Chapter 18

1.2K 20 1
                                    

A/N:Gusto ko lang mag Thank You sa gumawa ng bagong cute na cover ng story na ito Thank you kay
Lunaica-zero read her story din guys🙂🙂
-------------------------------------------------------------
" I LOVE MY TWO BOYFRIENDS"
Muna ang basahin niyo bago ito para mas ma gets ito at ang ibang characters Thankyou😘
-------------------------------------------------------------

Pagkagising ko dumaretso agad ako sa banyo upang maligo hinayaan ko munang matulog si Calvienson dahil mahimbing itong natutulog kawawa naman kung gigisingin ko.

Bumaba ako upang magluto sana ng almusal pero nakita kong si Nanay Cons na ang nagluluto kaya dumaretso na lang ako sa pool area upang lumanghap ng fresh air. Pero masamang hangin ang aking nalanghap ng makita kong nagpupush up at nagsi situp si Grayson na nakahubad pa. Hmm pake ko sa abs mo.
Pero ang totoo weakness ko ang abs charr.

Tumigil ito sa pageexercise ng mapatingin ito sa akin at ngumiti.

"Good Moaning Miss Nathalia!"

"Moaning ka diyan! Ikaw ah! Aga aga ang manyak mo!"

"Lah! Morning ang sinabi ko Miss Nathalia Good Morning ikaw ah pinagnanasaan mo ko"

"Letse ka hindi ako bingi! Bwiset ka na naman ah aga aga eh diyan ka na nga!"

Pinili ko ng umalis sa pool area dahil imbis na ma relax ako stress ang naramdaman ko dahil sa pesteng lalaki na yun. At umalis na ako at baka maisipan ko pang lunurin siya sa pool.

Nanood na lamang muna ako ng tv habang hindi pa naluluto ang almusal.
At Naghanap ako ng magandang pelikula

"Wow nanonood ka pala ng Titanic Miss Masungit!"

Tumaas agad ang kilay ko ng marinig ko ang pang aasar niya sa akin.

"Oo nakikita mo naman di ba? At huwag mo akong asarin at baka ihampas ko ang mukha mo sa tv!"

"Ay hala! Ang sungit mo talaga Miss Nathalia kawawa naman ang magiging boyfriend or asawa mo. Kaya ka siguro masungit no! Iniwan ka ng daddy ni Nathan"

"Ay! Iba din ang dila mo ah! Iba din magsalita. Hindi mo ako kilala at wala na akong pakealam sa lalaki na yun! Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang anak ko!"

"Sorry Miss Nathalia! Hindi ko inakala na seseryosohin mo pasensya na. Hindi na mauulit."

Tahimik kaming nanood ng tv at hindi na muling nagkibuan.

Mabuti na lamang at tapos na ang aking pinapanood ng magising ang mga bata may mga scenes kasi doon na hindi angkop para sa mga batang manonood.

"Good mowning tita Nathalia! Pwede po kami swim ni Calvien?"

"Sure baby teka magbibihis ako para may kasama kayo"

Paakyat na sana ako upang magpalit ng pang swimming ng pigilan ako ni Grayson.

"Ako na ang magbabantay sa mga bata alam kong may trabaho ka pang kailangang gawin"

"Okay salamat!"

Kinuha ko ang laptop ko sa taas at pinili kong sa Table malapit sa pool gumawa ng aking trabaho bukod sa masarap ang ihip ng hangin dito gawa ng mga halaman sa garden narerelax pa ako sa tawa ng dalawang batang nagswiswimming habang kalaro ng mga ito si Grayson.
Daddy pa nga ang tawag ni Calvien kay Grayson hindi ko naman masisisi ang anak ko dahil sabik talaga siya sa isang ama.

Habang busy ako sa aking laptop tinitignan ko kasi ang mga feedback sa aking hotel. Ng bigla akong binuhat ni Grayson at hinagis sa swimming pool.

"Argh! Bwiset ka Grayson!" Mabilis akong umahon sa pool at hinabol ito ng maabot ko na sana siya ay bigla akong nadulas at mabilis naman niya akong nasalo.

Nagkatitigan kami ng napakatagal napatitig ako sa kaniyang mga asul na mata na parang pamilyar sa akin.

"Baka matunaw na ako niyan sa nagnanasa mong tingin Miss President's Daughter Naiinlove ka na saken no?"

Mabilis naman akong bumalik sa wisyo at mabilis na lumayo sakaniya.

"Kapal ng face mo ah! Hinding hindi ako maiinlove sayo!"

"Talaga lang hah! Tandaan mo Miss President's Daughter Luluhod ka din saken!"

"Yuck kapal talaga ng mukha mo diyan ka na nga!"

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa pool basa na rin naman ako kaya itutuloy ko nadin ang pagswiswimming

"Mag ingat ka sa paglalakad Miss Nathalia! Baka madulas ka ulit!" Kinilig naman ako sakaniyang sinabi "Ang bigat mo kasi ayaw na kita saluhin!"

Mabilis naman napalitan ng inis ang kilig na naramdaman ko. Inambahan ko nalang siya ng kamao at ng makalusong nadin siya sa swimming pool ay sinuntok ko siya sa braso.

Lumapit naman ito sa akin kaya umiwas ako ngunit kinilong niya ako gamit ang kaniyang dalawang braso.

"Ouch naman Miss Nathalia! Gusto mong saktan din kita? Pero sa masarap na paraan?"

Napatingin ako sa gilid niya nakatingin lang sa amin ang dalawang bata habang nakasakay sa tig isang salbabida.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Grayson at mabilis na tinadyakan ang betlog nito.

"Manyak kang lalaki ka Bye babies!"

Mabilis naman itong namilipit sa sakit. At hinawakan ang masakit niyang pagkalalaki.

"Ang sama mo Miss Nathalia baka hindi ako magka anak!"

"Buti nga sayo babaero!"

Bumalik na ako sa dalawang bata at nilaro na lamang ang mga ito. Nakisali samin si Grayson pero puro pantitrip lang naman ang ginawa sa akin.

Ng maghapon na ay umahon na kami at una kong pinaliguan si Nathan bago ako at bumaba kami upang mag merienda.

Ng mag gabi at makatulog na si Nathan bumaba ako sa kusina upang kumuha ng wine.

Habang tahimik akong umiinom may biglang tumabi sa akin, Nagulat ako dahil akala ko multo yun pala isang bwiset na lalaki lang.

"Hindi ka din makatulog Miss Nathalia?"

"Oo lalo na't nakita ko pa ang nakakatakot mong mukha!"

"Grabe ka naman Miss Nathalia! Maraming naiinlove sa mukhang ito.!"

"Talaga? Pero hindi ako!"

"Nga pala bukas na magsisimula ang lesson natin sa pagaaral mo ng self defense Miss Nathalia!"

"Marunong naman na ako!"

"Pero hindi ganon kagaling kailangan mong mas protektahan ang sarili mo"

"Okay sige fine! Basta ayusin mo! Pag biniwiset mo ako bukas mag lesson ka mag isa mo!"

Mabilis kong inubos ang wine na aking iniinom at inilagay ito sa lababo at umakyat na upang matulog.

Anong oras na ngunit hindi parin ako makatulog kakaisip sa bwiset na lalaki na yun! Please brain si James Reid lang ang isipin mo! Or si Jungkook or V nalang please! Huwag lang ang pesteng lalaki na yun! Naeexcite din ako sa aming lesson bukas excited na akong batukan siya pag pinagtripan na naman ako nito.

To be Continued...

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Subscribe in my Channel on youtube: LexAndrA_Togepi

Add me on Facebook: Lexandra Togepi

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/

Twitter
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepi

Tiktok
Username: LexAndrA_Togepi

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon