Chapter 44

792 14 4
                                    

A/N: HAPPY 3K READS🎉🎆🎇✨ yipee!
More Follow, Reads and Vote guysss!! Thank youuu!😍😗

---------------------------------------------------------------------

"May sasabihin nga pala ako sayo tungkol sa Mommy mo Nathalia" Na nagpalingon sa akin kay Andrei.

Bumukas ang pinto at sabay kaming napalingon ni Andrei doon.

"Ako na ang bahalang mag bantay muna kay Delareigh ang sabi kasi sakin nito ni Gray ay! Andrei pala ay may sasabihin siya sayo"

"Sige po Nanay Cons salamat"

Bumaba ako sa hagdan at nakasunod naman sa akin si Andrei natatakot ako sa mga sasabihin niya sana ay maganda ang kaniyang sabihin. Kumuha ako ng wine at yelo sa ref at dinala ko sa pool area. Si Grayson at mga anak ko ay nasa Playroom na ng mga anak ko.

"20 years old ako non nung nag uwi ang Daddy ni Dahlia ng babaeng naka formal dress non at walang malay ayun ang unang araw kong trabaho. Dinala siya sa isang kuwarto pero nakakasigurado akong hindi nila ginalaw yun ako ang palaging inuutusan nilang pakainin noon ang mommy mo. Napaka bait ng Mommy mo parang Nanay na nga ang turing ko sakaniya gusto ko man siyang itakas kaso nga lang ay may naka kabit ditong tracker balewala lang kahit na itakas ko siya ay mahuhuli padin siya. Nalaman kong Mommy mo siya ng marinig kong kausap niya ang kanang kamay niya nalaman kong asawa ng Presidente ng America kaya nung ikaw ang naging misyon ko ay antimano alam ko na Mommy mo ang babaeng itinatago at ikinukulong nila"

"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?" habang tuloy tuloy ako sa pag inom ng wine.

"Dahil noong unang misyon ko dito sa Pilipinas ay mag pangap at loyal pa ako sa Tatay ni Dahlia pero nung mapalapit ako saiyo sa pamilyang ito ay nagbago ang pananaw ko sa buhay aminado akong sabik ako sa pagmamahal ng isang pamilya dahil maaga akong nawalan non. Tas napapamahal nadin ako sa iyo dahil napakabait mo sa akin na dumating na sa puntong ayaw na kitang masaktan kaya simula non hindi na ako nagbabalita sa daddy ni Dahlia hangang sa nawalan na sila ng tiwala sa akin"

"Buhay pa ba ang Mommy ko?"

May kinuha ito sa loob ng sala at may inabot sa aking brown envelope. Binuksan ko ito at naglalaman ng Negative ang result ng abo ng ipinatest niya

"Buhay pa siya Nathalia inaamin kong pineke ko noon iyang result na iyan dahil tapat pa ako sa sindikatong iyon. Ako din ang naglagay sayo ng tracker na alam kong nalaman mo dahil hindi na kita muling natrack non kaya kaagad na sumunod ako sainyo sa Washington at ako ang nagsasabi sa mga sindikato sa mga hakbang niyo noon"

Tumulo ang luha sa mata ko dahil sa saya sa wakas buhay pa ang mommy

"Totoo nga ang nakita ko buhay pa ang Mommy! Bago ako maaksidente noon"

"Nakatakas ang Mommy mo sa hindi ko malamang dahilan nawalan sila ng tiwala sa akin kaya hindi ko alam kung paano nakatakas ang Mommy mo huwag ka ng umiyak kasalanan ko ang lahat pero hindi ako nakakasiguradong maalala ka niya dahil may itinurok sila Williams sa Mommy mo"

"Naiiyak ako sa saya kailangan ko ng mahanap ang mommy ko at alam kong maalala ako ng puso niya"

"Tutulong ako Nathalia" sabay kapit nito sa aking kamay.

"Akala ko ba usap lang? Bakit may pahawak pa sa kamay" nagsusungit na ani ni Grayson na dinaig pa ang daddy ko

Napaangat kami ng tingin kay Grayson ng magsalita ako mabilis naman akong tumayo at niyakap ito.

"Grayson! Buhay pa ang mommy!"

Pinunasan nito ang aking luha at hinalikan ako sa noo.

"Don't cry babe hahanapin natin kaagad siya" tango na lamang ang sinagot ko.

Kinabukasan ay Ibinalita ko kay Daddy ang nalaman ko at nagsimula na itong magpahanap sa buong America.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang aking investigator na si Mark.

"Hello Maam finally tumawag ka na po nabasa mo po ba ang mga messages ko?"

"Hindi ko pa nababasa sorry ang dami kasing nangyari"

"Nahanap ko na po ang ipinapahanap niyo"

"Good job Mark. Kung ganon ay saan ko siya makikita?"

Minessage nito sa akin ang isang address malapit lang din sa amin all this time ang lapit lapit lang pala sa akin ni Mommy.

"Andrei nahanap ko na si Mommy pupuntahan ko siya ngayon"

"Sasama ako"

"Ako din Nathalia!" Ani ni Grayson.

Sa Mustang ni Andrei kami sumakay at dumaretso kami sa sementeryo dito daw nakatira ang Mommy at doon din nagtatrabaho.

Ng makarating kami sa sementeryo ay bumaba agad ako at patakbong dumaretso sa main office.

"Miss Nathalia is there any problem?" Tanong ni Mr. Reyes na may ari ng sementeryo.

"Do you have an employee named Christina Nathalie?"

"Wala pong ganyang pangalang pero meron pong Tina matagal na siyang nagtatrabaho dito"

Christina Nathalie ang pangalan ng aking ina at doon ko din kinuha and second name ng anak kong babaeng pumanaw.

"Saan ko po siya makikita?"

"Hindi kasi siya naka asign na maglinis sa mga museleo kaya makikita niyo sa sa mga buong area ng mga nakalibing dito" inshort sa mga hindi nakalibing sa mga museleo.

Patakbo akong naghanap sa buong area nakasunod lang sa akin si Grayson at Andrei

"Dahan dahan sa pagtakbo baka madapa ka Nathalia"

"Wala akong pakealam kahit madapa at masugatan pa ako kailangan kong mahanap si Mommy!"

Kanina pa ako takbo ng takbo kahit tirik na tirik ang araw at tagaktak nadin ang aking pawis hindi ako maaring sumuko kailangan kong mahanap ang mommy. Patuloy lang ako sa pagtakbo hangang sa nakarating na ako sa dulo ng sementeryo napatigil ako ng mapansin ko ang babaeng nakatalikod na pamilyar sa akin nagwawalis ito sa ilalim ng tirik na tirik na araw nakasumblero pero pansin mo padin ang maputi at makinis na balat.

"Mommy!" Unti unting tumulo ang luha ko at mas bumuhos pa ito ng dahan dahang lumingon ito sa akin. Patakbo akong lumapit dito at yumakap "Mommy! Sa wakas nakita din...kita.. akala ko... tuluyan ..mo..na kaming iniwan..miss..na...miss..na..kita..please huwag..mo...na..ulit..akong...iiwan....
.please!" patigil tigil ko ani dahil sa pagiyak at paghikbi ko.

Kumapit ito sa aking likod at hinihimas himas ito na parang inaalo ako.

"Huwag kang umiyak iha maari ko bang malaman ang iyong pangalan? pasensya na hindi kasi kita kilala"

To be Continued...

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Subscribe in my Channel on youtube: LexAndrA_Togepi

Add me on Facebook: Lexandra Togepi

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/

Twitter
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepi

Tiktok
Username: LexAndrA_Togepi

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon