Chapter 28

982 17 0
                                    

"DADDYYYY!!" Sigaw ni Nathalie.

Sabay na tumakbo ang dalawang bata at yumakap kay Grayson.

"Namiss ka po namin Daddy!"

"Namiss ko din kayo! Sorry kung iniwan ko kayo noon nagkamali ako pangako hindi ko na kayo muling iiwan pa"

Lumapit ako sakanila at yumuko para makausap ang dalawang bata.

"Akyat na muna kayo sa taas Nathan at Nathalie sama kayo kay Daddy Gray"

"Okay po Mommy!"

Yumakap ang dalawa at humalik sa pisngi ni Grayson at sumama kay Gray sa kuwarto upang mag linis ng katawan at matulog.

"Makakaalis ka na!" Ani ko at lumakad papalayo

"Patawarin mo ako Mahal ko" sabay higit nito sa aking braso.

Tumitig ako sakaniyang mga mata galit ang aking nararamdaman.

"Tapos na yun! Tapos na din kung anong meron sa atin noon at pakiusap ayoko na muli pang marinig ang tawag mo sa akin makakaalis ka na Grayson!"

"Pero gusto ko pang makasama ang mga bata at ang makasama ka"

"Nagpapatawa ka ba? Nawala ka ng isang taon Grayson! Umalis ka ng hindi iniisip ang mararamdaman ng mga bata lalong lalo na ang anak mo!"

"Pasensya na nagkamali ako sa aking ginawang desisyon niloko lang niya ako"

Gusto ko magtanong kung anong nangyari sakaniya ngunit mas gusto kong manahimik naguguluhan pa ako sa ngayon halo halo ang aking nararamdaman.

"Makakaalis ka na Grayson huwag mo na sana akong pagpaulit ulitin. Maari kang bumisita sa mga bata pero hindi ko na nais na manatili ka dito sa bahay ko." Sabay talikod ko sakaniya

"Naiintindihan ko Nathaliana salamat"

Nagsimula na siyang lumakad paalis at lumingon lamang ako ng narinig ko na ang pagsara ng pinto. Tumakbo ako palabas ng marinig ko umandar paalis ang kaniyang sasakyan.

Tinanaw ko na lamang ang sasakyan niyang palayo na ng palayo sa akin pumatak ang malakas na ulan wala akong pakealam kahit basang basa na ako Nasasaktan ako! Gusto ko siyang yakapin at halikan sabihin na Mahal ko siya Gusto ko siyang pigilan na umalis. Ngunit hindi na ganon kadali ngayon yun. Ang pagmamahal ko sakaniya ay puro sakit lamang ang dulot at natatakot na din akong muling iwan niya.

Dinama ko ang mga malalaking patak ng ulan at simoy ng malamig na hangin na tinatabunan ang aking mga luha habang ako'y naglalakad. Naglakad lang ako ng naglakad hangang sa playground ako dalhin ng aking mga paa.

Nagduyan ako at ng mapagod ako ay humiga ako sa slide at tumingala sa langit na walang mga bituin ngunit ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil napapatakan lang ito ng ulan.

Inimulat ko ang mata ko ng wala ng ulan ang pumapatak sa aking mukha.

"Panira ka ng drama scene ko alam mo ba yun?"

"Hahaha bakit naman kasi pinaalis mo pa siya? Eh mahal mo naman"

"Hindi mo ako maiintindihan Gray iniisip ko din ang mga bata. Ilang araw umiyak at lumungkot ang mga yun ng umalis si Grayson. Tsaka di ba Gusto mo ako? Bakit binibiro mo ako sakaniya?"

"Hindi biro iyon dahil batid kong totoo ang pagmamahal mo sakaniya. Alam kong mahal mo pa siya kaya hangang ngayon hindi mo ako sinasagot. Pero okay lang ayokong pilitin ka kung hindi naman ako ang mahal mo basta lagi mong tatandaan Mahal kita at andito lang ako lagi sa tabi mo"

"Sorry Gray kung hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo pero maniwala ka mahalaga kana sa akin ngayon. At salamat dahil palagi kang andiyan para sa akin para sa amin"

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon