita ka sa isang nating anak kay Nathan 4 years old na siya"

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon